Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association

Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association, Government Organization, Brgy. Pulong Sta Cruz City of Santa Rosa Laguna, Santa Rosa.

09/05/2026

Happy Mother's Day ♥️😍🥰

Sa lahat ng mga ina lalo na sa mga solo parent na mag-isang humaharap sa hamon ng buhay—isang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat.

Kayo ang ilaw sa gitna ng dilim, ang lakas sa oras ng pagod, at ang pag-ibig na hindi nauubos kahit minsan ay nauubos na ang sariling lakas. Sa bawat luha na hindi ninyo ipinapakita, sa bawat gabing puyat para sa kinabukasan ng inyong mga anak, naroon ang isang klase ng pagmamahal na walang kapantay—tunay, tahimik, ngunit napakalakas.

Sa mga ina na parehong ama at ina sa tahanan, sa mga nanay na walang hinihintay na tulong kundi ang sariling tiyaga at dasal. Kayo ang tunay na bayani ng bawat araw.

Hindi man palaging napapansin, ang inyong sakripisyo ang pundasyon ng bawat pangarap ng inyong mga anak.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal.

Photos from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association's post 09/05/2026

🎉 CONGRATULATIONS SA MGA NANALO SA RAFFLE! 🎉

✨ 5 Winners – ₱300.00 bawat isa mula sa Solo Parent Association of Brgy. PSC ✨
• Teresita Baile
• Cosep Rophelyn
• Marites Ambat
• Gicel Marquez
• Gilian Andoy

✨ ₱200.00 mula sa Federation ✨
• Rochelle

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating raffle. God bless po sa ating lahat! ❤️

09/05/2026

RAFFLE DRAW

Nairaos ngayong araw ang raffle draw na nakatakda sanang isagawa sa event na kinansela ngayong araw na ito. Bagamat hindi man natuloy ang programa, taus-puso pa rin po kaming nagpapasalamat sa ating Panginoon dahil nairaos pa rin ang raffle draw kahit paano.

Ang mga napanalunan ng bawat barangay ay ayon lamang po sa nakayanang maipon, sapagkat hindi po lahat ng tickets ay naibenta. Gayunpaman, malaking bagay na naituloy pa rin ang simpleng paraffle na ito para sa ating mga miyembro.

Maraming salamat po sa lahat ng presidente ng bawat barangay, lalo na sa ating Federation President na si Pres. Cristina Miñoza, sa inyong walang sawang suporta at pagtutulungan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Kapitan Christopher Sarmiento sa kanyang walang sawang suporta, malasakit, at pagmamahal sa aming mga solo parent. Maraming salamat din po sa asawa ng ating kapitan sa pagsponsor ng uniform para sa bawat presidente ng barangay. Tunay pong kahanga-hanga kayong mag-asawa dahil hindi lamang po ang aming barangay kundi maging ang iba pang barangay ay inyong sinusuportahan.

Maraming salamat din po kay Kap. Ian sa pagsponsor ng limang sako ng bigas (5 kilos bawat isa) upang maging dagdag na papremyo para sa 18 barangay.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa aming mga konsehal — Konsehal Teofilo Javillo, Konsehal Josel Bondoc, Konsehal Glenn Barraquio, Konsehal Sherwin Momtoya, Konsehal Jun Sulit, Konsehal Narie Pag-ong, at Konsehal Michael Angeles — sa inyong pagsuporta sa pamamagitan ng pagbili ng tickets.

At higit sa lahat, maraming maraming salamat po sa lahat ng miyembro ng Solo Parent Association ng Barangay Pulong Sta. Cruz sa inyong pakikiisa, suporta, at pagmamahalan bilang isang pamilya. ❤️

09/05/2026

RAFFLE DRAW

03/05/2026

HAPPY FIESTA BARANGAY PULONG STA. CRUZ 🎉

Photos from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association's post 22/04/2026

TUPAD PAYOUT | April 21, 2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal sa matagumpay na pagsasagawa ng TUPAD payout para sa ating mga benepisyaryo.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Cong. Roy Gonzales sa inyong patuloy na suporta at sa inisyatibong inilaan upang mapadali at maging mas maayos ang proseso ng payout para sa ating mga solo parent sa Santa Rosa. Malaking tulong po ito, lalo na sa mga solo parent na walang katuwang sa buhay, upang mas mapagaan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Kami rin po ay nagpapasalamat sa aming masipag at maaasahang Punong Barangay na si Kap. Christopher Sarmiento , gayundin sa aming butihing pangulo na si Pres. Cristina M Miñoza , sa kanilang walang sawang paggabay at suporta sa samahan.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng ating mga masisipag na officers na naglaan ng oras at pagod upang maayos na ma-assist ang ating mga TUPAD beneficiaries.

Ang programang ito ay tunay na biyaya at malaking ginhawa para sa mga pamilyang umaasa lamang sa sariling lakas at pagsisikap. Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo para sa komunidad.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

18/04/2026

Happy Solo Parent Week! 💙

Sa bawat solo parent na buong tapang na hinaharap ang buhay kayo ang patunay na ang tunay na lakas ay nagmumula sa pagmamahal. Sa kabila ng pagod, sakripisyo, at mga pagsubok na walang humpay, pinipili ninyong bumangon araw-araw para sa inyong mga anak.

Hindi man madali ang inyong pinagdadaanan, ang inyong dedikasyon at malasakit ang nagsisilbing ilaw at gabay ng inyong pamilya. Kayo ang unang bayani, unang g**o, at walang kapantay na sandigan.

Saludo kami sa inyong tibay ng loob, tapang, at pusong hindi sumusuko. Mabuhay ang lahat ng solo parent, kayo ang inspirasyon ng komunidad! 💖✨

Photos from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association's post 13/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na aktibidad para sa Rice Subsidy Program noong April 11, 2026 (9:00 AM–4:00 PM) at April 12, 2026 (9:00 AM–1:00 PM), na ginanap sa Barangay Hall ng Pulong Sta. Cruz.

Isinagawa ang pag-fill up ng mga kinakailangang form at pag-check ng mga active Solo Parent ID ng mga miyembro upang matiyak ang maayos na implementasyon ng programa.

Lubos na pasasalamat kay Kap. Christopher Sarmiento at kay Pres. Cristina sa kanilang patuloy na suporta at mahusay na pamumuno. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating masisipag at dedikadong mga opisyal na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Maraming salamat po.

Photos from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association's post 10/04/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Ipinapaalam po sa lahat na ang mga pangalang nakalista sa ibaba ay kwalipikado para sa Rice Distribution Project.

Kaugnay nito, kinakailangan po ninyong mag-fill out ng isang form. Inaanyayahan po namin kayo na magtungo sa ating Barangay Hall sa mga sumusunod na petsa at oras:

✔️April 11–12, 2026 (Sabado at Linggo)
✔️9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

Mga kailangang dalhin:

❣️Active Solo Parent ID
❣️Dalawang (2) xerox copy ng inyong ID na may tatlong (3) pirma (back-to-back)
May mga nakatalagang opisyal na magduduty sa nasabing mga araw upang kayo ay matulungan.

Paalala:
Mangyaring suriin ang wastong baybay ng inyong pangalan sa listahan. Kung may pagkakamali, agad po itong ipagbigay-alam at ibigay ang tamang detalye.

Maraming salamat po.

Photos from Barangay Pulong Sta. Cruz Solo Parent Association's post 30/03/2026

Isang napakasayang araw ang ating pinagsaluhan, isang munting pahinga na punong-puno ng tawanan, kwentuhan, at pagmamahalan. 💙

Una sa lahat, taos-puso nating pasasalamat sa ating Panginoon sa biyayang ipinagkaloob. Sa lakas, sa pagkakaisa, at sa pagkakataong makapagpahinga kahit sandali mula sa ating mga responsibilidad bilang solo parents.

Maraming salamat sa ating mahal na Mayor Arlene Arcillas, Vice Mayor Arnold Arcillas, at sa mga Konsehal ng bayan. Gayundin kay Cong. Roy Gonzales, ang inyong suporta ay tunay naming pinahahalagahan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating napaka-supportive na Kapitan Christopher Sarmiento na laging handang umalalay sa amin.

Maraming salamat din kina Konsehal Teofilo Javillo, Konsehal Glenn Barraquio, Konsehal Sherwin Montoya, Konsehal Jun Sulit, Konsehal Josel Bondoc at Konsehal Roune Callanga sa inyong malasakit.

At higit sa lahat, sa ating masipag na presidente Cristina Miñoza, at sa lahat ng nag-abala at tumulong upang maging matagumpay ang araw na ito, kayo ang dahilan kung bakit naging espesyal ang ating munting pahinga.

Sa bawat ngiti, bawat tawa, at bawat alaala dala natin ito bilang inspirasyon sa pagpapatuloy ng ating laban sa buhay.

Hindi man madali ang pagiging solo parent, ngunit sa mga sandaling tulad nito, napapatunayan nating hindi tayo nag-iisa. 💙

Maraming salamat sa lahat. Hanggang sa muli nating pagsasama! ✨

Want your business to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Brgy. Pulong Sta Cruz City Of Santa Rosa Laguna
Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 9am - 3pm
Tuesday 9am - 3pm
Wednesday 9am - 3pm
Thursday 9am - 3pm
Friday 9am - 3pm