08/10/2026
PRESS RELEASE No. 10-08-12
Authority: PMAJ MELCHOR A AGGABAO, JR
Acting Chief, Traffic Enforcement Unit
-----------------------------------------------
56-ANYOS NA MAYBAHAY, TIMBOG SA SANTIAGO CITY SA BISA NG WARRANT OF ARREST
SANTIAGO CITY — Nadakip ng mga awtoridad ang isang 56-anyos na maybahay sa ikinasang operasyon ng Traffic Enforcement Unit (lead unit) katuwang ang Police Station 2 ng Santiago City Police Office bandang 2:20 ng hapon ng Oktubre 7, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas na alias "Rita," may-asawa, maybahay, at residente ng San Andres, Santiago City.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Oktubre 7, 2026 para sa kasong Estafa na inisyu ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC), Branch 1, Second Judicial Region, Santiago City.
Muling nagpaalala ang pamunuan ng pulisya sa publiko na patuloy ang kanilang maigting na kampanya laban sa mga indibidwal na may nakabinbing mandamyong de-aresto upang mapanatili ang kapayapaan at katarungan sa lungsod.
# # #
In case of emergency, Call 911