01/06/2026
Barangay Calaocan, Santiago City
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Calaocan, Santiago City, Public & Government Service, Mulawin Street, Purok 1 Barangay Calaocan, Santiago.
According to the barangay history sometime in the 1930's, people from different places migrated & occupied the northern and eastern portion of Barangay Patul called Sitio Talab, until finally and officially created into a separated barrio called CALAOCAN.
01/06/2026
01/06/2026
Magandang araw, mga Ka-Barangay!
Ngayong Hunyo 1, 2026, pormal nating binubuksan ang bagong buwan nang may panibagong lakas, pag-asa, at determinasyon na magsilbi para sa kapakanan ng bawat pamilya rito sa Barangay Calaocan.
Kalahating taon na po ang lumipas para sa taong ito, at patuloy ang inyong pamunuan sa pagtatrabaho upang masigurong ligtas, malinis, at maunlad ang ating komunidad. Abangan po ang mga susunod nating aktibidad at programa para sa buwang ito!
Nawa’y maging produktibo at mapagpala ang simula ng Hunyo para sa ating lahat mula sa ating mga masisipag na magsasaka, mga negosyante, mga manggagawa, at bawat mamamayan ng Calaocan.
Mag-ingat po tayo palagi, at pagpalain tayo ng Maykapal!
01/06/2026
UNANG ARAW NG HUNYO AT PAGBATI MULA SA SANGGUNIANG BARANGAY
Magandang araw, mga Ka-Barangay!
Ngayong Hunyo 1, 2026, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barangay ng Calaocan ang ating First Regular Session sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Hon. Quintin J. Romero, kasama ang buong Konseho at mga Kinatawan ng Barangay.
Narito ang mga mahahalagang adyenda, programa, at lehislasyon na tinalakay at pinagtibay para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating komunidad:
Suporta sa Edukasyon (Brigada Eskwela): Pinag-usapan ang mga paghahanda at tulong na ipagkakaloob ng barangay sa mga paaralang nasasakupan ng Barangay Calaocan upang masiguro ang ligtas at maayos na balik-eskwela ng ating mga kabataan.
Sektor ng Agrikultura: Inaprubahan ang pagbili ng mga makinaryang pang-agrikultura, partikular ang Hand Tractor, na malaking tulong para sa pag-angat ng kabuhayan at produktibidad ng ating mga lokal na magsasaka.
Ligtas at Maayos na Komunidad (BADAC): Magdaraos ng isang Team Building para sa Barangay Anti-Drug Abuse Council upang mas mapatibay ang pagkakaisa at kapasidad ng grupo sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating lugar.
Serbisyong Pangkalinisan: Tinalakay ang pagsasaayos sa allowance ng ating mga Garbage Collectors at ang mas episyenteng sistema at iskedyul ng pagkokolekta ng basura para sa mas malinis na Calaocan.
Mga Batas at Ordinansa: Pormal nang ipinasá at pinagtibay ang Barangay Ordinance Nos. 1-5, Series of 2026. Narito ang mga sumusunod na ordinansa:
BARANGAY ORDINANCE NO. 001 S. 2026
"A BARANGAY ORDINANCE STRENGTHENING THE IMPLEMENTATION AND SERVICE DELIVERY OF "PROJECT BKB: BIYAHENG KABSAT AT BESPREN" (LIBRENG SAKAY PARA SA LAHAT), PROVIDING GUIDELINES FOR ITS OPERATION, AND ALLOCATING FUNDS THEREOF."
BARANGAY ORDINANCE NO. 002 S. 2026
“A BARANGAY ORDINANCE INSTITUTIONALIZING "PROJECT LUNTIAN" (LAND UTILIZATION AND NURTURING TOWARDS INCLUSIVE AGRICULTURAL NOURISHMENT), MANDATING THE USE OF IDLE LANDS FOR URBAN GARDENING, PROMOTING SUSTAINABLE AGRICULTURE, AND PROVIDING THE NECESSARY SUPPORT SYSTEM FOR FOOD SECURITY IN BARANGAY CALAOCAN.”
BARANGAY ORDINANCE NO. 003 S. 2026
“A BARANGAY ORDINANCE INSTITUTIONALIZING "PROJECT MAMILA" (MALASAKIT AT ALAGA PARA SA MATANDA INSPIRASYON NG LAKAS AT ASENSO), PROVIDING FOR ENHANCED SOCIAL SERVICES, HEALTH PROGRAMS, AND SPECIAL BENEFITS FOR SENIOR CITIZENS OF BARANGAY CALAOCAN.”
BARANGAY ORDINANCE NO. 004 S. 2026
“A BARANGAY ORDINANCE ESTABLISHING "PROJECT LAPIS" (LAHAT AY MAY PANTAY-PANTAY NA INISYATIBA SA EDUKASYON AT SERBISYO PARA SA MGA MAG-AARAL), PROVIDING FOR EDUCATIONAL ASSISTANCE, RESOURCE ACCESS, AND SUPPORT PROGRAMS FOR STUDENTS WITHIN BARANGAY CALAOCAN.”
BARANGAY ORDINANCE NO. 005 S. 2026
“A BARANGAY ORDINANCE INSTITUTIONALIZING "PROJECT REACH-LS" (READING ADVOCACY FOR CHILDREN HONING THEIR LITERACY SKILLS), ESTABLISHING THE BARANGAY READING CENTERS AND MOBILE LITERACY PROGRAM, AND PROVIDING THE NECESSARY FUNDS FOR ITS SUSTAINABLE OPERATION.”
TRANSPARENCY & FINANCIAL REPORTS:
Gaya ng ating ipinangakong tapat na pamamahala, inilatag at sinuri din sa pulong ang mga ulat sa pananalapi at ang ating TALAB Festival Financial Report
Patuloy po ang Sangguniang Barangay sa pagbabalangkas ng mga programang nakasentro sa pangangailangan ng bawat mamamayan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at kooperasyon!
01/06/2026
Isang Makulay na Pride Month, Barangay Calaocan! 🏳️🌈
Ngayong buwan ng Hunyo, kaisa ang Pamahalaang Barangay ng Calaocan sa pagdiriwang ng Pride Month! Saludo po kami sa katatagan, talento, at ambag ng LGBTQIA+ community sa pagsulong ng ating barangay.
Gawin nating mas espesyal ang araw na ito!
May LGBTQIA+ friend ka ba na laging nandiyan para sa iyo, masipag magtrabaho, o tagapagdala ng saya sa inyong barkada? I-mention mo na siya sa comments at magpasalamat sa lahat ng kanyang suporta at pagmamahal!
Let’s make them feel extra appreciated today!
Mabuhay ang pagkakapantay-pantay at pagmamahalan!
01/06/2026
PABATID!!
Ang City Health Office sa pamamagitan ng Santiago City Physical Therapy Rehabilitation and Wellness Center ay magsasagawa ng libreng konsultasyon ni Dr. Ma. Corazon Acosta sa ika-5 ng June 2026 (June 05, 2026) , Biyernes ganap na 8:00 ng umaga hanggang 11 ng umaga.
Ito ay para sa mga pasyenteng may karamdaman katulad ng stroke, parkinson's disease, traumatic brain injury, spinal cord injuries, osteoporosis at arthritis. kasama din dito ang mga may post-surgical orthopedic cases, sport injuries, work-related injuries, low back pain, carpal tunnel syndrome at children with special needs kagaya ng cerebral palsy.
Inaanyayahan ang lahat ng mga mayroong karamdamang nabanggit upang magpakonsulta sa nasabing schedule. See less
30/05/2026
📢 ANUNSYO PARA SA MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY CALAOCAN
Inaanyayahan po ng Pamahalaang Barangay ng Calaocan ang lahat ng mga mag-aaral at magulang na nasa opisyal na listahan po sa isa nating post sa gaganaping Distribution of Cash Gift bukas, ganap na ika-9:00 ng umaga sa Bulwagan ng Calaocan.
Ang programang ito ay base po sa ating Barangay Ordinance No. 2 Series of 2024 na naglalayong magbigay ng parangal at cash incentive sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan (elementarya) na may:
-Average grade na 90% at pataas
-Perfect Attendance
Paki-click po ang link na ito para po sa master-list ng mga benepisyaryo:
https://www.facebook.com/share/p/18rDNAYSwa/?mibextid=wwXIfr
Ang proyektong ito ay pagpapakita ng suporta ng ating barangay sa natatanging husay at dedikasyon ng mga Batang Calaocan sa kanilang pag-aaral. Pagpalain po kayo!
28/05/2026
Rooted in culture, rising through leadership. 🌿✨
Empowering Indigenous youth to preserve heritage, strengthen identity, and lead the future forward.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Mulawin Street, Purok 1 Barangay Calaocan
Santiago
3311
Opening Hours
| Monday | 8am - 4:30pm |
| Tuesday | 8am - 4:30pm |
| Wednesday | 8am - 4:30pm |
| Thursday | 8am - 4:30pm |
| Friday | 8am - 4:30pm |
