29/10/2026
𝗘𝗟𝗗𝗘𝗥𝗟𝗬 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟲
📅 𝘖𝘤𝘵𝘰𝘣𝘦𝘳 𝟤𝟫, 𝟤𝟢𝟤𝟨
Sa temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan,” ipinagdiwang ng Bayan ng San Teodoro ang Elderly Filipino Week 2026 bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa pamilya at komunidad.
Pinangunahan ang pagdiriwang ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Annabelle Medina, katuwang ang Municipal Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Mrs. Myrna A. Lee, OSCA Chairman.
Tampok sa programa ang Zumba Competition, kung saan ipinamalas ng ating mga senior citizen ang kanilang sigla a talento.
Dumalo rin sa pagdiriwang si Mrs. Nonieta B. Ramos, Senior Citizens Federation President, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Primitivo Atayde Jr., Hon. Allen Craseler Balaibo, Hon. Josilyn Alpuerto, Hon. Joseph Arenillo, Hon. Isagani Lazo, at Hon. Greg Aldaba.
Katuwang sa pagsasagawa ng aktibidad ang Municipal Health Office, PhilHealth, at Oriental21 Pharmacy, na naghatid ng mga programa at serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizens.
Kinilala din sa programa ang mga natatanging senior citizen ng bayan, kabilang si G. Heidi A. Arenillo, finalist sa Ulirang Nakatatanda – Government Category, gayundin sina Gng. Marilou A. Sarmiento at G. Ronald Melendrez, Gandang Lola at Poging Lolo 2026.
Sa pagdiriwang na ito, muling kinilala ang mahalagang papel ng mga senior citizen sa ating lipunan. Ang kanilang patuloy na pagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan, aktibong pakikilahok, at mga ambag sa komunidad.
Mabuhay ang ating mga nakatatanda!