09/11/2026
BENCHMARKING ACTIVITY | SANGGUNIANG BAYAN NG SARIAYA
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas episyente, moderno, at makabagong serbisyong pambayan, nagsagawa ng benchmarking activity ang Sangguniang Bayan ng Sariaya, Quezon sa Sangguniang Bayan ng Santa Cruz, Laguna ngayong Nobyembre 9, 2026.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Vice Mayor Arlene M. Genove, kasama sina mga kagalang-galang na konsehal ng bayan na sina Hon. Joel N. Cambel, Hon. Vince Rudolph E. Alcala, Hon. Teodorico G. De la Peña, at Hon. Ryan C. Decena, gayundin ang mga kawani ng Sangguniang Bayan Secretariat.
Tinalakay at pinag-aralan sa nasabing benchmarking activity ang mga makabagong sistema at best practices ng Sangguniang Bayan ng Santa Cruz, partikular ang Paperless Sangguniang Bayan, E-Legislative Tracking System, at Records Management.
Layunin ng gawaing ito na makakuha ng mahahalagang kaalaman at makabuluhang pamamaraan na maaaring maiangkop at maisakatuparan sa Sangguniang Bayan ng Sariaya tungo sa mas mabilis, maayos, transparent, at mahusay na serbisyong pambayan.