Santa Cruz Laguna Water District

Call Directions Website Contact the organization

Santa Cruz Laguna Water District SAVE WATER, SAVE LIFE (SCWD Official Page) Only the town proper and a few adjacent barangays were served by these systems.

Santa Cruz, the capital town of Laguna, was served by water system originally constructed on 1920 with one well as main source and an elevated concrete reservoir called the Elbo Water System. In later years, two wells were added at Barangay Pagsawitan, a river infiltration gallery and at Barangay San Pablo Norte, a deep well. The water quality and system pressure was very poor and inefficient. These systems was operated by different waterwork administrations for many years and was finally given a new management with the creation of Santa Cruz Water District on June 25, 1980 in accordance with the Presidential Decree No. 198. With the creation of Santa Cruz Water District, an improvement was made. The system pressure was improved through 100% metering of all registered connections, replacement of all pumping equipment in three existing production wells with effective and efficient units and service to the concessionaires for longer hours. Water quality was also improved through installation of chlorination equipment. Other improvements were made gradually through the years with the different managements that handled the operations of the District but the most dramatic and widely felt improvements were made and undertaken by the present management. The present management lives up to the Mission and Vision of the District to operate on a full twenty- four- hour basis, with no interruption since all the pumping stations were equipped with back up generating systems as stand-by in cases of power interruption and pre-arranged blackouts. The old production wells serving the municipality were abandoned and replaced with new ones. Also three new production wells were constructed and added to the system. They were established in different strategic locations to give way for the construction and installation of more distribution lines that paved the way for reaching far flung barangays of Santa Cruz, Laguna. The whole municipality is now being served by Santa Cruz Water District where the barrio folks can now avail adequate but cheap, potable and safe water twenty- four hours. The total registered service connections as of April 2015 is 11,349 including institutional, government and commercial establishments. The present concern of the management is to further improve the system pressure by constructing more production wells in anticipation of the rapid growth of population and economy of Santa Cruz, Laguna. Another major concern is the replacement of old pipelines in the whole distribution system. This is to fully comply with the mandate of Presidential Decree No. 198 to serve the people with adequate, safe, cheap and potable water.

PAUNAWA SA MGA MAMAYAN NG SANTA CRUZPormal at maayos na pong naibigay ng Santa Cruz (Laguna) Water District ang pamamaha...
02/10/2026

PAUNAWA SA MGA MAMAYAN NG SANTA CRUZ

Pormal at maayos na pong naibigay ng Santa Cruz (Laguna) Water District ang pamamahala ng sistema ng patubig sa bayan ng Santa Cruz, Laguna noong Setyembre 30, 2026 sa HIRAYA Water Corporation.

Gayundin, ang mga susi ng mga pasilidad at mga planta ay nasa pamamahala na ng HIRAYA Water sa petsang nabanggit.

Atin pong bigyan ng pagkakataon ang HIRAYA Water na ipagpatuloy ang pagbibigay sapat, malinis, at ligtas na tubig sa bayan ng Santa Cruz.

Tignan ang mga sumusunod na larawan.

Maraming salamat po.

Santa Cruz (Laguna) Water District
Save Water, Save Life

30/09/2026

‼️TINGNAN:

Pormal nang ini-abot ng Santa Cruz (Laguna) Water District ang mga susi ng mga pumping stations sa Hiraya Water Corporation ngayong araw, Setyembre 30, 2026.

📢 PABATID SA PUBLIKOEMERGENCY MAINTENANCESAN JUAN PUMPING STATION (PS  #11)📅  September 29, 2026Ipinaaalam po sa aming m...
29/09/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO

EMERGENCY MAINTENANCE

SAN JUAN PUMPING STATION (PS #11)
📅 September 29, 2026

Ipinaaalam po sa aming mga konsesyonaryo na isinasagawa ang emergency maintenance sa San Juan PS #11 dahil sa pag-overheat ng Variable Frequency Drive (VFD).

Isinasagawa na po ang mga kinakailangang technical procedures upang maibalik sa normal ang operasyon ng pumping station.

💧 Apektadong Lugar:
• Brgy. San Juan
• Brgy. San Jose
• Brgy. Oogong
• Brgy. Jasaan
• Brgy. Alipit
• Brgy. Malinao
• Parte ng Brgy. Labuin
• Parte ng Brgy. Bubukal

Maaaring makaranas ng pansamantalang paghina o pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar habang isinasagawa ang maintenance.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya habang isinasagawa ang kinakailangang maintenance work.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

29/09/2026

𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗖𝗪𝗗, 𝘁𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮, 𝗽𝗮𝘀𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻.

💧 PASASALAMAT SA ATING MGA KONSUMER 💧

Lubos ang pasasalamat ng Santa Cruz Water District (SCWD) sa lahat ng aming mga konsumer at mamamayan ng Santa Cruz na patuloy na tumatangkilik, nagpasensya, at nakipagtulungan sa SCWD sa panahon ng aming pansamantalang pamamahala at pagpapatakbo ng water system.

Maraming salamat sa inyong tiwala, pang-unawa, mga suhestiyon, at pakikiisa. Ang inyong suporta ay naging malaking bahagi upang maipagpatuloy ng SCWD ang paghahatid ng serbisyo ng tubig sa ating komunidad sa kabila ng mga naging hamon.

Nais din naming ipabatid sa publiko na ang Local Government Unit (LGU) ng Santa Cruz ay nagkaloob na ng Business Permit sa HIRAYA Water Corporation, na dating kilala bilang PRIMEWATER, upang magtuloy ng operasyon sa ating lugar.

Dahil dito, ang pagpapatakbo ng water system ay ipinagkaloob muli sa pribadong kumpanya na HIRAYA Water Corporation.

📌 MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA KONSUMER

Para sa inyong gabay at upang maiwasan ang anumang kalituhan:

• Ang meter reading para sa buwan ng OKTUBRE ay isasagawa pa rin ng SCWD at ang kaukulang bayarin para dito ay sa SCWD pa rin babayaran.

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa panahon ng transition na ito.

Sa pagtatapos ng pansamantalang pamamahala ng SCWD, taos-puso naming ipinagpapasalamat ang inyong tiwala, pasensya, at pakikipagtulungan. Nawa'y patuloy nating isulong ang maayos, ligtas, at maaasahang serbisyo ng tubig para sa lahat ng mamamayan ng Santa Cruz.

Maraming salamat, bayan ng Santa Cruz! 💙💧

-Santa Cruz Water District
Para sa Tubig, Para sa Mamamayan.
SAVE WATER, SAVE LIFE!

PUBLIC ADVISORY | HALF-DAY WORK SCHEDULEPlease be informed that the Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD) will obser...
28/09/2026

PUBLIC ADVISORY | HALF-DAY WORK SCHEDULE

Please be informed that the Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD) will observe a half-day work schedule today, September 28, 2026 (Monday), starting at 12:00 noon, pursuant to Memorandum Circular No. 136 issued by the Office of the President, in observance of the 34th National Family Week.

SCWD personnel performing essential and vital services shall continue operations as necessary.

We thank you for your kind understanding and cooperation.

Santa Cruz (Laguna) Water District
Save Water, Save Life.

📢 PABATID SA PUBLIKOEMERGENCY MAINLINE LEAK REPAIRIpinaaalam sa lahat ng aming mga konsesyonaryo na nagkaroon ng emergen...
21/09/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO

EMERGENCY MAINLINE LEAK REPAIR

Ipinaaalam sa lahat ng aming mga konsesyonaryo na nagkaroon ng emergency mainline leak dahil sa leaking valve sa pangunahing linya ng tubig sa tapat ng Brgy. San Jose Elementary School.

Dahil dito, ang aming maintenance team ay agad na nagsagawa ng emergency repair upang maibalik sa normal ang serbisyo sa lalong madaling panahon.

Inaasahang makakaranas ng mahina hanggang sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. San Jose, Brgy. Oogong, Brgy. Malinao, at Brgy. Palasan habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Humihingi kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa habang isinasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni upang maibalik sa normal ang serbisyo sa lalong madaling panahon.

📢 PUBLIC ADVISORYEMERGENCY MAINTENANCE ACTIVITY GATID PS  #15 – RISER PIPE ADDITION AND LOWERINGSeptember 21, 2026Ipinab...
21/09/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

EMERGENCY MAINTENANCE ACTIVITY GATID PS #15 – RISER PIPE ADDITION AND LOWERING

September 21, 2026

Ipinababatid ng Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD) na magsasagawa ng emergency maintenance activity ngayong Setyembre 21, 2026, sa Gatid PS #15 simula alas-4:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Isasagawa ang pagdaragdag at lowering ng riser pipes upang matugunan ang break suction at makatulong na maiwasan ang paghahangin at paghina ng suplay ng tubig.

Pinapayuhan ang mga apektadong konsesyonaryo na mag-ipon ng sapat na tubig bago magsimula ang aktibidad bilang paghahanda sa posibleng pansamantalang pagkawala o pagkaantala ng suplay ng tubig.

Patuloy na magsasagawa ang SCWD ng mga kinakailangang emergency repairs, pagsasaayos, rehabilitasyon, at maintenance activities upang mapabuti ang kalidad, pagiging maaasahan, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa lahat ng ating mga konsesyonaryo.

Maraming salamat po sa inyong pasensya, pang-unawa, at patuloy na suporta.

📢 PABATID SA PUBLIKO🚨 GATID PS #15 PULLOUT 🚨September 19, 2026 ⚠️ Ipinababatid ng Santa Cruz (Laguna) Water District (SC...
19/09/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO

🚨 GATID PS #15 PULLOUT 🚨

September 19, 2026

⚠️ Ipinababatid ng Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD) na magsasagawa ng emergency pullout ng pump at motor assembly sa PS #15 – Gatid pumping station due to submersible motor failure.

Dahil dito, ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makaranas ng mababang presyon ng tubig hanggang sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig (low water pressure to no water) habang isinasagawa ang emergency maintenance:

📍 Mga Apektadong Lugar:
• Brgy. Gatid
• Brgy. Bagumbayan
• Brgy. Duhat
• Brgy. Bubukal

Lubos po kaming humihingi ng paumanhin sa abalang dulot nito. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikipagtulungan, at patuloy na suporta. 💧

📢 PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT🗓️ Petsa ng Pagkuha ng Sample: Agosto 28, 2026Kaugnay ng mga kumakalat na balita hinggil sa...
18/09/2026

📢 PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

🗓️ Petsa ng Pagkuha ng Sample: Agosto 28, 2026

Kaugnay ng mga kumakalat na balita hinggil sa sinasabing presensya ng E. coli at coliform bacteria sa suplay ng tubig ng Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD), nais ipabatid ng SCWD na batay sa resulta ng microbiological testing na isinagawa noong Agosto 28, 2026, lahat ng labingwalong (18) pumping stations nito at anim (6) na water samples mula sa mga consumer taps at establisyemento ay pumasa sa pagsusuri.

Ang mga resulta ay nakasunod sa itinakdang pamantayan ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW), at walang nakitang E. coli at coliform bacteria sa mga nasuring samples.

📍 Mga Pumping Station na Pumasa sa Microbiological Testing:
• Sto. Angel PS #13
• Pantalan PS #2
• Pagsawitan PS #14
• Carmenchu PS #21
• Copok PS #20
• Patimbao PS #16
• Mabini PS #8
• Calios PS #17
• Remedios Bubukal PS #19
• Residenza Bubukal PS #22
• Bagumbayan PS #9
• San Juan PS #11
• San Juan PS #12
• St. Josephville PS #23
• Carmenchu Duhat PS # CMU22-1
• Gatid PS #15
• Duhat Old PS #10
• Duhat New PS #18

📍 Mga Consumer Taps at Establisyementong Sumailalim sa Pagsusuri:
• Pagsawitan Elementary School
• Gatid Elementary School
• Carmenchu Heights Duhat Subdivision Consumer Tap
• Chowking Santa Cruz, Laguna
• Calios Elementary School
• Brgy. Alipit Consumer Tap

Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta.

MAHALAGANG ANUNSIYO.Nakakaranas po ng mahina o pansamantalang kawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng mga sumusun...
12/09/2026

MAHALAGANG ANUNSIYO.

Nakakaranas po ng mahina o pansamantalang kawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng mga sumusunod na barangay:

• Barangay San Jose
• Barangay Malinao
• Barangay Oogong

Ito po ay dulot ng problemang nararanasan sa PS23 – St. Josephville Pumping Station, na naapektuhan ng power tripping dahil sa electrical issues, na nagresulta sa pagkaantala ng normal na operasyon ng pumping station.

Patuloy po ang ating mga personnel sa pagsasagawa ng kinakailangang troubleshooting at electrical works upang matugunan ang problema at maibalik ang normal na operasyon ng pumping station sa lalong madaling panahon.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa habang isinasagawa ang kinakailangang intervention.

Makatitiyak po kayo na ginagawa ng Santa Cruz (Laguna) Water District (SCWD) ang lahat ng nararapat na hakbang upang maibalik sa normal ang suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na pakikiisa.

SANTA CRUZ (LAGUNA) WATER DISTRICT

Address

#4131 Villa Josefina Subdivision, Calios
Santa Cruz
4009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495456799

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz Laguna Water District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santa Cruz Laguna Water District:

Shortcuts

Share