SPNHS FIlipino Department

SPNHS FIlipino Department

Share

Layunin nito na makapagpamalas ng angking kakayahan ang mga mag-aaral sa
• pagbasa at pag-unawa
?

14/06/2025

PASUKAN NA NAMAN!

02/08/2024

Ang Mataas na Paaralan ng San Pedro National High School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang- "Filipino: Wikang Mapagpalaya" alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

Photos from SPNHS FIlipino Department's post 17/08/2023

Ilan sa mga Pangunahing Wikang katutubo na ginagamit sa bansang Pilipinas:
✅Bicolano
✅Hiligaynon
✅Ilocano
✅Kapampangan
✅Tagalog
✅Pangasinense
✅Cebuano
✅Waray

Photos from SPNHS FIlipino Department's post 07/08/2023

Filipino Sign Language (FSL) Alphabet

:
Pumili ng isang salitang nasa wikang Filipino at gamitin ang FSL.

I-comment sa ibaba
⬇️⬇️⬇️

07/08/2023

Buwan ng Wika 2023

Tema: Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas.

Ating panuorin ang paggamit ng Filipino Sign Language(FSL) sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan.

01/08/2023

President Ferdinand R. Marcos Jr. extends his warm greetings to the Filipino people on the celebration of Buwan ng Wikang Pambansa.

In his message, the President emphasizes the value of the Filipino language, heritage, and culture in unifying the nation. He calls on the public to cherish and promote the use of the language, not just for communication but also for instilling collective awareness and progress for future generations. Additionally, PBBM encourages citizens to demonstrate their love for the country and work towards the realization of shared aspirations for the Philippines among the Filipino people.

07/05/2022

"PETCHAY"

Siya si Althea Josefa Marinduque o mas kilalang Thea. Mayroon siyang Ina nag-aruga sa kanya simula bata palang. simple lang ang trabaho ng magulang nito at yun ang taga-lako ng gulay sa mga tabing daan. Si Thea naman ay maingitin sa mga kaibigan niya na mayayaman, kaya binibigay ng kanyang ina ang lahat ng kinita niya sa mag-hapon at nagpapanggap rin siyang mayaman sa mga kaibigan niya.

Isang araw ay nag-gala sila Althea at ang mga kaibigan niya.

"Naku!!Kailangan ko palang bumili ng petchay para sa hapunan namin mamaya" ani ng kaibigan ni Althea

"Mamaya rin naman ay may makakasalubong tayong mga naglalako dito" Sabi naman ng isang kaibigan ni Althea

"Yup,tama naman si Angela may madadaanan naman tayo dito don't worry" singit naman ni Althea

Maya maya ay may mga nakasalubong silang mga naglalako ng mga gulay.

"Ay ma'am!gusto niyo po ng Repolyo? Ito po ang aking mga tinda bili na po kayo!!"

"Hello Ma'am,Sir!!Bili na po kayo!!

Sari-saring sigawan ang nadaanan ng magkakaibigan ng may makasalubong na silang nagtitinda ng petchay na hinahanap ng kaibigan ni Althea

"Magandang Tanghali sainyong lahat!!Bili na po kayo ng Petchay Malinis At Fresh pa po!!" Sigaw ng isang tagalako habang bitbit niya ang malaking Bilao

"Bes Angela!!Ayun na yung petchay ohh Tingin Tayo?" Sabi ni Mona Kay Angela habang kinakalbit ito sa balikat.

"Ay may nakita din ako dun ohh!!Althea Ikaw nalang kaya tumingin ng Petchay dun sa isa??Titignan namin ni Mona kung sariwa pa 'yong isa" Sabi ni Angela kay Althea at agad namang tumango si Althea At dumeretso sa naglalako.

Habang namimili ng Petchay Si Althea ay napatingin sa kanya ang naglalako.

"Hi ma'a- Ohh ikaw pala anak" Sabi ng naglalako kay Althea ngunit di ito pinansin ni Althea.

"Magkano Ho ito?" Tanong Ni Althea sa naglalako.

"Libre na yan anak,para sa'y-" Di pa tapos magsalita ang naglalako nang magsalita si Althea sa kanya.

"Please lang,wag niyo akong tatawaging anak dito lalo na sa harap ng mga Friends ko. Nakakahiya" Sabi nito sa naglalako kaya malungkot na ngiti nalang ang ipinakita ng ale.

"Sige ana- Ay Ma'am,30 Pesos nalang po yan" Sabi ng maglalako sa kaniya

"Ohh ito,Wag mo muna akong tatawaging anak lalo na sa harap ng mga kaibigan ko,paano kung marinig nila??edi nakakahiya diba??" Sabi ni Althea sa maglalako at umalis na rin siya doon nang tawagin siya ng mga kaibigan niya

"Bes,Ampangit nung petchay nung isa nakabili ka??" Tanong ni Angela sa kanya

"Yes,Ito ohh" Sagot ni Althea at Binigay yung Plastic na naglalaman ng Petchay.

"Thank You bes" Sabi Ni Angela kaya nginitian nalang ito ni Althea.

Di pa man sila nakakalayo ay may biglang Ingay na nanggaling sa likod at sigawan.

"Halaaaaa Nasagasaan!!!!!"
Iba't ibang uri ng sigawan ang narinig sa Likod nila,pumunta ang dalawang kaibigan ni Althea Sa Kaguluhan kaya sumunod nalang din Si Althea.

"Hala bes,diba ayun yung pinagbilhan mo ng Petchay?" bulong ni Mona Kay Althea kaya nanlaki ang mata nito at dahan dahang sinilip.

Nakita niyang naliligo sa sariling dugo ang kaniyang Ina sa sahig kaya nilapitan niya iyon

"Nay!!!!!" Sigaw ni Althea at humagulgol ng iyak..

Nakarating na Siya sa Hospital at nakita niyang Nakataklob na ng Puting Kumot ang buong Katawan nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakataklob sa ina nito.

"Ma sorry,sorry." Sabi nito na halos di na maintindihan dahil umiiyak Ito.

"Ma,Gumising ka na po diyan!hindi ko kayang wala po kayo.Iniwan na nga tayo ni Papa at ni Kuya,Susunod ka pa po? Maaa parang awa mo na gumising ka na po dyan please!!" Humagulgol na naman si Althea Habang yakap yakap niya ang Ina niyang matigas na at walang malay.

_ _ _

IPAKITA ANG PAGMAMAHAL AT KUNG GAANO SILA KAIMPORTANTE SA BUHAY NIYO HABANG NABUBUHAY PA SILA. HINDI YUNG KAILAN WALA NA SILA DUN MO PALANG IPAPAKITA . MAHALIN ANG INYONG MAGULANG O MAHAL SA BUHAY DAHIL HINDI NATIN ALAM KUNG KAILAN SILA MAWAWALA AT IIWANAN TAYO.

WAG IKAHIYA ANG INYONG MAGULANG AT MAKUTENTO SA KUNG ANO MANG MERON TAYO.

— WAKAS —

DADURAL, INGRID FARAH

G8 REDWOOD

Google Forms - create and analyze surveys, for free. 22/11/2021

TEMA: "Bawat bata bumabasa sa kabila ng Pandemya"

Magandang buhay.
Ang lahat ay inaanyayahang ipakita ang galing sa “Spoken Poetry”.

-Bukas ito para sa lahat ng baitang! (Grade 7-10)
-Ang mga kalahok ay magpapasa ng maikling bidyo ng sarili na ipinapakita ang mahusay na pagbigkas, emosyon at interpretasyon ng isang tula.

MGA HAMON:
Kailangan sa maikling minuto ng bidyo ay maipakita ang husay sa pagbigkas ng isang tula na may emosyon at interpretasyon.

PAGKILALA:
-Ang lahat ng mahuhusay na kalahok ay gagawaran ng pagkilala.
-Ang mga kalahok ay magkakaroon ng karagdagang puntos sa performance task sa Filipino bukod sa sertipiko na matatanggap

Hanggang Nobyembre 24,2021 lamang tatanggap ng mga entries.

PARAAN NG PAGSUMITE:
- Sagutan ang google form at dito iupload ang bidyo. (Dapat ay may permiso ng magulang bago ilagay ang bidyo)
- https://docs.google.com/forms/d/1_JngTJhR1buKELTKin0hLxJE4xHVfkMsOcZqpFk2Aoo/edit

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA:

Postura at galaw ng katawan - 10
Linaw at lakas ng boses sa pagsasalita - 10
KABUUAN - 2

Google Forms - create and analyze surveys, for free. Create a new survey on your own or with others at the same time. Choose from a variety of survey types and analyze results in Google Forms. Free from Google.

15/11/2021

Pagsulat ng tula https://tinyurl.com/PBP2021TULA

TEMA: "Bawat bata bumabasa sa kabila ng Pandemya"

Magandang araw Pedronians. Iniimbitahan namin kayo na sumali at ipakita ang inyong angking husay sa pagsulat ng tula. Ito ay may tema na, "Bawat bata bumabasa sa kabila ng Pandemya".

Kailangang sumulat ng tula na may angkop na sukat at tugma, may tatlo o higit pang saknong at may apat na taludtod kada saknong. Filipino ang wika na gagamitin sa pagsulat. Ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng San Pedro National High School.

MGA HAMON:
kailangang maisulat ito sa malikhaing paraan na kung saan ang tula ay makapagbibigay ng katuturan, ideya, impormasyon, suhestiyon, opinyon o pagpapamulat kung gaano kahalahaga ang pagbabasa kahit tayo ay nasa panahon ng Pandemya.

PAGKILALA AT PARANGAL:
-ang lahat ng kalahok ay gagawaran ng pagkilala
-tatlo mula sa mga kalahok ay magkakamit ng GINTO, PILAK AT TANSONG sertipiko ng pagkilala matapos na mamayagpag sa timpalak na ito.
-5-10 ANG KARANGALANG BANGGIT ANG IGAGAWAD kumporme sa dami ng lahok na matitipon.
-ang desisyon ng hurado ay pinal at hindi na mababago pa.

Hanngang Nobyembre 19,2021 lamang tatanggap ng mga entries.

PARAAN NG PAGSUMITE:
Ipasa ang opisyal na entri sa google form link na: https://tinyurl.com/PBP2021TULA

Want your business to be the top-listed Government Service in Santo Tomas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


SAN PEDRO NATIONA HIGH SCHOOL
Santo Tomas
4234

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm