09/10/2026
โโโโโโโโโโโโโโโโโโโโ
โจ๐ ๐ด๐จ๐ณ๐ผ๐ฎ๐ถ๐ซ ๐ต๐จ ๐ท๐จ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ป๐ฐ! ๐โจ
โโโโโโโโโโโโโโโโโโโโ
๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข, ๐๐๐ฏ๐๐จ ๐๐๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐
Buong pagmamalaking ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Sarangani ang pagkilala bilang ๐ป๐๐ 1 sa tatlong munisipalidad sa Davao Region na may pinakamataas na percentage-point reduction sa prevalence ng stunting sa mga batang preschool.
Bilang pagkilala sa natatanging tagumpay na ito, ginawaran ang Bayan ng Sarangani ng PAG-ASA Award para sa Stunting (Highest Percentage Change), Municipal Level sa isinagawang 2026 Regional Nutrition Awarding Ceremony.
Ang parangal ay dinaluhan at tinanggap ng ating Municipal Nutrition Action Officer (MNAO), Engr. Rachel Lee C. Reynado, REE, EnP at ng Kalihim ng Tanggapan ng Punong Bayan, Bb. Eanne Fiona Guardados, bilang mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Sarangani.
Taos-pusong pasasalamat sa National Nutrition Council Davao Region sa paggawad ng prestihiyosong pagkilalang ito at sa kanilang patuloy na paggabay, suporta, at pakikipagtulungan sa pagpapaigting ng mga programang pangnutrisyon sa ating bayan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-sama at walang sawang pagkilos ng Pamahalaang Bayan ng Sarangani, Sangguniang Bayan, Barangay Nutrition Committees, Barangay Nutrition Scholars, mga health at nutrition workers, mga katuwang na ahensya, mga magulang, at ng buong pamayanan.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating palakasin ang mga hakbang laban sa stunting at matiyak na ang bawat batang Saranganian ay lumalaki nang malusog, masigla, at may sapat na nutrisyon.
๐
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐ง๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฆ๐kamit ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ!