19/10/2026
๐ข ANUNSYO | BARANGAY ASSEMBLY DAY โ 2ND SEMESTER CY 2026
Magandang araw, mga kabarangay ng Barangay Tabugon! ๐ต๐ญ
Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng ating barangay na dumalo sa gaganaping Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semestre ng Taong 2026.
๐
Petsa: Oktubre 31, 2026 (Sabado)
๐ Oras: 1:00 ng hapon
๐ Lugar: Barangay Tabugon Public Plaza
Tema: โTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.โ
Layunin ng pagtitipong ito na maibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, gawain, at kalagayan ng ating barangay, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mamamayan na magpahayag ng saloobin, mungkahi, at mga katanungan para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Ang inyong pakikiisa at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang higit nating mapatatag ang pagkakaisa at pagtutulungan sa ating barangay.
Kaya naman, hinihikayat ang lahat na dumalo at makiisa! Sama-sama nating itaguyod ang isang maunlad, nagkakaisa, at progresibong Barangay Tabugon. โค๏ธ๐
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay JERIX T. COCHING, kasama ang Sangguniang Barangay.