06/12/2025
๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐! ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ผ๐น๐๐ป ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ง๐ผ๐บ๐ฎ๐!
โ
โIsang taos-pusong Pagbati sa Lokal na Pamahalaan ng Santo Tomas!
โ
โAng inyong dedikasyon at paglilingkod ay kinilala sa prestihiyosong ๐๐ผ๐น๐๐ป ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ na ginanap sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan, kung saan kayo ay tinanghal na Kampeon!
โAng matagumpay na pagkamit ng parangal na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at matatag na pangako sa komunidad.
โ
โkasama natin ang SANGGUNIANG BAYAN sa pangunguna ni ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ง๐ถ๐บ๐ผ๐๐ฒ๐ผ '๐๐ถ๐ฐ๐ธ' ๐ฆ. ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ฟ ๐๐๐, sa Santo Tomas OFW Family Association sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Marites Notario, at kay Ms. Lea Hullana, Migrant Desk Officer ng Santo Tomas, para sa pagiging kampeon sa prestihiyosong Bolun Awards 2025!
06/12/2025
Ang init ng Governors' Cup ay muling nagbabalik! Ngayon na ang oras para ipakita ang ating pagkakaisa at buong-pusong suporta sa ating paboritong koponan. Samahan natin sila sa pag-abot ng kampeonato!
โ
โ๐AMANG TIMOT PEOPLE'S CIVIC AUDITORIUM, SANTO TOMAS PANGASINAN
๐4:30pm
02/12/2025
Maligayang pagbati, Santo Tomas, Pangasinan!
Muling kinilala ang ating dedikasyon at sipag sa pamamagitan ng mga prestihiyosong parangal mula sa DSWD.
Isang taos-pusong pagpupugay sa napakahusay na pamumuno nina Mayor Dickerson D. Villar at Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III, na patuloy na nagbibigay ng malinaw na direksyon at tunay na malasakit para sa ikauunlad ng bayan.
Lubos din ang pasasalamat sa masisipag at tapat na kawaniโ MSWDO Michelle Mones, Municipal Links Howe Florjezzelou Ortiz-Tomacder at Donna Sapera, at Ms. Marites Flores at iba pa nilang kasamahan para sa kanilang walang sawang serbisyo, dedikasyon, at malasakit sa mga mamamayan ng Santo Tomas.
Mabuhay, Santo Tomas!
21/11/2025
๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ง๐, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก!
Nakiisa po tayo sa pagdiriwang ng ika-33 National Childrenโs Month! Patuloy nating isusulong ang karapatan at kapakanan ng ating mga bata. Sila ang pag-asa ng bayan!
Sa 33rd National Childrenโs Month Celebration, iniharap natin ang mga pangunahing update sa kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng mga batang Tomasiรฑo.
14/11/2025
Sa pangunguna ni Mayor Dickerson D. Villar, kasama si Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III, personal silang nag-abot ng mga wheelchair sa mga kababayan nating nangangailangan mula sa ibaโt ibang barangay.
Isang patunay ito ng kanilang tunay na malasakit at hangarin na maibsan ang hirap at mapagaan ang araw-araw na pamumuhay ng mga Tomasian na may limitasyon sa paggalaw. Ang simpleng handog na ito mula sa kanilang puso ay naglalayong magbigay ng pag-asa, ginhawa, at dagdag-lakas ng loob sa ating mga kababayan.
13/11/2025
Pinangunahan ni Mayor Dickerson D. Villar ang pamamahagi ng mga gripo sa ilang residente ng Santo Tomas bilang bahagi ng programa ng Lokal na Pamahalaan na layuning mapabuti ang suplay ng malinis na tubig sa mga kabahayan.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng LGU Santo Tomas na matiyak ang pantay-pantay na distribusyon ng tubig sa bawat komunidad โ isang hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at komportableng pamumuhay para sa lahat ng Tomasino.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, pinatitibay ni Mayor Villar ang adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa maaasahang serbisyo publiko at patuloy na pagpapaunlad ng mga pangunahing pasilidad sa bayan.
09/11/2025
Patuloy ang pag-iikot ni Mayor Dickerson D. Villar sa ibaโt ibang barangay at evacuation centers kasama ang PNP, BFP, mga opisyal ng barangay, at ang rescue team upang personal na magmonitor, tumugon, at tiyakin ang kaligtasan ng bawat Tomasino sa kabila ng kawalan ng kuryente at hamon ng panahon. Si Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III naman ay mahigpit ding nagmomonitor upang matiyak na naipararating ang lahat ng kinakailangang tulong sa mga apektadong residente. Kasabay nito ang patuloy na pamamahagi ni Mayor Villar ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga evacuees.
Ang hakbang na ito ay patunay ng malasakit at aktibong pamumuno nina Mayor Villar at Vice Mayor Villar. Sa pamamagitan ng kanilang presensya, koordinasyon, at maagap na pagtugonโkasama ang dedikadong serbisyo ng PNP, BFP, mga opisyal ng barangay, at rescue teamโnabibigyan ng kapanatagan at inspirasyon ang mga residente na harapin ang kalamidad nang may pag-asa at tiwala sa kanilang lokal na pamahalaan.
07/11/2025
Si Mayor Dickerson D. Villar at Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III ay nagpaabot ng taos-pusong malasakit kay Arturo Estrada ng Brgy. San Agustin, na nawalan ng tahanan dahil sa isang sunog. Bilang patunay ng tunay na paglilingkod publiko, personal nilang pinondohan at tinulungan si Arturo na muling magpatayo ng isang munting tahanan โ kumpleto sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng k**a, unan, kutson, folding bed, kabinet, mesa at upuan, pati na rin mga suplay ng pagkain. Binigyan din si Arturo ng libreng gupit bilang simbolo ng kanyang panibagong simula, at ilang kapitbahay niya ay nabigyan din ng food packs.
Ang ganitong walang pag-iimbot na kabutihan, na ginawa nang tahimik at taos-puso, ay sumasalamin sa tunay na malasakit at empatiya nina Mayor Villar at Vice Mayor Villar para sa kanilang mga kababayan. Ang kanilang paglilingkod ay higit pa sa tungkulin โ ito ay isang bokasyong nakaugat sa malasakit. Malapit na ring mailagay ang solar lights sa loob at labas ng tahanan ni Arturo, na patunay na ang pamumunong may puso ay tunay na nakapagpapabago ng buhay.
06/11/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐)!
Ang Pamahalaang Lokal ng Santo Tomas, Pangasinan, sa pamumuno nina Mayor Dickerson D. Villar at Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III, ay buong pagmamalaking ibinabahagi ang pagkakamit ng apat na beses na karangalan bilang tatanggap ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) โ isang patunay ng kahusayan, katapatan, at pananagutan sa paglilingkod bayan.
Unang natamo ng Santo Tomas ang SGLG noong 2015 sa ilalim ng pamumuno ni nooโy Mayor, ngayoโy Vice Mayor Timoteo โDickโ S. Villar III. Muling nakamit ang parangal noong 2022, na siyang taon ng transition of leadership mula kay Mayor Timoteo Villar patungo kay Mayor Dickerson Villar โ isang patunay ng tuloy-tuloy na mabuting pamamahala sa pagitan ng dalawang administrasyon. Nasundan ito ng magkasunod na parangal noong 2023 at 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dickerson Villar.
Ang patuloy na pagkilalang ito ay sumasagisag sa di-matitinag na dedikasyon ng LGU sa tapat, mahusay, at makataong pamamahala, na naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyal ng munisipyo, MLGOO Malou Ortiz, mga opisyal ng barangay, mga pinuno ng departamento, DepEd, CSOs, pribadong sektor, at ng buong komunidad ng Santo Tomas.