ππΌππππΌππΌππ ππΌππ½πΌπ½πΌπππ, πππΌπ
. ππΌπππππΎπ πΏ.π. ππππΌ!
Malugod na tinatanggap ng Pamahalaang Barangay ng Mabini, sa pangunguna ni Punong Barangay Jonathan B. Ruiz, ang pagbabalik ni PMAJ. Lawrence D.R. Lira bilang Chief of Police ng ating himpilan.
Si PMAJ. Lira ay dati nang nanungkulan bilang Acting Chief of Police noong taong 2024, kung saan kanyang ipinamalas ang dedikasyon, integridad, at tapat na paglilingkod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.
Kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang paalala sa ating lahat:
βGaya ng dati, nais ko pong humingi ng tulong sa inyong lahat. Maging alerto po ang ating mga duty Bantay Bayan. Patuloy pong may mga gumagalang nanloloob sa mga bahay, warehouses, mga bukas na tindahan, at mga gasolinahan. Makikiusap po kami na bantayan at bigyang-pansin ang mga ito sa inyong mga nasasakupan.β
Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kabarangay na makiisa at makipagtulungan sa ating kapulisan sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng ating pamayanan.
Muli, maligayang pagbabalik, PMAJ. Lawrence D.R. Lira! Nawaβy patuloy nating mapagtibay ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad tungo sa isang ligtas at maunlad na Barangay Mabini.
Barangay Mabini
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Mabini, Government Organization, Rizal Street, Santa Rosa.
βThis official page of the Barangay Mabini, Santa Rosa, Nueva Ecija Local Government Unit is designated exclusively for the posting of official activities and announcements.β
13/07/2026
π’ PAANYAYA SA MGA NAGNANAIS SUMALI SA STREET DANCE COMPETITION
Pinababatid po sa lahat ng ating mga kabarangay na ang Pamahalaang Barangay ay naghahanap ng mga nais lumahok sa Street Dance Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng Foundation Day ng Bayan ng Santa Rosa.
Ang mga interesadong sumali ay maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Barangay upang magpalista.
Paalala lamang po na 8 kalahok lamang ang pipiliin mula sa ating barangay. Ang ating grupo ay isasama sa tatlo pang barangay, sapagkat ang kompetisyon ay isasagawa batay sa cluster, kung saan apat (4) na barangay ang bubuo ng isang grupo.
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!
03/07/2026
π’ PABATID SA MGA KABARANGAY
Isinagawa ang paglilinis ng mga kanal sa P. Abierta Street sa pangunguna ni Punong Barangay Jonathan B. Ruiz, katuwang ang ating mga Barangay Tanod sa pamumuno ni Chief Tanod Antonio S. Alcantara.
Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis ang ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha dulot ng mga baradong kanal.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtutulungan at pakikiisa para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Barangay Mabini.
03/07/2026
Congratulations po Sirπ«°
25/06/2026
Pag-iikot at Pamamahagi ng Sulat Ukol sa Tamang Pagtatapon ng Basura
Sa pangunguna ni Punong Barangay Jonathan B. Ruiz, nagsagawa ng pag-iikot at pamamahagi ng sulat ang Pamahalaang Barangay ng Mabini sa mga residente ng mga apartment sa ating barangay. Layunin nito na paalalahanan ang lahat tungkol sa wastong pagbubukod at pagtatapon ng basura alinsunod sa iskedyul ng hakot upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.
Inaasahan po ang pakikiisa at pagsunod ng bawat residente sa mga itinakdang alituntunin upang maiwasan ang kalat, masamang amoy, at iba pang suliraning dulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura.
Iskedyul ng Hakot ng Basura:
ποΈ Lunes β Hindi Nabubulok
ποΈ Martes β Nabubulok
ποΈ Miyerkules β Walang Hakot
ποΈ Huwebes β Hindi Nabubulok
ποΈ Biyernes β Nabubulok
ποΈ Sabado at Linggo β Walang Hakot
Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Makiisa at sumunod para sa mas malinis at maayos na Barangay Mabini. β»οΈπ‘
24/06/2026
24/06/2026
21/06/2026
Happy Fatherβs Day poπ«°
Sunday Night Duty
Punong Barangay
Hon. Jonathan B. Ruiz
Barangay Kagawad
Hon. Felix B. Bautista
Hon. Efren G. Catabas
Hon. Geramie V. Bernabe
Mga masisipag na tanod sa pangunguna ni Chief Tanod Antonio S. Alacantara
17/06/2026
π£β¨ Maligayang Kaarawan! β¨π£
Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay Barangay Kawagad Hon. Efren βKonsi Efrenβ G. Catabasππ
Nawaβy pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. ππ
Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Konsi Efrenπ₯³π
15/06/2026
π£β¨ Maligayang Kaarawan! β¨π£
Ang Pamahalaang Barangay Mabini ay taos-pusong bumabati ng isang Maligayang Kaarawan kay BHW Minerba B. PeΓ±ones ππ
Nawaβy pagkalooban pa po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas ng loob upang makapaglingkod nang tapat at buong puso para sa ating mga kabarangay. ππ
Mula sa inyong pamilya sa Barangay Mabini,
Maligayang Kaarawan, Ate Minerπ₯³π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Rizal Street
Santa Rosa
3101
