Sangguniang Kabataan Ng Calaocan

Directions Contact the organization

Sangguniang Kabataan Ng Calaocan Para sa tapat at malinis na pag-gogobyerno✨

CALAOCAN, LET’S SHOW OUR LOVE AND SUPPORT! Ngayong gabi na ang Coronation Night ng Binibining Santiago sa Santiago City ...
19/09/2026

CALAOCAN, LET’S SHOW OUR LOVE AND SUPPORT!

Ngayong gabi na ang Coronation Night ng Binibining Santiago sa Santiago City Sports Arena!

Buong puso nating suportahan ang ating pride ng Barangay Calaocan, Ara Bitoy, habang buong ganda, grace, at confidence niyang kinakatawan ang ating barangay.

Barangay Calaocan, sama-sama nating iparamdam kay Ara na hindi siya nag-iisa sa laban na ito!

Like, share, comment, and cheer for her! 🥰

ARA JAMIL, KAYA MO ’YAN!
KASAMA MO KAMI SA IYONG LABAN!
👑

ONE BARANGAY. ONE PRIDE. ONE BIG CHEER!


BUDGET SEASON NA, NAMAN! 📋Bes, anong proyekto ang gusto mo para sa ating kabataan? 💭Ngayong Budget Season, gusto naming ...
16/09/2026

BUDGET SEASON NA, NAMAN! 📋

Bes, anong proyekto ang gusto mo para sa ating kabataan? 💭

Ngayong Budget Season, gusto naming marinig ang inyong mga ideya, mungkahi, at proyekto na nais ninyong maisakatuparan para sa kabataan ng Barangay Calaocan.

Huwag mahihiyang mag-comment ng proyekto o programang gusto ninyo!

Maaari rin itong i-PM sa ating page para sa inyong mga suhestiyon.

Baka ang idea mo ang susunod nating proyekto!

Boses mo. Ideya mo. Para sa Kabataan ng Calaocan. 🫶

09/09/2026
05/09/2026

Itinampok ang mga boses, tagumpay, ambisyon, at ambag ng kabataan sa lungsod sa ginanap na 2026 State of the Youth Address (SOYA) at KAISAKAbataan Awards ngayong Setyembre 5, 2026, sa Santiago Sports Arena.

Sa temang “Sandigan. Pananagutan. Tagumpay.”, nagtipon sa naturang programa ang mga youth leader, Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson, City Youth Development Council (CYDC) members, mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan, Youth Organizations, at iba pang katuwang sa pagsusulong ng kapakanan at partisipasyon ng kabataan sa pamamahala.

Nagsimula sa isang procession na tampok ang Local Youth Development Office (LYDO), SK Federation, mga finalist ng 2026 Outstanding Kabataan Santiagueño (OKS), mga Punong Barangay, SK chairperson, CYDC members, at iba pang opisyal ng lungsod.

Pagkatapos ay sinundan ito ng pag-awit ng Pambansang Awit at Santiago Hymn, opening salvo, audiovisual presentations, at pagtatanghal ng Balamban Cultural Dance Troupe.

Binuksan naman ni Abdulmoin H. Panglima, Jr., Officer-in-Charge ng opisina ng Local Youth Development Office, ang programa sa kaniyang pambungad na mensahe.

At para sa sentro ng programa, nagbahagi ng mensahe ng inspirasyon at pagpapasalamat si Sangguniang Kabataan Federation President Hon. Christopher Respicio sa kaniyang State of the Youth Address.

Tinapos naman ni Punong Lungsod Atty. Alyssa Sheena P. Tan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe ng pagkakaisa.

Kasunod nito ang KAISAKAbataan Awards, kung saan pinarangalan ang mga natatanging kabataan, organisasyon, proyekto, at mga katuwang na organisasyon na may mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng Kabataang Santiagueño sa lungsod.

By Daniza Caezarie Romero
Photo by Marc Jelai Ventura
………………………………………………
For news and updates, follow us on our official social media accounts.
Facebook: Santiago City Information Office
Website: cityofsantiago.gov.ph
Email: [email protected]
Mobile App: KaisaKa
(Available on App Store and Play Store)

𝗜𝗞𝗔-𝟵 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗢𝗖𝗔𝗡Isinagawa ngayong gabing ito ang ika-9 na Regular...
05/09/2026

𝗜𝗞𝗔-𝟵 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗢𝗖𝗔𝗡

Isinagawa ngayong gabing ito ang ika-9 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calaocan sa pamumuno ni SK Chairperson Hon. Mark Darryl S. Mactal kasama ang buong Konseho ng Kabataan.

Sa pagpupulong na ito, masusing tinalakay at pinaghandaan ang mga sumusunod na mahahalagang adyenda at programa para sa kapakanan ng ating mga kabataan:

Project Edu-Aksyon (Free School Supplies) – Pag-apruba at pagpaplano sa pamamahagi ng libreng gamit sa pag-aaral upang makatulong at makabawas sa gastusin ng ating mga mag-aaral na kindergarten at kanilang pamilya.

2% SK Federation Dues – Pagproseso sa pagbabayad ng nakatadhana na porsyento para sa SK Federation ng Lungsod ng Santiago upang patuloy na makabahagi at makasuporta sa mga malalaking inisyatibo ng kabataan sa buong lungsod.

Drafting ng ABYIP at Annual Budget para sa Taong 2027 – Maagang pagbalangkas sa Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) at taunang badyet para sa Year 2027 upang masigurong organisado, sapat, at nakatutok sa pangangailangan ng mga kabataan ang mga nakahanay na proyekto.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta! Patuloy kaming maglilingkod nang tapat at may pagmamahal para sa kabataan ng Calaocan!

02/09/2026
28/08/2026

BARANGAY CALAOCAN, handa na ba kayo?
The Defending Champions are back!

OPISYAL NA ANUNSYO
2ND KAISAKA INTER-BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT 2026 🏀

📢📢Attention, mga manlalaro at basketball enthusiasts ng Barangay Calaocan! Mayroon po tayong TRY-OUT sa Lunes (August 31,2026) dito po sa Bulwagan ng Calaocan.

Ipinababatid sa lahat ang mahahalagang eligibility requirements, team composition, at tournament format para sa 2nd KAISAKA Inter-Barangay Basketball Tournament 2026.

🏀 ELIGIBILITY NG MGA MANLALARO

✅ Walang age limit para sa mga kwalipikadong manlalaro.
✅ Kailangang registered voter ng Santiago City hanggang May 18, 2026.
✅ Hindi dapat kasalukuyang miyembro ng anumang professional basketball league.

👥 TEAM COMPOSITION
Bawat team ay maaaring magkaroon ng maximum na:
* 15 Players
* 1 Head Coach
* 1 Assistant Coach

⚠️ Mahigpit na ipatutupad ang mga patakaran sa residency at dokumentasyon. Ang team na mapatunayang nag-field ng non-resident player ay maaaring awtomatikong ma-disqualify.

Ang pagsusumite ng false information o fraudulent documents kaugnay ng eligibility ng manlalaro ay magiging batayan ng disqualification ng team, coaches, at concerned players.

🏆 TOURNAMENT FORMAT
-Single Round Robin Elimination
-Top 8 teams ang uusad sa Quarterfinals.
-Quarterfinals – Twice-to-Beat Advantage
-Semifinals – Best-of-Three
-3rd Place – Knockout Game
-Finals – Best-of-Three

📅 LAUNCHING: September 13, 2026
📍 Sports Arena

Magsama-sama tayo sa isa na namang kapana-panabik na paligsahan na naglalayong palakasin ang sportsmanship, pagkakaisa, at pakikipagkaibigan ng mga barangay sa Santiago City!

Para sa mga taga-Calaocan, suportahan natin ang ating mga manlalaro! 💪🏀💙

Abangan ang iba pang announcements kaugnay ng schedule, roster submission, at iba pang tournament updates.




27/08/2026
KABATAAN NG CALAOCAN, START YOUR ENGINES! THE QUEENS ARE ABOUT TO ENTER THE WERKROOM…ESTE BULWAGAN! 🏁🔥Tonight, the KK NI...
23/08/2026

KABATAAN NG CALAOCAN, START YOUR ENGINES!

THE QUEENS ARE ABOUT TO ENTER THE WERKROOM…ESTE BULWAGAN! 🏁🔥

Tonight, the KK NIGHT stage is about to get LOUDER, HOTTER, and FIERCE-ERRR!

MEET OUR SPECIAL GUEST PERFORMERS FROM OUR LOVING NEIGHBOR!

THE LIL FAMILY
💋 LIL V
💋LIL EVE
💋LIL’ COUTURE

These fabulous queens are our GUEST PERFORMERS for the KK NIGHT: Buwan ng Kabataan ng Calaocan 2026 Celebration!

So, bring your barkada, bring your BIG WINNER ENERGY, and bring your loudest cheers!

Because tonight, the stage is their runway and Calaocan is their audience!

📍 Barangay Calaocan
📅 August 23, 2026| TONIGHT
🎉 KK NIGHT | Buwan ng Kabataan 2026

Don’t just watch the night—COME THROUGH AND WITNESS THE SERVE! 💅

Address

Calaocan
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Ng Calaocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan Ng Calaocan:

Shortcuts

Share