RVAlbay Sta. Misericordia ES

Directions Contact the organization

RVAlbay Sta. Misericordia ES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RVAlbay Sta. Misericordia ES, Government Organization, Purok 5 Sta. Misericordia, Santo Domingo.

🏆 TAGUMPAY NA DAPAT IPAGMALAKI! 🏆Buong galak na binabati ng Sta. Misericordia Elementary School ang ating mahuhusay na b...
05/09/2026

🏆 TAGUMPAY NA DAPAT IPAGMALAKI! 🏆

Buong galak na binabati ng Sta. Misericordia Elementary School ang ating mahuhusay na batang mamamahayag na nagkamit ng karangalan sa 2026 Division Schools Press Conference:

🥇 ZIAN B. MASARATE
Unang Gantimpala sa Editorial Writing, Filipino

🥉 XIEFER THOMAS L. BRUL
Ikatlong Gantimpala sa SciTech Writing, Filipino

Tagapagsanay: Sarah Jean M. Baldres

Ang inyong husay, sipag, at dedikasyon sa pagsusulat ay nagbigay ng malaking karangalan sa ating paaralan. Patuloy na gamitin ang inyong tinig at talento upang magbigay-kaalaman at inspirasyon sa iba.

Taos-pusong pagbati! Patuloy kayong magsulat, mangarap, at magningning! ✍️🌟


✨ Tagumpay ng isa, inspirasyon ng lahat! ✨Isang malakas na palakpakan at taos-pusong pagbati kina Xiefer Thomas L. Brul,...
21/08/2026

✨ Tagumpay ng isa, inspirasyon ng lahat! ✨

Isang malakas na palakpakan at taos-pusong pagbati kina Xiefer Thomas L. Brul, Joseph Edward Balasta, Zian Masarate, at Kayla Gonzales sa kanilang kahanga-hangang tagumpay sa Cluster A Schools Press Conference 2026! 🏆👏

Ipinakita ninyo na sa pamamagitan ng sipag, dedikasyon, lakas ng loob, at pagmamahal sa pagsusulat at pamamahayag, kayang abutin ang tagumpay. Tunay kayong karangalan ng Sta. Misericordia Elementary School!

Pagbati rin sa lahat ng kalahok na buong tapang na humarap sa kompetisyon. Maaaring hindi pa ngayon ang inyong pagkakataong makapag-uwi ng parangal, ngunit ang inyong pagsali, pagsubok, at patuloy na pagkatuto ay isa nang mahalagang tagumpay. Huwag tumigil, huwag mawalan ng pag-asa, at patuloy na maniwala sa sariling kakayahan. Bawat mahusay na manunulat at kampeon ay nagsimula rin sa pangarap at pagsisikap. 🌱🌟

Mabuhay ang ating mga batang mamamahayag! Patuloy na mangarap at magningning, SMESians! 💙💛

Tagapagsanay:
Urie D. Balistoy - English
Sarah Jean M. Baldres - Filipino


Sa pagtataas ng ating pambansang watawat ngayong Agosto 3, 2026, sabay nating itinaas ang diwa ng pagmamahal sa bayan, p...
03/08/2026

Sa pagtataas ng ating pambansang watawat ngayong Agosto 3, 2026, sabay nating itinaas ang diwa ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa sariling wika, at pagkakaisa ng buong pamayanan ng Paaralang Elementarya ng Sta. Misericordia.

Ito ang makabuluhang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa makabagong panahon, ang wikang Filipino ay patuloy na magiging gabay sa pagkatuto, pananaliksik, at pag-abot sa malawak na yaman ng kaalaman. 🇵🇭✨




Lubos po ang aming pasasalamat sa LGU Sto. Domingo, sa pangunguna ng ating butihing Mayor B**g Banda, para sa pamamahagi...
29/06/2026

Lubos po ang aming pasasalamat sa LGU Sto. Domingo, sa pangunguna ng ating butihing Mayor B**g Banda, para sa pamamahagi ng libreng mga bag sa lahat ng mga mag-aaral ng Sta. Misericordia Elementary School ngayong araw, Hunyo 29, 2026.

Ang inyong malasakit at suporta sa edukasyon ay malaking tulong at inspirasyon sa aming mga mag-aaral, magulang, g**o, at buong paaralan. Tunay na ang programang ito ay nagpapakita ng inyong pagmamahal at pagpapahalaga sa kinabukasan ng kabataang Domingueños.

Mula sa pamunuan, mga g**o, magulang, at mga mag-aaral ng Sta. Misericordia Elementary School, maraming-maraming salamat po, LGU Sto. Domingo at Mayor B**g Banda! 💙🎒


**gBanda

HONORING THE PAST, EMBRACING THE FUTUREIsang makabuluhan at makasaysayang Official Turnover Ceremony ang matagumpay na g...
26/06/2026

HONORING THE PAST, EMBRACING THE FUTURE

Isang makabuluhan at makasaysayang Official Turnover Ceremony ang matagumpay na ginanap ngayong araw, Hunyo 26, 2026, mula 12:30 hanggang 1:00 ng hapon sa SMES Covered Court, bilang pagpupugay sa mga naging ambag ng ating naglilingkod na School Head at pagtanggap sa bagong yugto ng pamumuno sa Sta. Misericordia Elementary School.

Taos-pusong pasasalamat kay Ma'am Alma Baleda, ang papatapos na School Head, sa kanyang dedikasyon, mahusay na pamumuno, at walang sawang paglilingkod para sa kapakanan ng paaralan at ng komunidad. Kasabay nito, malugod nating tinatanggap si Ma'am Emerita Reyes bilang bagong School Head ng SMES, na may buong suporta at pagtitiwala ng ating paaralan sa kanyang pamumuno.

Nakibahagi sa nasabing seremonya ang mga Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Henry Boaloy, ang mga SPTA Officers sa pangunguna ni Mrs. Jonalyn Basilla, ang mga bagong halal na HPTA Presidents ng bawat klase, gayundin ang lahat ng mga mag-aaral, mga g**ong kawani, at mga non-teaching personnel ng paaralan.

Sa diwa ng temang “Honoring the Past, Embracing the Future,” ating pinararangalan ang mga naitaguyod na tagumpay ng nakaraan habang sabay-sabay nating tinatahak ang landas tungo sa mas maliwanag at mas matagumpay na kinabukasan para sa Sta. Misericordia Elementary School.

Maraming salamat at mabuhay ang SMES! 💙📚✨

🇵🇭 Sta. Misericordia Elementary School 🇵🇭Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, ating alalahanin ang tapang at sakripisyo ng ...
12/06/2026

🇵🇭 Sta. Misericordia Elementary School 🇵🇭

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, ating alalahanin ang tapang at sakripisyo ng ating mga bayani. Nawa’y patuloy nating ipaglaban ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagsisikap para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Mabuhay ang Pilipinas! 💙❤️💛

Maraming salamat po sa LGU Sto. Domingo sa pangunguna ni Mayor B**g Banda sa ipinagkaloob na libreng school supplies par...
10/06/2026

Maraming salamat po sa LGU Sto. Domingo sa pangunguna ni Mayor B**g Banda sa ipinagkaloob na libreng school supplies para sa lahat ng mag-aaral ng Sta. Misericordia Elementary School na matagumpay na naipamahagi ngayong June 10, 2026 sa SMES Covered Court. 📚✏️

Ang inyong malasakit at patuloy na suporta sa edukasyon ay malaking inspirasyon sa aming mga kabataan upang lalo silang magsikap at mangarap para sa magandang kinabukasan. Tunay na ang bawat simpleng tulong ay nagiging malaking pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral at magulang.

Muli, taus-pusong pasasalamat po sa inyong kabutihan at dedikasyon sa serbisyo publiko. Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng pag-unlad at inspirasyon para sa aming komunidad.


**gBanda



✨ Isang mainit at taos-pusong pagtanggap kay Ma’am Emerita Reyes bilang aming bagong School Head! ✨Ang inyong pagdating ...
09/06/2026

✨ Isang mainit at taos-pusong pagtanggap kay Ma’am Emerita Reyes bilang aming bagong School Head! ✨

Ang inyong pagdating ay simbolo ng bagong pag-asa, inspirasyon, at mas matatag na pamumuno para sa aming paaralan. Nawa’y magsilbi kayong ilaw at gabay sa bawat g**o, mag-aaral, at miyembro ng komunidad tungo sa mas mataas na antas ng kahusayan at tagumpay.

Buong-puso naming kayong sinusuportahan at ipinagdarasal na maging mabunga at makabuluhan ang inyong pamumuno. Sama-sama nating isusulong ang edukasyong may puso, dangal, at malasakit para sa kinabukasan ng bawat bata.

Muli, maligayang pagdating, Ma’am Emerita Reyes! 💙📚🌟

Address

Purok 5 Sta. Misericordia
Santo Domingo
4508

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Sta. Misericordia ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RVAlbay Sta. Misericordia ES:

Shortcuts

Share