03/06/2026
MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙
Ang aming partner employer na si Common Wealth Rural Bank, Inc. ay kasalukuyang nangangailangan ng mga sumusunod:
· Account Officer
· Management Trainee
· Collection Staff
📩 Ang mga interesadong aplikante ay maaaring:
• Bumisita sa kanilang tanggapan
• O magtungo sa aming opisina sa PESO Santiago City, ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City.
• o mag fill-up sa aming referral link:https://forms.gle/a1SNjvoTPAmDb8BK9
✨Apply na Kabsat!
See less
02/06/2026
Leadership training, Values Enhancement and Pre-Employment Coaching
Para sa huling bahagi ng JobStart Philippines Program Soft/Core Skills Training, ating isinaalang-alang ang mga mahahalagang aspeto upang ang bawat benepisyaryo ay mas maging handa para sa kanilang pagsabak sa mundo ng pagtatrabaho. Sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Alyssa Sheena P. Tan, CPA at OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla, ito ay matagumpay na isinagawa ngayong araw, Hunyo 1, 2026 sa BOSS Conference, City Hall, San Andres, Santiago City.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla ang kahalagahan ng JobStart Philippines Program, kung saan ito ay isang malaking oportunidad upang matulungan ang ating mga kabataang Santiagueño na makahanap ng disenteng trabaho sa pamamagitan ng training to employment. Gayundin, ito ay nagbibigay daan upang makapagpabago ng buhay, hindi lamang ng iisang tao, kundi pati narin ng ibang miyembro ng pamilya nito.
Sa unang bahagi ng aktibidad ay nagbigay ng Leadership Training at Team-Building si Ginoong Jayson R. Benavize. Samantala, sa huling bahagi naman ay nagbigay ng Values Enhancement at Pre-Employment Coaching si Ginoong Fedencio R. Dasalla, Jr. Nagkaroon din ng feedbacking upang malaman kung hanggang saan ang kanilang mga natutunan sa natalakay na tatlumpung modules.
29/05/2026
MAGHANAP NG TRABAHO SA TULONG NG PESO! 💙
Ang aming partner employer na si Mango Suites ay kasalukuyang nangangailangan ng Assistant Cook
📩 Ang mga interesadong aplikante ay maaaring:
• Bumisita sa kanilang tanggapan
• O magtungo sa aming opisina sa PESO Santiago City, ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City.
✨Apply na Kabsat!
29/05/2026
Ang aming taus-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho ni Sir JP mula sa DOLE Isabela Field Office 🤍
Bilang GIP Coordinator, marami siyang natulungan at naging inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa publiko. Hindi matatawaran ang kanyang ambag sa mga programang nagbigay pag-asa at oportunidad sa maraming mamamayan.
Mananatili sa aming alaala ang kanyang kabutihan, kasipagan, at pagiging mabuting katuwang sa serbisyo. Ang kanyang buhay at mga nagawa ay magsisilbing inspirasyon sa marami.
Paalam, Sir JP! 🤍🤍🤍
28/05/2026
JobStart Philippines Program Mock Interview
Sa pagpapatuloy ng JobStart Philippines Program Soft/Core Skills Training, upang tiyakin na ang bawat benepisyaryo ay handa para sa nalalapit na Mini Jobfair ng ating mga partner industry sa pribadong sektor, sila ay sumalang sa isang Mock Interview.
Ito ay matagumpay na ginanap ngayong araw, Mayo 28, 2026 sa BOSS Conference, City Hall, San Andres, Santiago City sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Alyssa Sheena P. Tan, CPA at OIC-PESO Manager Atty. Nikki Jane S. Isla.
Ang nasabing interview ay isang epektibong paraan upang masuri ang kahandaan ng bawat trainee sa mundo ng pagtatrabaho. Gayundin, sila ay nabigyan ng sapat na kaalaman upang mas mapataas ang kumpiyansa sa sarili at maging kwalipikado.
25/05/2026
HABOL NA, KABSAT! 📢💼
Baka ikaw na ang hinahanap ng ating partner employer na si JENSEN MANPOWER INTERNATIONAL CORPORATION!
📍 Magtungo sa aming tanggapan ngayong:
🗓️ May 25–26, 2026
⏰ 9:00 AM – 4:00 PM
📄 Magdala lamang ng:
✔️ Resume
✔️ Mga kinakailangang dokumento sa paghahanap ng trabaho
📢 Bisitahin ang aming page upang makita ang kumpletong job vacancies ng kumpanyang ito at iba pang anunsyo ng mga employer na naghahanap ng empleyado.
✨ Sama-sama nating abutin ang trabaho at kabuhayan para sa bawat Santiagueño!
25/05/2026
Apply na, Kabsat!
Apply na, Kabsat! SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY
Sa darating na May 25-26, 2026, 9:00 AM-4:00 PM ay magsasagawa ng Recruitment Activity o dalawang araw na pagsasala ng mga aplikante ang ating Partner Employer na si JENSEN MANPOWER INTERNATIONAL CORPORATION na gaganapin sa aming tanggapan na matatagpuan sa ITC Four Lanes, Malvar, Santiago City. Ang nasabing kumpanya ay nangangailangan ng DOMESTIC HELPER.
Sa mga interesadong aplikante magdala lamang tayo ng resume, ballpen, kopya ng diploma at iba pa.
22/05/2026
Santiago OFW Association, idinaos ang kanilang kauna-unahang anibersaryo; PESO Santiago, kaagapay sa kanilang pagdiriwang
Ngayong araw, May 22, idinaos ng Santiago OFW Association ang kanilang kauna-unahang anibersaryo, patunay na patuloy silang lumalakas, nagkakaisa at organisado.
Mahigit dalawang daang miyembro ng nasabing organisasyon ang dumalo at nakisaya upang ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal sa SOFWA.
Sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Sheena Tan, ang SOFWA ay inorganisa ng PESO taong 2025, layuning magkaroon ng boses ang mga OFWs sa lungsod, mabigyan ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan, skills development, magkaroon ng mga polisiyang aagapay sa kanila at marami pang iba.
Personal na binisita ang programa ni Cong. Joseph Tan, City Vice Mayor Jamayne Tan, Councilor Carlo De Luna, Councilor Russel Ponce, DOLE, DMW, at OWWA.