DSWD Pantawid Sapian

Directions

DSWD Pantawid Sapian DSWD Pantawid Sapian

MAGANDANG BALITA! Kung kabilang ka sa mga mahihirap, near-poor at may mababang kita na households, may hatid na ginhawa ...
30/07/2026

MAGANDANG BALITA! Kung kabilang ka sa mga mahihirap, near-poor at may mababang kita na households, may hatid na ginhawa ang pamahalaan para sa iyo!

Inilunsad ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance ngayong Hulyo 16 (Huwebes) para maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at patatagin ang ekonomiya ng bansa.

Alamin kung para kanino nga ba ang programa na magbibigay ng agarang tulong mula sa DSWD at sa iba pang ahensya ng pamahalaan. 🤔

Don’t forget to follow our official page for further announcements and information!

❤️

𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐇𝐀𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐖𝐈𝐃 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 (4𝐏𝐬) 𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐓𝐎𝐌 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐌𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡...
30/07/2026

𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐇𝐀𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐖𝐈𝐃 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 (4𝐏𝐬) 𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐓𝐎𝐌 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌

𝐌𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐠 4𝐏𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐭𝐨𝐦 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬:

Batid natin na maraming pamilya ang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin dahil sa Middle East conflict.

𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐝𝐢𝐭𝐨, 𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐅𝐞𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝 𝐑. 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨𝐬 𝐉𝐫. 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐡𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐛𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐏𝐚𝐜𝐤𝐚𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝𝐬, 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲, 𝐅𝐨𝐨𝐝, 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 (𝐔𝐏𝐋𝐈𝐅𝐓) 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞.

Ang UPLIFT Assistance ay ang konkretong direktiba ng ating Pangulo na karagdagang tulong sa pinakaapektado ng energy emergency, lalong-lalo na ang pinakamahihirap at bulnerableng pamilyang Pilipino. Sa ilalim ng UPLIFT Assistance, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program ay 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐬𝐞𝐬 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐩-𝐮𝐩 𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐬𝐨 (₱2,000.00).

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 4𝐏𝐬, 𝐢𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐫𝐞𝐤𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐛𝐚𝐧𝐤 𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐨 𝐫𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐞-𝐰𝐚𝐥𝐥𝐞𝐭. Para sa mga bagong rehistradong benepisyaryo, ang tulong ay ibibigay via over-the-counter payout sa mga itatalagang LandBank Servicing Branches sa oras na maging available ang inyong account details.

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐭𝐨𝐦 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐩𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐨𝐝 𝐫𝐞𝐝𝐞𝐦𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲.

Ang plano natin ay maumpisahan ang pagbibigay ng dagdag tulong ngayong Hulyo 2026, ngunit maaaring iba-iba ang iskedyul ng pamamahagi depende sa inyong lugar. Maglalabas ng anunsyo ang DSWD at ang pamunuan ng inyong programa para sa petsa o lugar ng payout.

Kaugnay nito, ipinapaalala ko rin ang mga sumusunod:

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞 𝐚𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐝
Hindi kailangang magrehistro o magbayad para sa UPLIFT Assistance.

𝐈-𝐬𝐞𝐜𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭
Huwag ibahagi ang inyong account details gaya ng PIN o One-Time Password (OTP).

𝐈𝐰𝐚𝐬-𝐬𝐜𝐚𝐦
Mag-ingat sa mga pekeng text o posts. Magtiwala lamang sa opisyal na anunsyo ng DSWD, 4Ps at Walang Gutom Program.

Bilang panghuli, nais sabihin ng ating Pangulo sa inyo na ang kanyang liderato ay patuloy na kikilos para sa kapakanan ng bawat Pilipino anumang pagsubok o suliranin ang kinakaharap ng ating bayan. Walang maiiwan sa serbisyo ng pamahalaan.

Maraming salamat at makaaasa kayo na ang DSWD ay laging handang magbigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo.

Lubos na gumagalang,

𝐑𝐄𝐗 𝐆𝐀𝐓𝐂𝐇𝐀𝐋𝐈𝐀𝐍
Secretary
Department of Social Welfare and Development

❤️

Kailan Magsisimula ang Payout ng UPLIFT Assistance? 🤔👇Narito ang mahahalagang detalye tungkol sa Unified Package for Liv...
30/07/2026

Kailan Magsisimula ang Payout ng UPLIFT Assistance? 🤔👇

Narito ang mahahalagang detalye tungkol sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance, kabilang ang payout schedule para sa bawat beneficiary group.

Ang UPLIFT Assistance ay inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng karagdagang suporta sa mga poor, near-poor at low-income households sa gitna ng energy emergency at mapanatili ang kanilang purchasing power.

Para sa iba pang impormasyon at mga susunod na anunsyo, i-follow ang aming official page .

🔗 Kaugnay na post: https://www.facebook.com/share/p/189e9qH3LL/?mibextid=wwXIfr

❤️

UPLIFT Assistance FAQs 💡❓ | Bakit Php2,000 ang halaga ng UPLIFT Assistance?Narito ang sagot sa isa sa mga madalas na ita...
30/07/2026

UPLIFT Assistance FAQs 💡❓ | Bakit Php2,000 ang halaga ng UPLIFT Assistance?

Narito ang sagot sa isa sa mga madalas na itanong tungkol sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance.

Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makatulong sa mga poor, near-poor at low-income households na maharap ang epekto ng energy emergency at mapanatili ang kanilang kakayahang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Para sa iba pang impormasyon at mga susunod na anunsyo, i-follow ang aming official page .

🔗 Kaugnay na detalye: https://www.facebook.com/share/p/189e9qH3LL/?mibextid=wwXIfr

https://www.facebook.com/share/1CzQtHZzf8/?mibextid=wwXIfr

❤️

⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️Mag-ingat sa mga email o text messages na nagsasabing ikaw ay kwalipikado sa UPLIFT Assistance.Par...
30/07/2026

⚠️PABATID SA PUBLIKO⚠️

Mag-ingat sa mga email o text messages na nagsasabing ikaw ay kwalipikado sa UPLIFT Assistance.

Para sa Group 3 beneficiaries, ang opisyal na abiso ay magmumula lamang sa Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng My.SSS account. Hindi kailanman magpapadala ang SSS ng mga link o hihingi ng inyong OTP at iba pang personal na impormasyon sa pamamagitan ng anumang messaging app.

Maging mapanuri at huwag basta-bastang mag-click ng mga link mula sa kahina-hinalang source. Para sa tamang impormasyon, i-follow ang page ng SSS at DSWD sa .

❤️

BABALA!

Mag-ingat sa mga email o text messages na matatanggap na nagsasabi na ikaw ay kwalipikado sa UPLIFT Program.

Ang SSS ay magpapadala ng official notification diretso sa My.SSS account. Hindi kami magpapadala ng link, tatawag o manghihingi ng OTP sa email, SMS o anumang messaging apps.

⬇️
30/07/2026

⬇️

KATOTOHANAN SA BATAS PARA SA MGA BATA NA LUMALABAG SA BATASMaraming maling akala tungkol sa Juvenile Justice and Welfare...
30/06/2026

KATOTOHANAN SA BATAS PARA SA MGA BATA NA LUMALABAG SA BATAS

Maraming maling akala tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act. Ang batas na ito ay hindi nagbibigay ng "special treatment" o nagpapalaya sa mga batang lumabag sa batas. Sa halip, kinikilala nito ang kanilang antas ng pag-unlad at itinataguyod ang pananagutan kasabay ng rehabilitasyon, paggabay at pagbabalik sa pamilya at komunidad para maiwasan ang muling paglabag.

Alamin ang mga katotohanan at maging bahagi ng pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa batas.

❤️

25/06/2026
📣📣📣
30/05/2026

📣📣📣

📢 PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps 📢

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.

Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.

Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

💙 Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.





Address

Brgy. Poblacion
Sapi-an
5806

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Pantawid Sapian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share