Barangay 4 City of Santo Tomas Batangas

Barangay 4 City of Santo Tomas Batangas

Share

The Official page of Barangay Poblacion 4 City of Santo Tomas Batangas

07/06/2026

Congratulations Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan ๐ŸŽ‰

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) sa pagkilala bilang ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฐ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก batay sa โ€œBoses ng Bayanโ€ Index of Governance (IOG) Trust and Performance Ratings ng RPMD Foundation Inc.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng matatag, mahusay, at aksyon bilis na pamumuno na patuloy na naghahatid ng maaasahan at makabuluhang serbisyo at mga programang tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng mga Tomasino.

Isang karangalang sumasalamin hindi lamang sa mahusay na pamamahala kundi sa sama-samang pagsisikap tungo sa mas maunlad at mas masiglang Lungsod ng Santo Tomas.

#๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—•๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ก๐—ฎ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ก๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ง๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ

06/06/2026

Maligayang kaarawan sa ating butihing Eco Aide, Maricel Malabrigo๐ŸŽ‰

Pagbati mula kay Kap. Ian Dela Cruz at ng buong Sanggunian ng Barangay Poblacion 4.

05/06/2026

Magandang araw po mga kabarangay.

Sa mga magpapaturok po ng anti rabies sa inyong alagang a*o at pusa, maaari na po kayong magtungo ngayon sa barangay hall.

Available po ang ating Barangay Animal Health Worker hanggang 12:00 ng tanghali.

Maraming salamat po.

04/06/2026

Ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ang taos-pusong pagbati sa ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐˜. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ถ๐—ผ sa natatanging pagkilalang ipinagkaloob ng Banal na Sede sa pamamagitan ng pagtaas nito bilang isang ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ.

Ang decree ay inilabas sa Vatican City, sa opisina ng Dicastery for Evangelization, noong May 25, 2026, kasabay ng paggunita sa ika-139 na anibersaryo ng kapanganakan ni St. Padre Pio.

Ang makasaysayang pagkilalang ito ay mahalagang milestone para sa shrine at sa mga deboto nito, bilang patunay ng lumalawak nitong papel bilang lugar ng panalangin at pilgrimage.

Patuloy namang hinihikayat ang mga deboto na magdasal at maghanda para sa pormal na pagdiriwang ng International Shrine sa darating na September 23, Feast Day ni St. Padre Pio.

Photos from Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas's post 03/06/2026
Photos from Barangay 4 City of Santo Tomas Batangas's post 03/06/2026

โ€œ Orientation Seminar on Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) and Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM)โ€
06.02.2026

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas at ng City Social Welfare and Development ang isinagawang Orientation Seminar on Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM) na dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Sto. Tomas.

Tinalakay ni G. Kimani Lester Z. Comia, Project Development Officer II/ Accredited GAD Trainer DSWD FO IV-A ang mahahalagang kaalaman tungkol sa pagprotekta sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Mahalaga ang seminar na ito upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga opisyal at miyembro ng VAWC at BCPC sa tamang pagtugon at pagprotekta sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Nagbibigay rin ito ng sapat na kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas, mga senyales ng pang-aabuso, at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan at matugunan ang mga ka*o ng OSAEC at CSAEM.

Nakiisa sa nasabing aktibidad ang ating VAWC Desk Officer at ang ating Councilor on Women and Human Rights, Konsehal Tess De Villa-Yu at ang ating BCPC Officer, Eden Villanueva bilang kinatawan ng ating Barangay.

๐Ÿ“ทCTTO


Photos from Barangay 4 City of Santo Tomas Batangas's post 02/06/2026

"Aksyon Bilis- Girl Power Laban sa Cancer Free Cervical Screening "
06.01.2026

Kahapon ay isinagawa ang libreng cervical screening na pinangunahan ng Health and Promotion Unit, Executive Assistant V/HEPU Adviser Dra. Arnielyn Marasigan-Aguirre at HEPU nurses and staff bilang bahagi ng pagsusulong ng maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer.

Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga kababaihan ng pagkakataong masuri ang kanilang kalusugan upang maagapan ang anumang posibleng sakit sa cervix bago pa ito lumala.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas sa pagbibigay ng programang pangkalusugan gayundin sa lahat ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga doktor at health providers na naglalaan ng oras upang pangalagaan at gabayan ang kalusugan ng mga Tomasino.

Maraming salamat din sa ating mga masisipag na Barangay Health Workers na sina Nancy Buyco, Julie Ann Pantila, Airen Buno, Melisa Desipeda, Leoviminda Gonzales at Marife Datu na katuwang ng ating Barangay sa mga programang pangkalusugan.

Ang buong Sanggunian ng Barangay Poblacion 4 sa pangunguna ni Kap. Ian Dela Cruz, Council on Health Konsi Erick Pangilinan kasama ng iba nating mga Kagawad ay patuloy na nakiisa at sumusuporta sa ating lokal na pamahalaan sa mga programang pangkalusugan upang masiguro ang maayos na kalusugan at ligtas na kalagayan ng ating mga kabarangay.

๐Ÿ“ทCTTO



31/05/2026

Bukas na!!!

Dalhin lamang po ang stub sa pagclaim ng school supplies.

๐Ÿ“Œ"Strictly No Stub, No School Supplies."

Sa mga di nakakuha ng kanilang stub makipag ugnayan lamang po sa atin pong mga barangay functionaries na naka assign sa inyong Purok.

Kita kits๐Ÿ™‚


BALIK ESKWELA SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION๐Ÿ“ฃ

Ang Sanggunian ng Barangay Poblacion 4 ay muling magsasagawa ng School Supplies Distribution para sa mga mag aaral na incoming Grade 2 to Grade 4 for S.Y 2026-2027.

Petsa: June 1, 2026 (Monday)
Lugar: Poblacion 4 Barangay Hall
Oras: 10:00 a.m

Ang Balik Eskwela School Supplies Distribution ay proyektong handog ng Sanggunian ng Barangay Poblacion 4 upang makatulong sa mga magulang at estudyante bilang paghahanda para sa nalalapit na pasukan.

๐Ÿ“ŒPaalala
* Ang mabibigyan ng school supplies ay ang mga taga Barangay Poblacion 4 po lamang
*Ang ating mga MIO ang nag ikot sa bawat Purok at kumuha ng mga pangalan ng estudyanteng kabilang sa mabibigyan ng school supplies.
*Ang lahat ng nakapagpalista ay bibigyan ng stub bukas na ipapakita sa araw mismo ng distribution.
*Ang stub po ay ipapamahagi bukas ng ating mga MIO at functionaries na naka assign bawat purok.
*"Strictly No Stub, No School Supplies!"

30/05/2026

Maligayang kaarawan sa ating butihing Barangay Tanod, Hilda M. Montifar๐ŸŽ‰

Pagbati mula sa buong Sanggunian ng Barangay Poblacion 4.

Want your business to be the top-listed Government Service in Santo Tomas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Dimayuga Subdivision, Brgy. 4, Sto Tomas City, Batangas
Santo Tomas
4234