Sigla at Saya Talaan Aplaya

Call Directions Contact the organization

Sigla at Saya Talaan Aplaya [ The Official page of Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya ]

🚒 BARANGAY FIRE OLYMPICS 2026 🏆Buong pagmamalaking nakiisa ang Barangay Talaan Aplaya sa katatapos lamang na Barangay Fi...
15/10/2026

🚒 BARANGAY FIRE OLYMPICS 2026 🏆

Buong pagmamalaking nakiisa ang Barangay Talaan Aplaya sa katatapos lamang na Barangay Fire Olympics 2026 na ginanap ngayong Oktubre 15, 2026, sa Sariaya Agri-Trading Center, Sampaloc 2, Sariaya, Quezon.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Sariaya Fire Station, sa pamumuno ni Sariaya Fire Marshal Edwin Emradura, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Sariaya, sa pamumuno ni Hepe Sinforoso Martinez Jr.

Nilahukan ito ng walong (8) barangay, kabilang ang Morong, Castañas, Bignay 1, Poblacion 1, Manggalang 1, Guis-Guis Talon, Guis-Guis San Roque, at Talaan Aplaya.

Sa apat na (4) paligsahang ginanap, nagtagisan ang mga kalahok ng lakas, bilis, husay, at diskarte, na nagpakita ng kahalagahan ng kahandaan, pagtutulungan, at pagkakaisa sa pagharap sa mga sitwasyong may kaugnayan sa sunog.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, buong karangalang nakamit ng ating Barangay Talaan Aplaya ang IKA-2 PUWESTO! 🥈 Isang tagumpay na sumasalamin sa dedikasyon, disiplina, at pagkakaisa ng ating Team.

Taos-pusong pasasalamat sa ating magilas na Punong Barangay, Kap. Julio De Leon , sa kanyang walang sawang suporta, at kay Hepe Lagrazon Adrian , na nanguna bilang Team Coach at gumabay sa ating grupo.

Gayundin, ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating Ina ng Bayan ng Sariaya, Mayor Marivic T. Gayeta , sa kanyang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod at suporta sa mga programang nagtataguyod ng kaligtasan, kahandaan, at pagkakaisa ng bawat barangay.

Muli, binabati natin ang buong koponan ng Barangay Talaan Aplaya sa ipinamalas na husay at karangalang naihatid sa ating barangay! 👏

Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa! 🚒🔥






PABATID PO📌
20/09/2026

PABATID PO📌

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT
Source : Local Civil Registry Office

NATIONAL ID REGISTRATION AND VERIFICATION

Tuloy ang National ID Registration and Verification sa mga sumusunod na petsa:

OFFICIAL SCHEDULE
September 24-25, 2026
& October 8-9, 2026
8:00AM - 5:00PM

1st Floor, Local Civil Registry Office, Municipal Hall, Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon

Para sa iba pang impormasyon, manatiling nakatutok sa opisyal
na social media page ng Pamahalaang Lokal ng Sariaya.




Mayor Marivic Gayeta
Mayor Marivic T. Gayeta
Vice Mayor Arlene Genove
Sangguniang Bayan ng Sariaya
Sariaya - Office of the Mayor
Sariaya - Office of the Municipal Administrator
HRMO Sariaya
PESO Sariaya
Sariaya - Budget Office
MISTU Sariaya
Sariaya - OMPDC
Sariaya MEO - Municipal Engineering Office
Sariaya Accounting
Sariaya Gso
Sariaya Agriculture
Sariaya Bplo
Office of the Secretary to the Sanggunian - Sariaya
Sariaya Waterworks System Office
Sariaya Municipal Cooperative Development Office
Sariaya Mdrrmo
Sariaya Menro
MTO Sariaya
PMSO Sariaya
Sariaya MSWD
Sariaya - MGAD
Sariaya Tourism Culture and the Arts Office
Sariaya Municipal Assessor
Sariaya Rural Health Unit
Sariaya- Municipal Nutrition Action Office
Radyo Kaisahan 107.7 FM - Sariaya, Quezon

27/08/2026
Sa kabila ng maulang panahon ngayong araw Agosto 18, 2026, isinagawa ang  "Coconut Tree Planting Activity", sa Tala Farm...
18/08/2026

Sa kabila ng maulang panahon ngayong araw Agosto 18, 2026, isinagawa ang "Coconut Tree Planting Activity", sa Tala Farm na pag mamay-ari ni Mr. RTV, sa pakikipagtulungan ni Farm Manager Ms. Jona Rey Valencia sa Sitio Centro Brgy. Talaan Aplaya.

Nakiisa ang Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kgg. Kapitan Julio De Leon, mga maasahang mga Kagawad at mga Brgy. Tanod sa isinagawang Simultaneous Massive Coconut Planting Program ng Philippine Coconut Authority (PCA), bilang bahagi ng pagdiriwang ng "National Coconut Week 2026".

Aktibong nakilahok sa program ang mga kawani ng PCA Region IV - A kasama si Acting Division Chief I Ramonchito F. Castillo sa pakikipagtulungan ni Ms. Jhen Cagitla at ng mga aktibong Samahan ng magniniyug TACFA - Talaan Aplaya Coconut Farmer Association sa pangunguna ni Pangulo Myrna Trinidad Velena .

Nagbigay din ng mensahe ng suporta si G. Victorio Armamento bilang kinatawan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Marivic T. Gayeta .

🌴🥥 Layunin ng programa na suportahan ang pagpapaunlad ng industriya ng niyog, pangalagaan ang kalikasan, at makiisa sa layuning “Regenerating the Coconut Economy, Future-Proofing the Coconut Value Chain.”
Kaisa tayo sa pag-unlad ng PCA, kaisa tayo sa pag-unlad ng industriya ng niyog! 💚🌴




📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY NA PWD! ♿💙Narito po ang mga requirements para sa New/Renewal at Replacement ng PWD ID ...
12/08/2026

📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY NA PWD! ♿💙

Narito po ang mga requirements para sa New/Renewal at Replacement ng PWD ID sa Sariaya, Quezon.

📌 Para sa New/Renewal Application:
• Barangay Residency
• Recent 1x1 ID Picture – 2 pcs.
• Photocopy ng Birth Certificate o anumang Valid ID
• Certificate of Disability mula sa attending physician na nagsasaad ng uri ng kapansanan

📌 Para sa Replacement: • Original PWD ID kung damaged
• Affidavit of Loss kung nawala
• Valid ID
• Iba pang supporting documents

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa ating PWD Barangay President, Rafael Bascoguin bumisita sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Sariaya, o tumawag sa 0950-239-3637.

💙 Ibahagi ang post na ito upang makatulong na maipaalam sa ating mga PWD ang mga kinakailangang dokumento.

08/08/2026

LIBRE NA ANG KASAL, hanap na kayo ng inyong papakasalan. 🙈

"OPISYAL NA PANUNUMPA"Opisyal nang nanumpa si Kgg. Michelle De Leon bilang Kagawad ng Barangay Talaan Aplaya sa pangungu...
07/08/2026

"OPISYAL NA PANUNUMPA"

Opisyal nang nanumpa si Kgg. Michelle De Leon bilang Kagawad ng Barangay Talaan Aplaya sa pangunguna ni Mayor Marivic Gayeta.

Siya ang opisyal na humalili sa yumaong Kgg. Epifanio "Jun Jun" De Leon II upang ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod sa mamamayan ng Barangay Talaan Aplaya.

Nawa'y maging gabay ang katapatan, integridad, at malasakit sa kanyang panunungkulan para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating barangay.

PABATID PO MGA KABARANGAY📣📣Ang mga pangalan pong nabanggit sa ibaba ay  ang mga napili para sa UPLIFT Proram na mula sa ...
27/07/2026

PABATID PO MGA KABARANGAY📣📣

Ang mga pangalan pong nabanggit sa ibaba ay ang mga napili para sa UPLIFT Proram na mula sa Tanggapan ng Regional DSWD ang lahat po ng benepisyaryo ay nagmula po sa DSWD at hindi po sa Barangay.

Mga Kinakailangang ihanda:
📌Photocopy ng inyong National ID
📌GCash account

Maaaring pong makipag ugnayan kay Ma'am Peachy Precy Cerrudo ( Day Care Worker) para sa ibang katanungan.

Deadline ng pagpasa: Hanggang Agosto 7, 2026 lamang po.

Salamat po sa inyong kooperasyon😊

🕊️ NAKIKIDALAMHATI🤍🤍🤍 Ang buong Sangguniang Barangay Talaan Aplaya ay taos-pusong nakikidalamhati sa pagpanaw ng aming m...
11/07/2026

🕊️ NAKIKIDALAMHATI🤍🤍🤍

Ang buong Sangguniang Barangay Talaan Aplaya ay taos-pusong nakikidalamhati sa pagpanaw ng aming minamahal na kasamahan sa panunungkulan, Kagawad Epifanio "Jun Jun" De Leon II.

Ang kanyang tapat na paglilingkod, pagmamahal sa barangay, at malasakit sa kapwa ay nag-iwan ng magandang halimbawa at inspirasyon sa aming lahat. Ang kanyang alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa na kanyang napaglingkuran.

Ang aming taos-pusong pakikiramay ay ipinaaabot sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Nawa'y inyong matagpuan ang lakas at kapanatagan sa pagmamahal ng Diyos sa gitna ng panahong ito ng pagdadalamhati.

Maraming salamat sa iyong serbisyo at dedikasyon. Ang iyong alaala ay hindi kailanman malilimutan.

May 18, 1984 – July 9, 2026

"Ang mga mabubuting gawa ay nananatili sa puso ng mga taong iyong napaglingkuran. Maraming salamat, Kagawad Jun Jun. Magpahinga ka na sa piling ng Panginoon." 🕊️🤍

Address

Sariaya
4322

Telephone

+639389487618

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sigla at Saya Talaan Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sigla at Saya Talaan Aplaya:

Shortcuts

Share