29/10/2023
Maraming Salamat, mga SK! Ang astig, nakaya natin. ☺️ Salamat sa limang taong pagsesrbisyo ng tapat para sa mga kabataan ng Balubad.
Batch 2018-2023 SK, now signing off.
4/8
PS: These photos were taken last November 29, 2022.
22/09/2023
VOLCANIC SMOG ALERT!
PUBLIC ADVISORY :
Ipinababatid po sa lahat na nakakasaksi ng tila FOG o HAMOG na nasa ating paligid. Ito po ay Volcanic Smog, inaabisuhan na maging mapagmasid at gawin ang mga kaukulang paghahanda patungkol sa ibinubugang usok ng Bulkang Taal na maaring makaapekto sa kalusugan lalot higit sa may kasalukuyang karamdaman.
Ang volcanic smog ay isang mapanganib na kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari itong magdulot ng problema sa paghinga at iba pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.
Narito ang ilang hakbang para pangalagaan ang inyong kalusugan:
1️⃣ Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2️⃣ Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paghinga ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4️⃣ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.
Ang inyong kaligtasan ay mahalaga sa amin. Mangyaring ibahagi ang babalang ito sa inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Magtulungan tayo upang manatiling ligtas.
25/08/2023
"Education is the most powerful weapon which you can use to change the world." -Nelson Mandela.
Naging matagumpay ang pamamahagi ng mga school supplies para sa ating mga mag-aaral sa Junior High School at Senior High School dito sa ating barangay.
Kami po ay labis na nagagalak ng makita ang mga ngiti sa labi ng bawat studyante nakatanggap ng aming simpleng handog sa kanila na makakatulong ngayong darating na pasukan.
Maraming salamat po sa mga taong tumulong sa amin upang maisagawa ang proyektong ito.
Sa mga may STUB pa po at hindi pa nakukuha ang kanilang gamit, magpunta lamang po kay SK Mhary Joy Clet para po makuha niyo ang sa inyo.
Pagpalain pa po tayo ng Poong Maykapal. 😇
18/08/2023
Hello mga kabataan, Mabuhay! 🥰
Excited na ba kayo para bukas? Kita kits tayo. Huwag kakalimutang dalhing ang inyong STUB.
NO STUB. NO SCHOOL SUPPLIES.
See you, there! ☺️
13/08/2023
Isang mapagpalang gabi po!
Sa pangunguna ng ating butihing SK Chairwoman, Mj Clet at sa kanyang mga kasamahan.
Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging parte ng aming paliga ngayong taon.
Unang una na po pinasalamatan namin ang Poong Maykapal na gumabay simula una hanggang sa matapos ito.
Pangalawa po sa tulong ng ating Barangay Captain, Kap. Ernesto Baon and Councils. Maraming Salamat po sa inyo.
Sa Sports Committee Head, Konsi Rolando Comodas sa pagsama sa amin simula sa una hanggang sa matapos po ito. Maraming Salamat po Konsi sa walang sawang pagtulong sa SK.
Sa mga Barangay Tanod po na gabi gabi kaming sinasamahan sa pagbabantay sa court upang makasiguro sa kaligtasan ng bawat isa. Maraming Salamat po sa inyo.
Sa mga referee na mga pumito dito sa amin sa pamumuno ni Kuya Dennis Cordero, Maraming Salamat po sa inyo.
Sa mga kabatan na tumulong sa aming maglinis at mag-ayos ng court. Maraming Salamat sa inyo.
Sa mga Committee members na nagtyaga at palaging anjan tumulong mag-ayos bago magsimula at matapos ang aming palaro. MAaraming Salamat sa suporta niyo. Malaking tulong sa amin iyon.
Sa lahat ng players na nakilahok at nakisaya sa amin, sana ay napasaya namin kayo. Nakakataba ng puso na makarinig ng "SALAMAT PO SK/ MGA SK" Nakakawala ng pagod. Salamat sa pagtyatyga paghihintay at pag-unawa niyo para matapos ang ating. Maraming salamat.
Hindi ganon ka-perfect ang paliga na ito ngunit sana e napasaya namin kayo.
Muli ISANG PAGBATI PARA SA LAHAT NG MGA NANALO.
🏀 KIDS DIVISION 🏀
CHAMPION 🏆 : ANTIKS
1ST 🥇: HUNTERS
2ND 🥈: SAN ANDRES
🏀MIDGET DIVISION 🏀
CHAMPION 🏆: PHILILLIES
1ST🥇: BROS
2ND🥈: SAN ANDRES
🏀JUNIOR DIVISION🏀
CHAMPION 🏆: NEXUS
1ST 🥇: VILLA FERNANDEZ
2ND 🥈 UNDERRATED
🏀SENIOR DIVISION 🏀
CHAMPION 🏆: HOMIES
1ST 🥇: BOOZE AND GLORY
2ND 🥈: ANUVA
MARAMING SALAMAT PO MULI AT PAGPALAIN PA PO TAYO NG MAY KAPAL.
12/08/2023
Magandang Gabi mga Kabataan!
Ilang weeks na lang back to school na! Handa ka na ba? May mga gagamit ka na ba? Kung wala pa, sagot ka namin!
May munting regalo kami para sa inyo. Kaminay magbibigay ng mga ilang school supplies na makakatulong sa inyo.
Magtungo lamang sa ating Barangay Covered sa darating na Sabado, August 19, 2023 sa ganap na alas-dyis ng umaga hanggang alas- dose ng tanghali.
May ipapamigay po kaming STUB kada studyante bukas. Yung mismong studyante po mismo ang kukuha sa amin hindi po pwedeng ipasabay sa iba. Yung may mga stub lamang po ang mabibigyan. salamat po.
Huwag kakalimutang magdala ng ID or anumang katibayan na ikaw ay junior high school or senior high school students.
KITA KITS TAYO!
11/08/2023
Magandang Tanghali po mga ka-barangay!
Ready na ba ang bawat koponan para sa huling pagtatapat para sa tropeyo?
Aling koponan kaya ang magwawagi at mag-uuwi ng tropeyo?
Ang Team Homies ba or Team Booze abd Glory?
Halina't atin pong saksihan ang FINAL GAME sandarating na linggo, Agosto 13, 2023 sa ganap na ikaw 5 ng hapon.
Ihanda na ang mga lalamunan para mai-cheer ang team na gusto niyo.
SEE YOU!
GOOD LUCK AND GOD BLESS. 😇
10/08/2023
Aling koponan kaya ang magwawagi at mag-uuwi ng tropeyo?
Ang Team Kasmayla ba or Team Pirates?
Atin pong saksihan ang GAME 2 bukas , August 11, sa ganap na ika-6 ng gabi.
At kung manalo po ang, Kasmayla bukas, meron po tayong GAME 3 sa Linggo ,August 13, sa ganap na ika-1 ng hapon.
Ihanda na ang mga lalamunan para mai-cheer ang team na gusto niyo.
SEE YOU!
GOOD LUCK AND GOD BLESS. 😇
10/08/2023
Handa na ba ang mga koponan na maghaharap-harap sa darating na Linggo?
Sino kaya ang magwawagi at mag-uuwi ng tropeyo?
Ating saksihan ang Battle for third at Championship Game sa darating na linggo.
Ihanda na ang mga lalamunan para i-cheer ang bawat koponan.
See you on Sunday! ☺️😇