Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan

Directions

Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan Pamahalaang Bayan ng Santa Maria, Bulacan Tanggapan ng Nutrisyon

07/10/2026
HEALTHY MEALS ON WHEELS | Setyembre 23, 2026 Matagumpay na isinagawa ang ikalawang Healthy Meals on Wheels noong Setyemb...
06/10/2026

HEALTHY MEALS ON WHEELS | Setyembre 23, 2026

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang Healthy Meals on Wheels noong Setyembre 23, 2026 sa Covered Court ng Brgy. San Gabriel, na dinaluhan ng Cluster 5 & 6 na binubuo ng Brgy. Buenavista, Tumana, Parada, San Vicente, Camangyanan, M. Parang, San Gabriel at Santo Tomas.

Sa pangunguna ng Tanggapan ng Nutrisyon, katuwang ang MDRRMO, isinagawa ang paghahanda at pamamahagi ng masustansyang pagkain para sa mga batang benepisyaryo. Kasabay nito ang patuloy na pagbibigay ng IEC materials upang maitaguyod ang kahalagahan ng sapat at masustansyang pagkain.

Ang Healthy Meals on Wheels ay layunin na patuloy na mailapit ang masustansyang pagkain sa mga batang nangangailangan, bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang kanilang kalusugan at nutrisyon.

Maraming salamat sa MDRRMO, mga barangay, at lahat ng nakiisa sa aktibidad. 💚

Sama-sama para sa masustansya, malusog, at masiglang kabataan ng Santa Maria.

Taos-pusong pasasalamat kay Ma'am Dianarra V. Ilawan mula sa Brgy. Sta. Cruz, Santa Maria, Bulacan sa kanyang pagbahagi ...
06/10/2026

Taos-pusong pasasalamat kay Ma'am Dianarra V. Ilawan mula sa Brgy. Sta. Cruz, Santa Maria, Bulacan sa kanyang pagbahagi ng breastmilk.

Ang breastmilk ay mahalagang pagkain para sa sanggol dahil nagbibigay ito ng mga sustansya at proteksiyong kailangan para sa kanyang paglaki at kalusugan.

Sa mga ina na nais ding mag-donate o sa mga sanggol na nangangailangan ng breastmilk, maaari kayong magtungo sa Municipal Building, Room 307 – Nutrition Office o tumawag sa +63 955 214 0862 o mag-message sa aming page Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan
https://www.facebook.com/profile.php?id=100072042159871

Maraming salamat sa inyong malasakit at pagbabahagi 💕

3RD QUARTER MUNICIPAL NUTRITION COMMITTEE MEETING | Setyembre 17, 2026Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Municipal ...
24/09/2026

3RD QUARTER MUNICIPAL NUTRITION COMMITTEE MEETING | Setyembre 17, 2026

Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Municipal Nutrition Committee (MNC) Meeting noong Setyembre 17, 2026.

Sa pangunguna ng ating MNAO Rosalinda Policarpio, tinalakay sa pagpupulong ang mga naging accomplishment at isinagawang mga aktibidad, gayundin ang mga nakalatag na programa at gawain para sa ika-4 na quarter. Dinaluhan ito ng mga myembro ng MNC.

Pasasalamat sa patuloy na pag suporta sa mga gawaing pang nutrisyong, sama-sama nating itaguyod ang mas malusog, mas maayos, at mas handang Santa Maria!

24/09/2026
FINAL MONITORING NG GULAYAN SA BARANGAY | SETYEMBRE 2026 Matagumpay na isinagawa ang final monitoring ng Gulayan sa Bara...
16/09/2026

FINAL MONITORING NG GULAYAN SA BARANGAY | SETYEMBRE 2026

Matagumpay na isinagawa ang final monitoring ng Gulayan sa Barangay Contest bilang huling bahagi ng pagsusuri sa mga kalahok na barangay.

Isinagawa ang final monitoring sa dalawang iskedyul: Setyembre 9, 2026 para sa unang anim na barangay at Setyembre 15, 2026 para sa mga natitirang barangay.

Ang monitoring ay isinagawa kasama ang Nutrition Staff, mga kinatawan mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Municipal Agriculture Office (Agri) na tumulong sa pagsusuri at pagmamarka sa mga gulayan batay sa itinakdang pamantayan ng paligsahan.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na hinihikayat ang mga barangay na magtanim, mag-alaga at magpanatili ng mga gulayan bilang suporta sa seguridad sa pagkain, wastong nutrisyon, at pangangalaga sa kalikasan.

Maraming salamat sa lahat ng barangay na nakiisa at naglaan ng panahon at pagsisikap upang maisulong ang pagkakaroon ng masustansya at luntiang pamayanan.

Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!




Day 2Nutrition in Emergency
30/08/2026

Day 2
Nutrition in Emergency


Address

Poblacion
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share