Jam Agarao

Directions

Jam Agarao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jam Agarao, Government Official, Santa Cruz.

Isinagawa noong nakaraang Sabado at Linggo ang scholarship interview na dinaluhan ng 605 na estudyanteng aplikante mula ...
17/09/2026

Isinagawa noong nakaraang Sabado at Linggo ang scholarship interview na dinaluhan ng 605 na estudyanteng aplikante mula sa Ika-4 na Distrito ng Laguna.

Ang ganitong programa ay malaking tulong upang masuportahan ang kanilang pag-aaral at maipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. Nawa’y magsilbi itong dagdag na inspirasyon at oportunidad para sa ating mga kabataan.

Patuloy nating bigyang-halaga ang edukasyon at suportahan ang kinabukasan ng ating kabataan. ❤️

Ngayong Su***de Prevention Month, huwag nating kalimutang mangumusta.Minsan, simpleng pakikinig at pagsasabing “Nandito ...
03/09/2026

Ngayong Su***de Prevention Month, huwag nating kalimutang mangumusta.

Minsan, simpleng pakikinig at pagsasabing “Nandito lang ako” ay malaking bagay na para sa isang taong may pinagdadaanan. Hindi natin alam kung gaano kabigat ang laban na tahimik na hinaharap ng iba.

Walang dapat humarap sa mabibigat na pagsubok nang mag-isa. Mag-usap tayo, makinig tayo, at patuloy tayong magmalasakit sa isa’t isa.

Sa simpleng pangungumusta at pag-unawa, maaari nating maipadama sa isang tao na may nakikinig at may handang umalalay.

Bawat buhay ay mahalaga. Bawat tao ay may halaga.

Saludo sa lahat ng tunay na bayani—mga Pilipinong nagsisikap, tumutulong, at patuloy na naglilingkod para sa kapwa.Sa ba...
31/08/2026

Saludo sa lahat ng tunay na bayani—mga Pilipinong nagsisikap, tumutulong, at patuloy na naglilingkod para sa kapwa.

Sa bawat tapat na serbisyo, may bayaning kumikilos. Mabuhay ang mga bayani ng ating bayan! 🇵🇭

Happy International Youth Day sa lahat ng kabataan! 🎉Kayo ang puso ng ating komunidad. Ang inyong sigla, talento, at det...
12/08/2026

Happy International Youth Day sa lahat ng kabataan! 🎉

Kayo ang puso ng ating komunidad. Ang inyong sigla, talento, at determinasyon ang nagbibigay-inspirasyon sa aming patuloy na paglilingkod.

Patuloy kayong mangarap. Kasama ninyo kami! ❤️

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲!Maulan man ngayon at masama ang panahon — hindi hadlang sa magandang simula ng linggo. 🌧️New week, fresh st...
10/08/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲!

Maulan man ngayon at masama ang panahon — hindi hadlang sa magandang simula ng linggo. 🌧️

New week, fresh start. Simulan natin ang linggong ito nang may magandang mindset at positive vibes.

Sa lahat ng pumapasok sa trabaho, naghahanapbuhay, o patuloy na lumalaban para sa pamilya — saludo ako sa inyo. Hindi man laging madali, bawat hakbang n’yo ay may patutunguhan.

Tuloy lang tayo. Isang linggo na naman para gumawa ng mabuti at maging mas mahusay. Ingat palagi at magandang Lunes, mga Ka-Distrito! ❤️

07/08/2026

Mag-ingat po tayong lahat. Panatilihin ang kahandaan at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulan. Dalangin natin ang kaligtasan ng bawat isa. 🙏🏽

🇵🇭 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔Ang wikang Filipino ay hindi lamang salita — ito ay pagmamahal, kultura, at pagkakakilanlan ng bawa...
05/08/2026

🇵🇭 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ang wikang Filipino ay hindi lamang salita — ito ay pagmamahal, kultura, at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

Sa bawat salitang binibigkas natin, ipinagmamalaki natin ang ating pagiging Filipino. Mahalin natin ang ating wika — dahil ito ang isa sa mga bagay na nagpapakilala sa atin sa buong mundo. 🇵🇭❤️

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚 𝐑𝐢𝐬𝐚 𝐇𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞𝐫𝐨𝐬! ❤️𝐓𝐒𝐄𝐊 𝐔𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 🩺❤️Matagumpay na naisagawa ang una at ikalawang araw ng 𝐓𝐒...
04/08/2026

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚 𝐑𝐢𝐬𝐚 𝐇𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞𝐫𝐨𝐬! ❤️

𝐓𝐒𝐄𝐊 𝐔𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 🩺❤️

Matagumpay na naisagawa ang una at ikalawang araw ng 𝐓𝐒𝐄𝐊 𝐔𝐏 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, kung saan daan-daang residente mula sa ika-4 na Distrito ng Laguna ang nakinabang sa libreng konsultasyong medikal at iba’t ibang laboratory services.

Ang programang ito ay hatid ni 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚 𝐑𝐢𝐬𝐚 𝐇𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞𝐫𝐨𝐬 para sa mga mamamayan ng ika-4 na Distrito ng Laguna, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Cong. Benjie Agarao, 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐁𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐉𝐚𝐦 𝐀𝐠𝐚𝐫𝐚𝐨 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔-𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐞𝐧𝐣𝐨 𝐀𝐠𝐚𝐫𝐚𝐨

Patuloy nating ilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan upang mas marami pang pamilya ang magkaroon ng akses sa dekalidad at abot-kayang pangangalagang medikal.

Maraming salamat sa ating mga healthcare workers, volunteers, at sa bawat residenteng nakiisa at nagtiwala sa programang ito. Sama-sama nating isinusulong ang mas malusog at mas maayos na kinabukasan para sa ika-4 na Distrito ng Laguna.

Address

Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jam Agarao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share