01/06/2026
ANUNSIYO | ALS IBABA LEARNING CENTER
Inaanyayahan ang lahat ng kasalukuyan at bagong mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) β Ibaba Learning Center na dumalo sa ating General Orientation at Pormal na Pagbubukas ng Taong Panuruan 2026β2027.
π Hunyo 09, 2026 (Martes)
β° 9:00 ng Umaga
π 2nd Floor Barangay Health Center, sa likod ng St. John Covered Court
Kasuotan: Puting T-shirt at pantalon
Mahalagang makadalo upang malaman ang mga programa, patakaran, at mga oportunidad na naghihintay sa inyong ALS journey ngayong panuruang taon.
Tara na at simulan ang panibagong yugto ng pagkatuto!
βTulay ng Pangarap, Sa ALS Mahahanap.β
31/05/2026
BALUT COOKING CONTEST 2026
Ito na muli ang pagkakataon upang ipamalas ang galing at talento sa pagluluto.
Para sa mga ibang detalye ay magtungo lamang po sa Barangay Secretary Office Look for Ms.Kc Fagandoy para sa Registration Form.
Tanging Residente lamang ng Barangay Ibaba ang maaaring sumali.
Maraming salamat po!
29/05/2026
Isa na namang makabuluhang tagumpay para kay Kap. Carlos βAyieβ Barrinuevo bilang nominado sa 2026 Philippine Leaders Award. Hindi man madali ang landas ng tunay na paglilingkod, patuloy pa ring kinikilala ang dedikasyon, malasakit, at tapat na pamumuno na kanyang ipinapakita sa komunidad.
Ang mga ganitong pagkilala ay hindi lamang simpleng parangal, kundi repleksyon ng tiwala, suporta, at positibong epekto na naibibigay sa mga tao. Sa kabila ng ibaβt ibang opinyon at puna, mas nangingibabaw pa rin ang mga konkretong gawa, serbisyong may malasakit, at mga proyektong tunay na napapakinabangan ng mamamayan.
Ang nominasyong ito ay patunay na ang sipag, integridad, at malasakit sa serbisyo publiko ay napapansin at pinahahalagahan. Higit pa sa anumang parangal, ang tunay na sukatan ng liderato ay ang respeto at pasasalamat ng mga taong kanyang natutulungan araw-araw.
Congratulations, Kap! Patuloy na magsilbing inspirasyon at ehemplo ng mahusay, mapagkumbaba, at responsableng pamumuno. Mas marami pang biyaya, tagumpay, at pagkilala ang tiyak na darating.
26/05/2026
βοΈ LIBRENG SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA MAG-AARAL! π
βMga ka-Kapanalig! Kita-kits po tayo ngayong darating na Huwebes para sa pamamahagi ng libreng gamit sa eskwela, hatid sa inyo ni Kap. Ayie Barrinuevo at Team Kapanalig.
βπ Ambrocia Village Covered Court
ποΈ May 28, 2026 | β° 8:00 AM
βMagkita-kita po tayo doon! I-share na ang post na ito para malaman ng ating mga kapitbahay! π’
β
25/05/2026
Nakipagpulong ang mga kinatawan ng DPWH kay Kap. Ayie Barrinuevo upang talakayin ang gagawing drainage project sa F. Gomez na naglalayong mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa lugar. Naging produktibo at makabuluhan ang nasabing pagpupulong dahil sa maayos na koordinasyon at pagkakaisa ng bawat panig para sa kapakanan ng komunidad.
Kasama rin sa napag-usapan ang natigil na riprap project sa Ambrocia, kung saan nagpahayag ng suporta at kahandaan ang mga kinauukulan upang mabigyan ito ng agarang aksyon at maipagpatuloy ang proyekto sa lalong madaling panahon.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng ating pamunuan at ng mga ahensya ng gobyerno upang maisakatuparan ang mga programang magdadala ng mas ligtas, maayos, at maunlad na komunidad para sa lahat.
#π ππ₯ππ£ππ‘ππ
24/05/2026
Kahit Linggo, tuloy ang serbisyo! πͺ
Kasama ang Meralco, personal na nakikiisa si Kap sa monitoring at pagsasagawa ng tree trimming at inspeksyon ng mga linya ng kuryente upang maiwasan ang aberya at masigurong ligtas ang bawat residente.
Hindi madali ang responsibilidad ng pamumuno lalo na kung ang kapakanan ng buong barangay ang iniisip, kaya kahit araw ng pahinga ay patuloy ang pagtutok sa mga gawaing makakatulong sa komunidad.
#π ππ₯ππ£ππ‘ππ
20/05/2026
Isa na namang karangalan ang natanggap ng masipag at mahusay na Kapitan ng Ibaba na si Kap Ayie Barrinuevo! πβ¨
Sa darating na June 4, 2026 sa Acacia Hotel Manila, muli siyang pararangalan sa prestigious na βGawad Singkawan: Tanglaw ng Bayan sa Larangan ng Edukasyon.β
Patunay lamang ito na ang tunay na lider na may malasakit, dedikasyon, at tapat na serbisyo sa komunidad ay patuloy na kinikilala at hinahangaan.
Mula Ibaba hanggang sa mas mataas pang tagumpay β saludo kami sa iyong pamumuno at inspirasyong dala sa mamamayan! π
Congratulations, Kap Ayie Barrinuevo! Isa ka talagang pride ng Ibaba!