05/09/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐/๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Sa pangunguna ng ating butihing ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐จ๐ซ๐๐๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ง๐ -๐ข๐ค๐จ, ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐จ๐ง ๐๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ-๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง Roy Ocampo Lucero at ng buong ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐, atin pong agad na sinulusyunan at tinutukan ang problema ng mga basurang naipon at itinambak sa kahabaan ng 711 Macabling-Mamplasan Road.
Hindi po dito nagtatapos ang ating pagkilos. Patuloy nating paiigtingin ang pagbabantay at pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa laban sa ilegal na pagtatapon ng basura, kabilang na ang mga taong sadyang pumupunta sa ating lugar upang magtapon ng basura sa atin.
Nais po nating ipabatid na ang sinumang mahuhuling lumalabag ay papatawan ng naaayon at nararapat na kaparusahan, alinsunod sa ating mga batas at ordinansa.
Hinihiling po natin ang pakikiisa at disiplina ng bawat isa. Ang kalinisan ng ating barangay ay responsibilidad nating lahat.
Hinihikayat din po namin ang ating mga ka-barangay na maging responsable sa pagtatapon ng basura. saalang-alang po natin ang kapakanan ng ating mga kapitbahay, ng ating komunidad, at higit sa lahat, ang kalinisan at kaligtasan ng ating kapaligiran.
Hihilingin din po natin na maging regular at tuloy-tuloy ang pagpasok ng truck ng basura sa lugar upang maiwasan ang labis na pag-iipon ng basura sa bawat tahanan.
Patuloy po tayong magtulungan, magkaisa, at maging bahagi ng solusyon.
Ang layunin natin ay hindi ang manisi o makipagtalo, kundi mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at disiplina sa ating barangay.
Para sa malinis, maayos, at ligtas na komunidad na Barangay Macabling.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ๐