26/06/2026
Dumalo ang humigit-kumulang 40 piling lokal na MSMEs at mga kabataang negosyante (Young Entrepreneurs) sa isinagawang 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁 𝗣𝗵𝗼𝘁𝗼𝗴𝗿𝗮𝗽𝗵𝘆 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 ng City Livelihood and Entrepreneurship Development Office noong Hunyo 23, 2026.
Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagkuha ng de-kalidad na larawan ng kanilang mga produkto para magamit sa digital marketing, online selling, at iba pang promotional platforms.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mapapalakas ang kanilang presensya sa merkado, madaragdagan ang customer engagement, at higit na mapapaunlad ang kanilang mga negosyo.
Nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan si Mr. Marco Paulo M. Andal, Director at Production Head ng Airbox Productions, hinggil sa mga pangunahing prinsipyo ng product photography, tamang paggamit ng ilaw, komposisyon, at mga teknik sa paglikha ng mga larawang kapansin-pansin at epektibo sa pagbebenta.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas, sa pangunguna nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng kaalaman, oportunidad, at makabagong kasanayan upang higit na mapaunlad ang kabuhayan ng mga lokal na negosyante at makasabay sa lumalawak na digital economy.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
26/06/2026
Isinagawa ang 𝗥𝗲𝗹𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗱 noong Hunyo 24, 2026, kung saan unang nakatanggap ng kanilang mga card ang mga residente ng Barangay Poblacion I bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa lungsod.
Ang Aksyon Bilis Blue Card ay inilunsad upang higit na mapadali at mapabilis ang pag-avail ng mga mamamayan sa iba't ibang social at medical services ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng programang ito, magiging mas organisado, episyente, at maayos ang pagproseso ng mga kinakailangang tulong at serbisyo para sa bawat Tomasino.
Sa pangunguna nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) at Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, patuloy na pinalalakas ang mga programang naglalayong itaguyod ang kapakanan, kalusugan, at kaginhawaan ng bawat Tomasino.
Magpapatuloy ang pagbaba ng Pamahalaang Lungsod sa iba’t ibang barangay para sa pamamahagi ng Aksyon Bilis Blue Card.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
25/06/2026
Matagumpay na inilunsad sa Barangay Sta. Maria ang “𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗞𝗮𝗽.–𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺” noong Hunyo 23, 2026 sa pangangasiwa ng City Livelihood and Entrepreneurship Development Office, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin at suportahan ang kabuhayan ng mga miyembro nito.
Pinagkalooban ang mga benepisyaryo ng panimulang negosyo at mahahalagang produkto para sa kanilang sari-sari store upang magkaroon sila ng dagdag na pinagkukunan ng kita at mas matatag na kabuhayan.
Bago ang pamamahagi ng mga livelihood package, sumailalim din ang mga kalahok sa mga pagsasanay sa business management, financial literacy, at inventory control upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pamamahala ng negosyo at matiyak ang pangmatagalang tagumpay nito.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas sa mga programang nagbibigay ng oportunidad at nagpapalawak ng kabuhayan ng mga Tomasino sa pangunguna nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
25/06/2026
Matagumpay na ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas ang programang “𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻” na sinimulan noong Hunyo 22 at magpapatuloy sa mga susunod pang araw upang maabot ang bawat barangay sa lungsod.
Naisakatuparan ang pamamahagi ng bigas sa pamamagitan ng pondong nagmula sa pambansang pamahalaan na hiniling at isinulong ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, katuwang ang suporta ni Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, upang makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga Tomasinong higit na nangangailangan.
Sa pamamagitan ng programang ito, iba't ibang sektor, lalo na ang mga indibidwal na higit na nangangailangan ng suporta, ang nabigyan ng tulong na makatutugon sa kanilang pangunahing pangangailangan at makapagpapagaan sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Higit pa rito, ang inisyatibang ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan sa paghahatid ng mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
25/06/2026
Mahigit tatlong libong (3,000+) punla ang matagumpay na naitanim sa pakikiisa sa 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝗯𝗼𝗿 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲 noong Hunyo 23, 2026 sa Buffer Zone ng Mt. Makiling, Brgy. San Miguel.
Pinangunahan ito nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalikasan ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas.
Sa pangangasiwa ng City Environment and Natural Resources Office, naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ni Ms Eco Tourism 2026 Liam Paglicawan, kasama ang humigit-kumulang 50 kumpanya, Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, Barangay ENRO, DENR-CENRO Lipa at iba't ibang organisasyon.
Patunay ang gawaing ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan, mas magiging matagumpay ang adhikain ng lungsod na makamit ang isang mas luntian, mas malinis, at mas matatag na kapaligiran para sa lahat ng Tomasino.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
24/06/2026
Sampung pares ng magkasintahan ang opisyal na nagbuklod sa pag-ibig at pangakong panghabambuhay sa isang 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗪𝗲𝗱𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 na pinangunahan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) noong Hunyo 24.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtitibay ng lungsod ang suporta nito sa mga Tomasinong nagnanais magsimula ng bagong yugto ng kanilang buhay nang may pag-ibig, pagkakaisa, at pag-asa para sa mas masiglang kinabukasan.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
24/06/2026
𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀-𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰 | Muling nagpatuloy ang pagbibigay ng libreng medikal na serbisyo gaya ng checkup (Pedia, OB - if available ang doctor), electrocardiogram (ECG), complete blood count (CBC), Chest X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, gamot at dental checkup kasama ang simpleng bunot ng ngipin para sa ating mga kabarangay sa Barangay San Roque, Hunyo 23.
Binibigyang-diin ng proyektong ito ang pangako ng pamahalaan na 𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 katuwang katuwang sila Cong. Ray Reyes ng AnaKalusugan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Sangguniang Panlungsod Members, Dr. Arnielyn A. Marasigan-Aguirre Head of Operations, City Health Office, Sierra Diagnostic Centre, Sierra Eye at mga Barangay Health Workers.
Kalakip din ng programa ang libreng gupit para sa ating mga kabarangay, sa pakikipagtulungan ng City LGBT Council at ang pamamahagi ng tungkod o wheelchair para sa ating mga senior citizens na nangangailangan nito.
Patuloy na isinasagawa ang Aksyon Bilis Mobile Clinic tuwing Martes at Huwebes. Susunod na schedule: Hunyo 25– San Pedro (Primera Subdivision).
#𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁𝗔𝗻𝗴𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗦𝗮𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
24/06/2026
Kaugnay ng pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 “𝗢𝘂𝗿 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝗢𝘂𝗿 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗲𝘁,” matagumpay na isinagawa ng City Environment and Natural Resources Office, ang 𝗘𝗰𝗼 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺: 𝗔 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗼𝗻 𝗥𝗲𝗻𝗲𝘄𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗹𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 noong Hunyo 23, 2026 sa SM City Sto Tomas.
Pinagkaisahan ng mga kinatawan mula sa pribadong sektor, mga youth leaders, at mga kawani ng City ENRO ang pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa renewable energy at mga konkretong hakbang laban sa climate change.
Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman sina Ms. Ina Guillermo at Mr. Kyle Joseph Quijano, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa isang mas malinis at mas sustainable na kinabukasan.
Patunay ang gawaing ito sa patuloy na pagsusulong ng Lungsod ng Sto. Tomas ng mga programang pangkalikasan tungo sa isang mas luntiang lungsod, sa patuloy na suporta nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼
23/06/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗜𝗖𝗧 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲, nagsagawa ang DICT Batangas Provincial Office, katuwang ang City Management Information System ng lungsod, ng online information session na may temang “𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗚𝗮𝗽: 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀’ 𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗠𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲” noong Hunyo 19, 2026.
Dinaluhan ito ng 209 City Scholars na nabigyan ng mahahalagang kaalaman tungkol sa digital skills, makabagong teknolohiya, at mga kakayahang kinakailangan upang maging handa sa mga hamon ng makabagong mundo ng trabaho.
Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DICT at ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, na ihanda ang kabataan para sa matagumpay na akademiko at propesyonal na kinabukasan.
https://www.facebook.com/share/p/1HV489NR2z/
23/06/2026
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng mga programang pangkalikasan sa lungsod, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office ng 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗼𝗻 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 noong Hunyo 19, 2026, na dinaluhan ng humigit-kumulang 50 kinatawan mula sa iba't ibang komersyal na establisyemento sa Lungsod ng Sto. Tomas.
Tinalakay ni Engr. Maricel B. Bongares, EMS I ng SWM Section ng City ENRO, ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang konsepto ng Circular Economy, na nagsusulong ng pagbabawas ng basura, pagrerecycle, at mas responsableng paggamit ng mga likas na yaman.
Samantala, ibinahagi ni Engr. Zarah Mae A. Lascano, EMS II ng SWM Section ng DENR-EMB, ang mga pangunahing probisyon ng Republic Act No. 11898 o Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022, na naglalayong palakasin ang pananagutan ng mga negosyo sa wastong pamamahala ng kanilang plastic packaging waste.
Ipinakikita ng gawaing ito ang patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa pagsusulong ng mas malinis, mas luntian, at mas napapanatiling lokal na pamahalaan, sa patuloy na suporta nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at ng Sangguniang Panlungsod Members.
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼