03/03/2026
𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆! 🎉🌟
Patunay na kapag may malasakit at aktibong pakikilahok, nagiging makabuluhan ang bawat hakbang tungo sa pag-unlad ng barangay. Mas pinipili nating maging mabuti, makatao, at may malasakit, sapagkat mas 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮. Pinagtitibay natin ang pamamahalang malinaw, tapat, at nakatuon sa kapakanan ng lahat, kung saan ang tiwala at integridad ay pinangangalagaan.❤️🤝
Maraming salamat sa inyong presensya at patuloy na paggabay sa aming paglilingkod. Nananatili kaming 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴, 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗻, 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆.❤️
12/01/2026
𝗔𝗯𝗶𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆❗️
Ipinapaalam po namin na pansamantalang hindi gumagana ang ilang streetlights sa ating barangay dahil sa electrical fault o short-circuited na mga linya. Humihingi po kami ng pang-unawa at pasensya habang isinasagawa ang pagkukumpuni ng mga nasirang linya. Ang inyong barangay ay patuloy na nagsisikap upang maibalik sa maayos na serbisyo ang mga ilaw sa lalong madaling panahon. 🤝
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan at pag-unawa.❤️
31/12/2025
𝗠𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻, 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼! ✨
Marami tayong pinagdaanan at mas marami tayong nagawa bilang isang barangay, mga proyektong naghatid ng serbisyo, mga programang nagbigay-lakas ng loob, at mga hakbang na nagbukas ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabarangay.❤️
Sa bawat tagumpay, nandoon ang pagtutulungan ng bawat kabarangay. Sa bawat pagsubok, pinili nating magpakatatag, at magpatuloy. Habang tinatapos natin ang 2025 at sinasalubong ang 2026, dala natin ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta, nakilahok, at naniwala sa ating sama-samang layunin.🌟
Nawa’y maging mas masagana, mas mapayapa, at mas puno ng pag-asa ang bagong taon para sa bawat pamilya. Bitbit natin ang pasasalamat at panibagong pag-asa para sa mas maunlad na barangay.❤️🙌🏻
𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹, 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁!❤️🥳
31/12/2025
𝗜𝗻𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝘂𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻!🎆
Isang simpleng fireworks display handog para sa ating mga kabarangay ng San Antonio.
📅 Disyembre 31, 2025 | ⏰ 10:30 ng gabi
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁!
25/12/2025
𝗣𝗮𝗺𝗮𝘀𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆!🎄🌟
Mas lalo pang naging makabuluhan ang Pasko dahil sa diwa ng 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻. Muling pinatunayan na ang 𝗯𝘂𝘄𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝘄𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻.❤️
𝟮,𝟬𝟬𝟬 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀, mga pamilyang may ngiti sa kabila ng pagsubok, at mga pusong muling napuno ng lakas at pag-asa.❤️⭐️
Maraming salamat sa patuloy na tiwala at pakikiisa. Sa panahong ito ng pagbibigayan, ipagpatuloy natin ang tapat na paglilingkod at sama-samang pag-angat ng ating barangay.🙌🏻✨
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁.🎄❤️
19/12/2025
𝗗𝘂𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝗮𝗺𝗼𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼. Ito na po ang 𝗶𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗲𝘀𝗲𝘀 ng pamamahagi ng gamot bilang bahagi ng ating patuloy na programa para sa mas maayos na kalusugan ng buong barangay.
Serbisyong may malasakit, mula bata hanggang nakatatanda. ❤️
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔‼️
✅ Limitado lamang ang suplay kaya’t first come, first served ang pamamahagi.
✅ Para sa mga maintenance na gamot, kinakailangang magdala ng reseta at health booklet bilang patunay na ito ay regular na iniinom.
✅ Para sa antibiotic, obligado rin ang reseta.
📅 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼, 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝟮:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa. 🙏
19/11/2025
Malapit na mga kabarangay! 🙏
13/11/2025
Kasalukuyan pong umiikot ang Panelco III sa ating barangay para i-restore ang kuryente.
Mangyaring magpasensya at mag-ingat habang isinasagawa ang pagkukumpuni. ⚡️
09/11/2025
🚨 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦 🚨
Maging handa sa anumang sakuna o pangangailangan. Maaari ninyong tawagan ang mga numerong ito 24/7 para sa agarang tulong:
📞 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲: 911
📍 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢
• 0998-584-6867
• 0918-934-5754
📍 𝗦𝘁𝗼. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢
• 0945-833-8711
👮 𝗦𝘁𝗼. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀 𝗣𝗡𝗣
• 0907-206-8869
🔥 𝗦𝘁𝗼. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀 𝗕𝗙𝗣
• 0927-617-2817
🏘️ 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢
• 0931-783-0488
👤 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗖𝗩𝗢
• 0907-599-6405
⸻
Mahalagang may naka-save na emergency contacts upang makaiwas sa panic at delay sa oras ng pangangailangan. I-save, i-share, at ingatan! ❤️
23/10/2025
𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼!🤝❤️
Patuloy ang ating barangay sa pagpapaunlad ng mga pasilidad para sa mas maginhawang paggamit ng ating mga kabarangay.✨💪
Ang 𝗕𝗶𝗱𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗕𝗔𝗖) ay magsasagawa ng mga aktibidad kaugnay ng “𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗴𝗲” na pinondohan mula sa 𝟮𝟬% 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝘂𝗻𝗱.
🗓️ 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗶𝗻:
• 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗕𝗶𝗱𝘀: Oktubre 29, 2025 – 10:00 AM
• 𝗕𝗶𝗱 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻: Oktubre 30, 2025 – 10:00 AM
• 𝗣𝗼𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗹𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻: Oktubre 31, 2025 – 10:00 AM
📍 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗮𝘆 𝗴𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗛𝗮𝗹𝗹, 𝗦𝘁𝗼. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀, 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻
Isang hakbang tungo sa mas maunlad at mas maayos na Barangay San Antonio!❤️🌟