08/02/2026
Isinagawa ngayong ika-8 ng Pebrero 2026 sa Silang Municipal Library ang buwanang pagpupulong ng Silang Historical Society na nagbigay-diin hindi lamang sa mahahalagang lektura tungkol sa kasaysayan at pananaliksik, kundi pati sa patuloy na pagsuporta sa ating Aklatang Bayan.
Lubos ang aming pasasalamat sa Silang Historical Society sa sa pamumuno ni G. Philip Medina (Pangulo ng SHS) sa mga bagong donasyong aklat, journal, at iba pang materyales na malaking ambag sa pagpapalawak ng lokal na kaalaman at sa pagpapanatili ng ating pamanang pangkasaysayan. Ang mga donasyong ito ay magsisilbing mahalagang sanggunian para sa mga mananaliksik, mag-aaral, at sa buong komunidad ng Silang.
Maraming salamat kina Prop. Teresita Unabia, Bernard Salazar sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa pagpapaunlad ng ating aklatan at sa pangangalaga ng ating kasaysayan. π
25/11/2025
π Ang Silang Municipal Library ay Nakatanggap ng 70 Kahon ng mga Aklat mula sa SM Cares β Bacoor Branch! π
Ngayong hapon, Nobyembre 25, 2025, ang Silang Municipal Library (SML) ay buong pusong tumanggap ng 70 kahon ng ibaβt ibang klase ng mga aklat na ibinigay sa pamamagitan ng SM Cares Book Donation Drive, isang proyekto ng National Library of the Philippines (NLP) sa pakikipagtulungan ng SM Cares.
Ipinagpapasalamat din namin ang presensya ng ating masipag at kagalang-galang na Bise Alkalde, Hon. Crispin Reyes, na nakadalo upang tanggapin ang mga mahahalagang donasyong ito.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa NLP at SM Cares Bacoor Branch sa paglahok at pagsama sa Silang Municipal Library sa makabuluhang proyektong ito. Ang inyong kabutihang loob ay nagbibigay-lakas sa aming misyon na patuloy na magsilbi sa komunidad sa pamamagitan ng de-kalidad na serbisyo ng aklatan.
πβ€οΈ Sama-sama nating paunlarin at palaganapin ang kultura ng pagbabasa sa Silang!
04/08/2025
Hi mga ka-historiaa~ π Alam niyo ba, nagsimula ang History Week nung 1974 (Sept 15β21) thanks kay Pres. Marcos Sr. One week lang siya dati pero dahil ang daming historic events tuwing August (like National Heroes Day, Quezon Day, Ninoy Day, etc.), naging buong History Month na siya!
Noong 2012, si Pres. Noynoy Aquino na mismo ang gumawa ng isang batas (Proclamation No. 339) para gawing ang buwan ng August = History Month. π―
This yearβs theme is about kabataan β tayo na ang mga magiging tagapag-ingat ng kasaysayan. From heroes na bata pa lang, tapang na agad, to todayβs youth na nagsu-support sa culture, nagsu-survey ng history, at nagre-research β saludo sila sa atin! π
Tamang reminder din βto kasi 2025 will be the Year of the Youth in Philippine History. π₯π
"A History Commemorated Is Alive"
11/07/2025
π Library Visit Today!
Masaya po naming ibinabahagi na bumisita ngayong araw sa ating Silang Municipal Library si Hon. Vice Mayor Cris βKidlatβ Reyes.
π Kinamusta po niya ang kalagayan ng ating pampublikong aklatan at personal na nagtanong tungkol sa mga pangangailangan ng library upang mas mapabuti pa ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
π Tiningnan din po niya kung paano tayo nakakatulong sa mga estudyante at iba pang mga gumagamit ng library. Salamat po sa suporta, Vice Mayor!
18/06/2025
π£ POST-ACTIVITY UPDATE | NLP ONLINE MONITORING π£
June 18, 2025
The Silang Municipal Library successfully completed its Online Monitoring Session conducted by Ms. Rhodora Espiritu , Asst Chief of the Public Libraries Division of the National Library of the Philippines (NLP)
This activity is part of the NLP's initiative to assess and support the operations, programs and compliance of the public libraries throughout the Province of Cavite.
We thank the NLP for this meaningful opportunity to reflect on our progress and committment to serve our community with accessible and relevant library services
ππThank You Very Much NLPππ
18/06/2025
π ANNUNSYO AT PAANYAYA π
Mini Book Exhibit sa Silang Municipal Library
Inaanyayahan po ang lahat ng mga SilangueΓ±o na bumisita at saksihan ang Mini Book Exhibit na inilunsad ng Silang Municipal Library katuwang ang Silang Historical Society.
π
Petsa: Hunyo 9β30, 2025
π Lugar: Silang Municipal Library, Silang Cultural Heritage Center
Ang eksibit na ito ay bahagi ng paggunita sa mga makasaysayang selebrasyon ngayong buwan ng Hunyo:
π Silang Day
ποΈ Vito Belarmino Day
π΅π Araw ng Kalayaan
Tampok sa exhibit ang piling aklat at dokumentong tumatalakay sa kasaysayan, kultura, at kabayanihan ng mga SilangueΓ±o.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mas makilala pa ang ating bayan at ang mayamang kasaysayan nito!
π Libreng pagpasok para sa lahat