20/10/2026
TINGNAN | ๐๐๐บ๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ!
Kahapon, ika-19 ng Oktubre 2026, limang (5) mag-aaral mula sa College of Public Affairs, University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB), na nag-aaral sa larangan ng Community Development, Agriculture, at Sociology, ang bumisita sa tanggapan ng Kagawaran ng Repormang Pangsakahan ng Laguna upang higit na maunawaan ang mga prinsipyo, programa, at haligi ng repormang pangsakahan sa bansa.
Malugod na tinanggap at ginabayan ng pamunuan ng Kagawaran, sa pangunguna ni PARPO II Rommel Q. Bote, ang mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa mandato ng DAR, lalo na sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, pagpapaunlad ng mga benepisyaryo ng repormang pangsakahan, at pagtataguyod ng mga pamayanang rural.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagbisita at palitan ng kaalaman, patuloy na pinatitibay ng DAR Laguna ang ugnayan sa mga institusyong pang-akademiko upang mahubog ang mga Iskolar ng Bayan bilang mga makabuluhang katuwang sa pagsusulong ng kaunlaran, paglilingkod sa bayan, at mas makatarungang kinabukasan para sa mga magsasakang Pilipino.
DAR Laguna, kasama sa pangarap!๏ฟฝ