14/05/2026
CALENDAR OF ACTIVITIES
FOR S.Y. 2026-2027
Narito po ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Council Annual Calendar of Activities para sa School Year 2026–2027 ng Bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Nakasaad po rito ang mga nakatakdang programa, aktibidad, at mahahalagang gawain para sa ating mga Child Development Center upang maging maayos, makabuluhan, at produktibo ang buong taon ng pag-aaral ng ating mga kabataan.
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang at guardian na maging updated at makiisa sa mga nakahandang aktibidad para sa mga bata. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon.
10/05/2026
Maligayang Araw ng mga Ina!
Sa lahat ng Child Development Workers na hindi lamang tagapag-aruga sa mga bata sa CDC kundi mapagmahal na ina rin sa kanilang sariling tahanan, saludo po kami sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang pagmamahal.
Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay na may pusong handang maglingkod at mag-aruga. 💕
06/05/2026
ANUNSYO: Pagbubukas ng Klase sa mga Child Development Center (CDC) sa Sta. Rosa (S.Y. 2026–2027)
Magandang araw po!
Ipinapaalam sa lahat na ang pagbubukas ng klase sa mga Child Development Center (CDC) sa Sta. Rosa Nueva Ecija para sa Taong Panuruan 2026–2027 ay magsisimula sa HUNYO 15, 2026.
Patuloy pa rin pong bukas ang pagpapatala (enrollment) sa bawat CDC sa ating barangay. Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na ipasok ang kanilang mga anak upang mabigyan sila ng maagang edukasyon at wastong paghahanda sa kanilang pagkatuto.
Ang mga CDC ay patuloy na nagsusulong ng isang ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa pag-unlad ng bawat bata.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong pinakamalapit na CDC o magpadala ng mensahe sa aming pahina.
Maraming salamat po!
16/02/2026
ANNOUNCEMENT | DAY CARE CHILDREN UNIFORM
School Year 2026–2027
Ipinapaalam po sa lahat ng mga magulang at guardians na may bagong uniporme na ipatutupad at isusuot na ngayong School Year 2026–2027 ng mga mag-aaral sa Child Development Centers sa Sta. Rosa, Nueva Ecija
Ang bagong uniporme ay itinakda upang matiyak ang kaayusan, pagkakapare-pareho, at kaginhawaan ng mga bata habang sila ay nasa loob ng Child Development Center at lumalahok sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.
Paalaala:
• May bagong kulay at disenyo ang opisyal na uniporme
• Inaasahan ang pagsunod ng lahat sa itinakdang uniporme
• Ang sample picture ng uniporme ay makikita sa ibaba bilang gabay
Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, mangyari pong makipag-ugnayan sa Child Development Teacher o mag-message sa opisyal na page.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at suporta.
24/11/2025
MUNICIPAL CHILDREN'S CONGRESS 2025
Matagumpay na naidaos ang taunang Municipal Children’s Congress noong ika-18 ng Nobyembre 2025 sa Municipal Gym, Sta. Rosa Nueva Ecija, na nagbigay ng pagkakataon sa mga batang day care na maipamalas ang kanilang talento sa singing, poem, coloring, at cheerdance. Ang mga kalahok ay pawang mga kinatawan mula sa iba’t ibang cluster—Mountain Side Cluster, San Gregorio Cluster, San Mariano Cluster, Riverside Cluster, at Rajal Cluster na buong galing na nagrepresenta sa kani-kanilang barangay.
Ang selebrasyon ngayong taon ay nakatuon sa temang “OSAEC-CSAEM WAKASAN: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”, isang mahalagang paalala sa komunidad na protektahan ang mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation, at isulong ang kanilang karapatan para sa ligtas, makatao, at makabuluhang pag-unlad.
Taos-pusong pasasalamat kina Mrs. Marilou R. Regoso, CDW Focal; Irene A. Lorenzo, MSWDO; SB Members; kay Hon. Ma. Cerissa C. Angeles, Chairman, Committee on Education & Culture; sa LGU Sta. Rosa; kay Mr. Demetrio I. Ramos, Municipal Administrator; Hon. Richard Dimacali, Municipal Vice Mayor; at Hon. Christopher F. Aguilar, Municipal Mayor, para sa kanilang patuloy na pagtulong at paglalaan ng kinakailangang suporta upang maging maayos at matagumpay ang programang ito .
Isang pasasalamat din sa aming Board of Judges—
Reinel De Guzman (San Mariano Cluster), Mercedita C. Cruz (Riverside Cluster), Marilyn Baruzo (Rajal Cluster), Yolanda Bautista (San Gregorio Cluster), at Shella May SJ. Asuncion (Mountain Side Cluster)—sa kanilang oras, malasakit, at patas na paghusga.
Sa dalawang EMCEES, sina Krizziah Candy DC. Silvestre (Liwayway I CDT) at Michelle Simeon (Isla I CDT), na nagbigay linaw sa bawat bahagi ng pagtitipon.
Narito naman ang mga nanalo at naging kinatawan sa Provincial Children’s Congress sa Palayan Convention Center noong November 20, 2025:
• Poem: Shaun Timothy Solis – Malacañang CDC
• Solo Singing: Euann Isaac Fernandez – San Gregorio CDC
• Coloring: Andi N. Guiala – Zamora CDC
• Cheerdance: Tagpos CDC
Maraming salamat sa lahat ng batang kalahok, CDWs, mga magulang, at sa lahat nang nagbigay-kulay at husay sa programa.
17/11/2025
Pagtatapos ng 15th Cycle Supplemental Feeding Program 🍽️
Matagumpay na natapos ang 120 araw ng Supplemental Feeding Program mula Hulyo 21, 2025 hanggang Nobyembre 17, 2025 sa 37 Child Development Centers, na nagbigay-lingap at nutrisyon sa mahigit 1,200 batang benepisyaryo.
Taos-pusong pasasalamat sa mga katuwang ng programang ito na sina
Mrs. Marilou Regoso, CDW Focal;
Mrs. Irene A. Lorenzo, MSWDO; at
Ms. Joyce Pamela Hipolito Talplacido mula sa DSWD Regional Office, para sa kanilang patuloy na Monitoring sa Supplemental Feeding Program at paggabay sa pagpapatupad nito.
Lubos ding ipinagpapasalamat ang walang sawang suporta ng Sangguniang Barangay, LGU ng Sta. Rosa, at higit sa lahat, ang sipag, tiyaga, at malasakit ng ating mga Child Development Worker na araw-araw na nagsumikap upang maihatid nang maayos ang pagkain at serbisyong pangnutrisyon.
Isang malaking pagpupugay din sa ating mga magulang na naging katuwang sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Kayo ang puso ng programang ito. ❤️
Sa sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong batang maaabot, mapapalakas, at mapangangalagaan.
25/10/2025
Mid-School Year Wellness Break!
Alinsunod sa ECCD Council Advisory No. 3, s. 2025, ang mga Child Development Centers ay magkakaroon ng Wellness Break mula Oktubre 27–31, 2025.
Panahon ito para makapagpahinga, makasama ang pamilya, at muling makakuha ng lakas ang ating mga batang mag-aaral, mga magulang, at mga g**o bago ipagpatuloy ang masayang pagkatuto sa Day Care.
Ang Wellness Break ay hindi lamang pahinga, kundi pagkakataon ding pahalagahan ang kalusugan, kaligayahan, at kabuuang kapakanan ng bawat bata.
Muli nating ipagpatuloy ang masigla, ligtas, at makabuluhang pagkatuto pagbalik sa klase!
22/10/2025
Ngayong Oktubre 22, isinagawa ang pamamahagi ng mga libro para sa 37 Child Development Centers sa Sta. Rosa, Nueva Ecija na may kabuuang 1,200 batang benepisyaryo.
Ang gawaing ito ay bahagi nang patuloy na pagsisikap na mapalawak ang kaalaman ng mga batang day care at masuportahan ang kanilang pagkatuto.
Ang Municipal Federation of Child Development Workers ng Sta. Rosa, Nueva Ecija ay taos-pusong nagpapasalamat sa LGU Sta. Rosa sa pangunguna ni Kgg. Mayor Christopher “Tupeng” Flores Aguilar sa pagsuporta sa mga programa para sa kabataan.
Lubos din ang pasasalamat kina CDW Focal Person Ma’am Marilou Regoso at MSWDO Ma’am Irene Lorenzo sa kanilang paggabay sa mga gawain ng Day Care Service Program .
Isang hakbang tungo sa mas makulay at makabuluhang pagkatuto para sa ating mga munting mag-aaral.
02/10/2025
Happy Teachers’ Day! 👩🏫
Kami pong mga Child Development Worker ng Sta. Rosa, Nueva Ecija ay nakikiisa sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day bilang pagkilala sa lahat ng mga g**o na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa mga kabataan.
Bilang mga CDW, patuloy naming isinusulong ang misyon ng paghubog sa murang isipan at pagkatao ng mga bata. Isang gampaning may kasamang pagmamahal, malasakit, at dedikasyon.
Mabuhay tayong lahat na tunay na “Guro ng Bayan”!