14/10/2026
Magandang Araw!
Ipinapaabot po namin sa mga mamamayan ng Barangay San Rafael ang paanyayang ito para sa darating na 2nd Semester Barangay Assembly Day ng ating barangay sa:
KAILAN: Oktubre 18, 2026 (Linggo)
ORAS: 1:00 pm
SAAN: Barangay San Rafael Covered Court, Sunrise Village, San Rafael, Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas
Ang inyong pagdalo sa gawaing ito ay mahalaga upang kayo'y maging bahagi ng mga mahahalagang usapin at desisyon para sa kabutihan ng ating barangay.
Ang inyong pakikiisa at pakikilahok ay lubos naming hinahangad. Maraming salamat po at umaasa kami sa inyong aktibong partisipasyon.