23/09/2026
PANGAKO: PAGGANAP, PAGTUTURO, AT PAGLILINGKOD
"You will be able to touch their hearts and minds to continue on their dreams."
Ang mga salitang isinulat ng butihing punong lalawigan, Hon. Aurelio "Oyie" Matias Umali, sa puso ng mga bagong talagang g**o na dumalo sa seremonyal na panunumpa at paglagda ng kanilang mga appointment nitong ika-22 hanggang ika-23 ng Setyembre sa Governor's Hall, Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija.
Sa pangunguna ng Schools Division Superintendent, Dr. Ericson S. Sabacan, ay isinagawa sa unang pagkakataon sa dibisyon ang makasaysayang sabayang panunumpa sa katungkulan na ito.
Nagsilbi bilang pangunahing tagapagsalita ang ating mahal na Gobernador Umali upang bigyang inspirasyon ang mga kaguruan na magsisimula sa pagtahak sa landas ng paglilingkod hindi lamang sa mga kabataang mag-aaral, kundi sa ating bayan.
Saksi ang bulwagan sa saya at kagustuhang maglingkod ng mga g**ong itinalaga, kasama ang kanilang mga magulang, asawa, at iba pang mga mahal sa buhay, mga taga-panguna ng lalawigan at ng dibisyon ng Nueva Ecija, sa kaganapang ito.
Tunay ang mga salitang sinambit ni Hon. Umali, ang mga g**o ang makakaantig sa puso at isip ng mga mag-aaral upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap. Kaya naman sa paglisan ng mga bagong talagang g**o sa Bulwagan ng Gobernador, baon nila ang kanilang pangako: pangakong pagganap sa tungkuling kanilang sinumpaan. Tungkuling magtuturo hindi lamang ng mga aral na makikita sa mga aklat, kundi higit pa. Higit pa sa mga salitang nasusulat sa kanilang palasumpaan. Dahil ang kanilang pangako, sa kanilang paglilingkod ay ilalakip ang puso.
Pagpupugay sa mga g**o! Mabuhay ang Nueva Ecija!
📸courtesy of SDO NE Broadcast Team and PGNE