Municipality of Sta. Ana

Directions

Municipality of Sta. Ana Welcome to the Official Page of the Municipality of Sta. Ana, Pampanga

29/10/2026
FINTAX-MSE | PARA SA MICRO AT SMALL ENTERPRISES 📊🧾Inaanyayahan ang ating mga micro at small business owners na makilahok...
28/10/2026

FINTAX-MSE | PARA SA MICRO AT SMALL ENTERPRISES 📊🧾

Inaanyayahan ang ating mga micro at small business owners na makilahok sa Financial Literacy and Tax Education for Micro and Small Enterprises (FINTAX-MSE) for Districts 2 & 3, isang programa na naglalayong palakasin ang kaalaman ng mga maliliit na negosyante sa financial literacy at tax education.

Sa pamamagitan ng programa, layuning matulungan ang mga negosyante na mas maunawaan ang wastong pamamahala ng kanilang pananalapi, pagbabayad ng buwis, at iba pang mahahalagang kaalaman para sa mas maayos at lumalagong negosyo.

📅 Kailan: November 5, 2026
📍 Saan: Kingsborough International Convention Center, City of San Fernando, Pampanga
📝 Para makapagparehistro, ilagay ang inyong pangalan sa registration sheet:

https://docs.google.com/spreadsheets/d/1sAg9H13q3tSXJYT9SkYAFwV9VKYdSUPJhDkveVLr1D8/edit?gid=2135142788 =2135142788

PABATID, PIMPEÑO! 📢 | Ipinababatid po sa publiko ang Revised Local Revenue Code ng Bayan ng Sta. Ana, bilang bahagi ng p...
27/10/2026

PABATID, PIMPEÑO! 📢 | Ipinababatid po sa publiko ang Revised Local Revenue Code ng Bayan ng Sta. Ana, bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos at pagpapaunlad ng mga patakaran ng ating lokal na pamahalaan.

Layunin nito na maging mas malinaw, maayos, at naaayon sa kasalukuyang pangangailangan ng bayan ang mga probisyon kaugnay ng lokal na buwis, bayarin, singilin, at iba pang kaukulang revenue measures.

Hinihikayat po ang ating mga kababayan, negosyante, at iba pang stakeholders na basahin at unawain ang mga probisyon ng Revised Local Revenue Code para sa wastong impormasyon at gabay.

Para sa buong detalye, mangyaring tingnan ang kalakip na kopya ng Revised Local Revenue Code.

23/10/2026
PAALALA SA ATING MGA MAMIMILI | Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan at mas dumarami ang namimili ng pagkain at iba pang ...
22/10/2026

PAALALA SA ATING MGA MAMIMILI | Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan at mas dumarami ang namimili ng pagkain at iba pang produkto, ugaliing suriing mabuti ang bawat bibilhin, lalo na ang mga de-lata, bottled goods, packaged food, karne, gamot, cosmetics, at iba pang produktong ginagamit ng ating pamilya.

✅ I-check ang expiration date bago ilagay sa basket at bago kainin o gamitin.

✅ Tingnan kung maayos ang packaging at walang butas, tagas, kalawang, umbok, sirang seal, malalim na yupi, o anumang senyales ng pagkasira.

✅ Basahin ang label at tiyaking malinaw ang brand, manufacturer, manufacturing date, expiration date, batch o lot number, at iba pang mahalagang impormasyon.

✅ Huwag bumili, kumain, o gumamit ng produktong expired, sira, o kahina-hinala ang kondisyon.

KAPAG NAKABILI NG EXPIRED O SIRANG PRODUKTO:

1️⃣ Huwag itong kainin, buksan, o gamitin.
2️⃣ Itabi ang produkto, resibo, at iba pang patunay ng pagbili.
3️⃣ Kunan ng malinaw na litrato ang expiration date, brand, batch o lot number, kondisyon ng produkto, at packaging.
4️⃣ Agad itong ibalik sa tindahan o supermarket at ipaalam sa management upang maaksyunan, mapalitan, o ma-refund. Mahalaga rin itong i-report upang ma-check at maalis sa bentahan ang iba pang posibleng expired o sirang stock.
5️⃣ Kung tumanggi ang tindahan na tanggapin, palitan, i-refund, o aksyunan ang reklamo, maaaring magsumite ng consumer complaint sa Department of Trade and Industry o DTI.

📞 DTI Consumer Care Hotline: 1-DTI (1-384)
📧 Email: [email protected]

Para naman sa concern tungkol sa kaligtasan, kalidad, o regulasyon ng mismong produkto, maaari ring makipag-ugnayan sa kaukulang ahensya:

🥫 Processed at packaged food, de-lata at bottled products – FDA Philippines
💊 Gamot, cosmetics at iba pang health products – FDA Philippines
🥩 Karne at meat products – Municipal Agriculture Office / Local Meat Inspection Office / DA-NMIS
🐟 Isda at fishery products – DA-BFAR
🍽️ Restaurants, eateries, food stalls at iba pang local food establishments – Municipal Health Office / LGU

Maging mapanuri sa bawat produktong ating binibili. Ilang segundo lamang ang pag-check ng label, expiration date, at kondisyon ng produkto, ngunit malaking tulong ito upang mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at karapatan ng ating pamilya bilang mga mamimili ngayong Kapaskuhan.

BASAHIN ANG LABEL. I-CHECK ANG EXPIRATION DATE. KALIGTASAN MUNA BAGO BUMILI.

Address

Santa Ana
2022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Sta. Ana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services


Other Public & Government Services in Santa Ana

Show All