Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City

Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City

Share

PUNONG BARANGAY EDWIN B. SERVO at SANGGUNIANG BARANGAY CAINGIN, OFFICIAL
CITY OF SANTA.ROSA LAGUNA๐Ÿฆ๐Ÿฆ๐Ÿฆ

"EPEKTIBONG SERBISYO para sa BAGONG CAINGIN."

Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 01/06/2026

May 31, 2026

BRIGADA ESKWELA / CLEAN-UP DRIVE
Caingin Elementary School (CES)
Matagumpay na nagsagawa ng Brigada Eskwela at Clean-Up Drive sa Caingin Elementary School (CES) sa pangunguna ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity Caingin Chapter bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang gawaing ito ay buong pusong sinuportahan ng ating butihing Kapitan Edwin Baldonado Servo at ng Sangguniang Barangay Caingin bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtulong at pakikiisa sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at bayanihan, naging mas malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral, g**o, at mga magulang.

Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity Caingin Chapter at sa lahat ng mga boluntaryong nakiisa sa gawaing ito. Nawa'y patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang ating komunidad at edukasyon.

Sama-sama para sa malinis at maayos na paaralan para sa ating mga kabataan! ๐Ÿ’š๐Ÿ“š๐Ÿงน

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin" โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿค







Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 01/06/2026

May 30, 2026

Feeding Program at Oath Taking ng KAABA
Matagumpay na isinagawa ang Feeding Program at Oath Taking ng KAABA katuwang ang Sangguniang Barangay ng Brgy. Caingin na ginanap sa Purok 4 (Ormoc).

Pinangunahan ito nina Kap. Edwin Baldonado Servo at Kapitana Crystal Saban Servo, kasama sina Konsihala Nene Getape, Konsihala Trichelle Catindig, Konsihal Ninoy Alcuran, Aspirant Ador Quiapo, Aspirant Josephine Barairo Beato, Aspirant Ace Enciso, at Aspirant Engineer Konsi Christian D. Capuso. Nakiisa rin ang mga Pangulo ng KAABA mula Purok 1 hanggang Purok 6, kabilang ang Southville at Villa Santa Rosa.

Bahagi rin ng programa ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng KAABA sa pangunguna ni Maโ€™am Richie Morales, bilang simbolo ng kanilang dedikasyon at pakikiisa sa mga adhikain ng samahan para sa kapakanan ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang gawaing ito. Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas maayos, mas masigla, at mas nagkakaisang Barangay Caingin.

Sama-sama para sa mas maayos at masiglang komunidad! ๐Ÿ’ช

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin" โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿค





31/05/2026

๐ŸŽ‰ SAKABA FESTIVAL 2026 โ€“ CALENDAR OF ACTIVITIES ๐ŸŽ‰

Mga ka-Barangay Caingin, narito na ang mga inaabangang aktibidad para sa ating SAKABA Festival 2026! Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kapistahan sa pamamagitan ng iba't ibang palaro, paligsahan, at makabuluhang programa para sa buong komunidad.

๐Ÿ“… Mga Aktibidad:

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ June 8
โ€ข 6:00 AM โ€“ Flag Raising Ceremony
โ€ข 9:00 AM โ€“ Mass Offering

๐Ÿ€ June 9
โ€ข 6:00 PM โ€“ Invitational Basketball Tournament

๐ŸŽญ June 10
โ€ข 3:00 PM โ€“ Mardi Gras Parade
โ€ข 6:00 PM โ€“ Cong. Roy's Night

๐Ÿšฃ June 11
โ€ข 6:00 AM โ€“ Bangkathon
โ€ข 7:00 PM โ€“ Ginoo at Rosas Caingin 2026

๐Ÿ’ƒ June 12
โ€ข 6:00 AM โ€“ Street Dance Competition
โ€ข 3:00 PM โ€“ Sagala 2026

๐ŸŽถ June 13
โ€ข 7:00 PM โ€“ People's Night

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mamamayan na makiisa at makilahok sa mga nakahandang programa. Sama-sama nating ipakita ang pagkakaisa, kasiyahan, at pagmamahal sa ating minamahal na Barangay Caingin.

Maraming salamat sa suporta ng ating butihing Punong Barangay Kap. Edwin B. Servo, Sangguniang Barangay, SK Council sa pangunguna ni SK Chairperson Lester S. Calalang, at sa lahat ng katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng ating kapistahan.

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค







๐ŸŽŠ๐ŸŽ‰

30/05/2026

๐Ÿ“ข ABISO SA MGA KABARANGAY ๐Ÿ“ข

Magandang araw po.

Nagsimula na po ang Sagala sa Aplaya bilang bahagi ng ating pagdiriwang. Dahil dito, pansamantalang walang madaanan palabas ng Purok 1 habang isinasagawa ang prusisyon.

Pinapayuhan po ang lahat na gumamit ng alternatibong ruta at maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe upang maiwasan ang abala.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Nawa'y maging maayos at ligtas ang ating pagdiriwang.

Barangay Caingin
Keep Safe Everyone! ๐Ÿ™๐Ÿšถโ€โ™€๏ธ๐Ÿšถโ€โ™‚๏ธ๐ŸŽ‰

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค



30/05/2026

๐Ÿ“ข๐ŸŽ‰ ARE YOU READY, BARANGAY CAINGIN? ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ข

Panahon na para piliin ang ating magiging Guest Performer sa nalalapit na Kapistahan ng San Antonio de Padua!

๐Ÿ‘ ORANGE & LEMONS
โค๏ธ ACE BANZUELO

Paano bumoto?
๐Ÿ‘‰ I-like (๐Ÿ‘) ang larawan para sa Orange & Lemons
๐Ÿ‘‰ I-heart (โค๏ธ) ang larawan para kay Ace Banzuelo

Ang artist na makakakuha ng pinakamaraming reaksyon ang ating iimbitahang maging espesyal na panauhin sa ating kapistahan!

Ang programang ito ay hatid ng ating butihing Punong Barangay Edwin Baldonado Servo at ng Sangguniang Barangay Caingin, katuwang si SK Chairman Lester Calalang Servo at ang Sangguniang Kabataan ng Caingin โ€“ Team LSE.

๐Ÿ“… Abangan ang resulta at makiisa sa pagboto!
๐ŸŽถ Sama-sama nating gawing mas masaya at makabuluhan ang ating kapistahan!

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค











๐ŸŽ‰๐ŸŽถโค๏ธ๐Ÿ‘

Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 29/05/2026

๐Ÿ“ข๐Ÿšง MAY 29, 2026 | PAGKUKUMPUNI NG TAKIP NG KANAL SA PUROK 2

Nagsagawa ng pagkukumpuni at pag-aayos ng nalaglag na takip ng kanal sa Purok 2 upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabarangay at mga motorista na dumaraan sa lugar.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating barangay na mapanatiling ligtas at maayos ang mga pampublikong daanan para sa kapakanan ng lahat.

Maraming salamat po sa ating mga masisipag na Barangay Army sa pangunguna ni Admin Amador Quiapo sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagtugon upang maisagawa ang nasabing pagkukumpuni. Ang inyong serbisyo at pagmamalasakit ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad.

Sa pakikipagtulungan ng ating butihing Punong Barangay Kap. Edwin Baldonado Servo at ng Sangguniang Barangay Caingin, patuloy nating isinusulong ang mga proyektong makatutulong sa ating mga kabarangay.

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค







29/05/2026

๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ LIBRENG BINYAG SA FIESTA JUNE 13,2026 ๐ŸŽŠ๐ŸŽ‰

Inaanyayahan po ang lahat ng lehitimong residente ng Barangay Caingin na may batang edad 4-6 years old na makiisa sa ating โ€œLibreng Binyag sa Fiesta 2026โ€ na handog ng ating butihing Punong Barangay Kap. Edwin Baldonado Servo kasama ang Sangguniang Barangay Caingin. ๐Ÿ™โ›ช

๐Ÿ“Œ First 20 applicants only 4-6 yrs old
๐Ÿ“Œ First come, first serve
๐Ÿ“Œ Magdala ng xerox copy ng birth certificate
๐Ÿ“Œ Magpalista ng personal kina Bns Maโ€™am Rosalie Galang at Maโ€™am Alyssalyn Tuazon
๐Ÿ“Œ Lugar: Barangay Feeding Center beside Brgy Clinic
๐Ÿ“Œ Submission of requirements: June 1โ€“5, 2026 (Monday to Friday)

Maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta sa mga programang handog ng ating barangay para sa mamamayan. ๐Ÿ’š

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค







Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 29/05/2026

๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐——๐—ฅ๐—จ๐—š ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ โ€“ ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐— ๐—ข๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— 

Matagumpay na naisagawa ang Drug Awareness โ€“ Community Mobilization Program sa ating barangay noong May 25, 2026 sa pangunguna nina PSSg Reysallyn S. Marfil, PSSg Jolly Jeanne L. Mabaga, at PSSg Michael John M. Bassig, kasama ang aktibong pakikilahok ng ating mga Barangay Tanod sa pamumuno ni Chief of Barangay Tanod Jesus Aquino at mga kasamahan nito.

Layunin ng programang ito na palawakin ang kamalayan ng komunidad tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin ang bawat mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating barangay. Tinalakay rin dito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga otoridad, opisyal ng barangay, at mga residente upang maiwasan ang mga krimen at ilegal na gawain na may kaugnayan sa droga.

Nagbigay rin ng mahalagang impormasyon ukol sa drug prevention, community mobilization, at wastong pagre-report ng mga kahina-hinalang aktibidad sa mga kinauukulan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng disiplina, pagbabantay, pagkakaisa, at pakikilahok ng komunidad upang makamit ang isang ligtas at drug-free na pamayanan.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas lalo pang napapalakas ang ugnayan ng barangay at mga law enforcement agencies para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

Ang programang ito ay buong suportang isinulong ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Edwin B. Servo, kasama ang Sangguniang Barangay, bilang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa ating komunidad.

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค







Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 29/05/2026

May 29, 2026

ENVIRONMENTAL AWARENESS AND PROPER WASTE MANAGEMENT ORIENTATION

Matagumpay na naisagawa ang Environmental Awareness and Proper Waste Management Orientation sa pakikipagtulungan ng ating butihing Kapitan Edwin Baldonado Servo at Sangguniang Barangay Caingin kasama ang ating mga CENRO at Social Work Trimex.

Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng ating mga kabarangay tungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan at tamang pamamahala ng basura upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.

Nagbigay naman ng mahalagang kaalaman at impormasyon ang ating mga speaker mula sa CENRO na sina Joan M. Aรฑonuevo, LPT at Mark Joseph F. Ferranco, RChT tungkol sa tamang segregasyon ng basura, environmental protection, at responsibilidad ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa mas maayos, malinis, at luntiang pamayanan.

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’š โค๏ธ ๐Ÿค







Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 28/05/2026

May 28, 2026

CLEAN UP DRIVE / LINIS KANAL
Southville 4 Blk. 5, 15, at 18 Phase 2

Nagsagawa po ng Linis Kanal ang ating mga masisipag na Barangay Army sa pangunguna ni Admin Amador Quiapo upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at tumulong sa isinagawang clean up drive. Ang inyong bayanihan at pagtutulungan ay malaking tulong para sa kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.

Sa pangunguna po ng ating butihing Punong Barangay Kap Edwin Baldonado Servo kasama ang Sangguniang Barangay Caingin, patuloy po nating isinusulong ang programang pangkalinisan para sa kapakanan ng ating mga Kabarangay.

"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin ๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿค







Want your business to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


PUROK 6
Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm