13/05/2026
Diliman 1st San Rafael, Bulacan
Official Fb page of Barangay Diliman 1st San Rafael, Bulacan
13/05/2026
08/05/2026
📍LINGGUHANG PAGLILINIS | MAY 9, 2026
Nagsagawa muli ng lingguhang paglilinis ang ating barangay bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.
Ang mga kagawad at tanod ay nagsagawa ng paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbabara at pagbaha. Ang mga BHW at ML naman ay namulot ng mga basura sa paligid upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.
Samantala, si Kapitana Amalia Ramos kasama ang ilang tanod ay naglinis at nag-ayos ng garden ng barangay.
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan ng bawat isa para sa mas maayos, malinis, at ligtas na barangay. 💚
02/05/2026
Maligayang Kaarawan, Kapitana Amalia A. Ramos.
Taos-pusong pasasalamat sa inyong tapat at mahusay na pamumuno sa Barangay Diliman Uno.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa inyong paglilingkod sa komunidad.
Mabuhay po kayo.
18/04/2026
LINGGUHANG LINIS | Abril 18, 2026
Isinagawa ngayong araw ang ating Lingguhang Linis sa pangunguna ng ating mga masisipag na kawani ng barangay.
Ang mga Barangay Tanod ay nagsagawa ng paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbabara at mapanatiling maayos ang daloy ng tubig.
Samantala, ang ating mga Kagawad (Sangguniang Barangay) ay abala sa pagpipintura ng daycare center upang mas maging maayos, malinis, at kaaya-ayang lugar para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat sa patuloy na pagtutulungan at malasakit ng bawat isa para sa kalinisan at kaayusan ng ating barangay.
11/04/2026
April 11, 2026
Isinagawa ang lingguhang paglilinis sa ating barangay sa tulong ng iba’t ibang sektor. Ang ating mga BHW ay aktibong namulot ng basura upang mapanatiling malinis ang kapaligiran. Samantala, ang mga tanod ay nagsagawa ng paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbaha.
Ang mga miyembro naman ng Sangguniang Barangay ay naglaan ng oras sa pagpipintura at paglilinis ng daycare center upang mas maging maayos at kaaya-aya para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad.
05/04/2026
📌 UNANG PULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY – Para sa BUWAN NG ABRIL
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang pulong ng Sangguniang Barangay para sa buwan ng Abril. Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin at programa na nakatuon sa kaayusan, kalinisan, kaligtasan, at patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Kabilang sa mga napag-usapan ang mga proyekto para sa imprastraktura, pagpapabuti ng serbisyo sa komunidad, at paghahanda sa mga susunod na aktibidad ng barangay.
Nagkaisa ang mga miyembro ng sanggunian na ipagpatuloy ang maayos at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng ating komunidad. 💙
03/04/2026
🧹 CLEAN-UP DRIVE | PUROK 2 🧹
April 4, 2026
Isinagawa ng ating masisipag na Sangguniang Barangay at Barangay Tanod ang paglilinis ng kanal at pag-aalis ng mga kalat sa Purok 2.
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha at sakit na dulot ng maruming kapaligiran.
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan para sa mas maayos at malinis na barangay! 💪🌿
20/03/2026
📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY 📢
Diliman 1st – 1st Semester CY 2026
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Diliman 1st na makiisa sa ating Barangay Assembly Day.
🗓 March 21, 2026
⏰ 6:00 PM
📍 Diliman Covered Court
Tema: “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Mahalaga ang inyong presensya upang mapag-usapan ang mga programa, proyekto, at mga plano para sa ating barangay.
Makilahok at makiisa para sa mas maunlad na Diliman 1st!
10/03/2026
📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE
Magkakaroon ng FUN RUN sa darating na Marso 14, 2026 bilang bahagi ng kapistahan, kaya pansamantalang isasara ang Bypass Road mula 2:00 AM hanggang 11:00 AM.
Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang mga sumusunod:
• Barangay Diliman 1st SRB
• Barangay Diliman 2nd SRB
• Barangay Maasim SRB
• Barangay Sapang Putik SIB
Pinapayuhan ang lahat ng motorista na humanap ng alternatibong daan habang isinasagawa ang aktibidad.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
Viva San Jose! 💚
07/03/2026
Lingguhang Paglilinis | Marso 7, 2026
Nagsagawa ng paglilinis ang Barangay Diliman 1st kung saan ang mga Barangay Tanod at mga Kagawad ay naglinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbaha, habang ang ating mga BHW naman ay namulot ng mga kalat sa paligid.
Maraming salamat sa patuloy na pagtutulungan para sa malinis at maayos na ating barangay. 🧹🌿
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Purok 1
San Rafael
3008
Opening Hours
| Monday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Tuesday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Wednesday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Thursday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Friday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Saturday | 8am - 12pm |
| 2pm - 5pm | |
| Sunday | 8am - 5pm |
