05/06/2026
๐๐จ๐ ๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ ๐๐ฎ๐ง. ๐๐จ๐ ๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ. ๐โโ๏ธ โค๏ธ
Canโt register online? No problem! You can still join Charity Run 2026 in two ways:
Option 1: Register online via our official Google Form.
Option 2: Pay directly to any authorized GEN TED CARRANZA ACTION GROUP member.
๐
Date: July 12, 2026 | Sunday
๐ Venue: New Silang Municipal Grounds
Race Categories:
๐ 3KM โ โฑ350
๐ 5KM โ โฑ350
๐ 10KM โ โฑ450
๐ Student/Youth Promo โ โฑ150 only (must be accompanied by one regular-paying participant)
๐ Inclusions: Event singlet, race bib, certificate, and 10KM finisher medal
Scan the QR code on the poster to register online or choose the in-person option that works best for you.
Letโs run for hope, healing, and our community!
05/06/2026
Tuloy-tuloy pa rin ang ating pagtutok sa pagsasaayos ng Lumang Palengke para sa kapakanan ng mga vendors at mamimili.
Kasunod ng mga napagkasunduan, patuloy nating binabantayan at isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang masig**o ang maayos na kaayusan, tamang sukat ng mga stall, at maluwag na daanan para sa lahat.
Layunin natin na magkaroon ng isang organisado, malinis, at maayos na palengke kung saan pantay na napapangalagaan ang karapatan at kabuhayan ng ating mga vendors habang mas nagiging komportable rin ang pamimili ng ating mga kababayan.
Alinsunod ito sa direktiba ni Mayor Gen. Ted Carranza na patuloy na magbigay ng mga konkretong solusyon para sa mas maayos at mas maunlad na Metro BAYANI.
04/06/2026
LIBRE AT OPEN PARA SA LAHAT NG TAGA METRO BAYANI!
Patuloy nating inilalapit ang mga programang pang-sports para sa ating mga kababayan sa Metro BAYANI sa suporta ni Mayor Gen. Ted Carranza.
โ
FREE Workout para sa Basketball Referees at Table Officials
๐ Brgy. Banaba Covered Court
๐๏ธ June 5, 2026 (Friday)
โฐ 8:00 AM
โ
FREE Volleyball Clinic
๐ Brgy. Ipil 1 Covered Court
๐๏ธ June 6, 2026 (Saturday)
โฐ 8:00 AM
Layunin ng mga programang ito na mahubog ang talento, disiplina, at sportsmanship ng ating mga kabataan at mga nagnanais matuto sa larangan ng sports officiating at volleyball.
๐ข Walang registration fee. Walang bayad. Bukas sa lahat ng residente ng Metro BAYANI.
Kung nais mong matuto, magkaroon ng bagong kaalaman, at maging bahagi ng ating lumalaking sports community, ito na ang pagkakataon mo!
Mag-message lamang sa ating page para sa karagdagang impormasyon. Kita-kits tayo!
04/06/2026
Ngayong araw ay nakiisa ang ating Municipal Extension Office sa Brigada Eskwela ng Bulihan Integrated National High School bilang suporta sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Naniniwala tayo na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, masisig**o nating magiging maayos, ligtas, at handa ang ating mga paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa pamunuan ng Bulihan Integrated National High School, mga g**o, magulang, volunteers, at sa lahat ng nakibahagi sa gawaing ito. Sa suporta ni Mayor Gen. Ted Carranza, patuloy tayong makikiisa sa mga programang para sa kapakanan ng ating mga kabataan.
04/06/2026
Matapos ang serye ng pagpupulong, konsultasyon, at pagbuo ng mga kasunduan kasama ang mga vendors ng Lumang Palengke, agad namang nagsagawa ng pagsukat at implementasyon ang Municipal Extension Office katuwang ang Engineering Office upang maisakatuparan ang mga napagkasunduang reporma.
Layunin nito na magkaroon ng maayos, organisado, at patas na sistema para sa lahat ng vendors, habang tinitiyak din ang mas maginhawa at ligtas na pamimili para sa ating mga mamamayan. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng Lumang Palengke alinsunod sa direktiba ni Mayor Gen. Ted Carranza na bigyang prayoridad ang kaayusan, kalinisan, at kapakanan ng lahat.
Patuloy nating babantayan at ipatutupad ang mga napagkasunduan upang mas maging maayos at maunlad ang Lumang Palengke para sa buong Metro BAYANI.
01/06/2026
BAGONG SILID-ARALAN, BAGONG PAGKAKATAON PARA SA ATING MGA MAG-AARAL
Nakiisa tayo ngayong umaga sa pagpapasinaya at pagbabasbas ng bagong 2-storey, 6-classroom building ng Bulihan Sites and Services Project Elementary School.
Masaya tayo na masaksihan ang isa na namang proyektong magbibigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng lugar para sa pag-aaral ng ating mga kabataan. Malaking tulong ito upang mas maging handa ang paaralan sa pagdating ng panibagong taon ng pag-aaral.
Lubos din tayong nagpapasalamat kay Mayor Gen. Ted Carranza, kasama ang iba pang mga opisyal ng bayan, sa patuloy na pagbibigay-prayoridad sa edukasyon at kapakanan ng ating mga estudyante. Ang bawat silid-aralan na naitatayo ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Silangueรฑo.
Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong mapaunlad ang edukasyon at kabataan ng ating bayan.
01/06/2026
Nagsagawa tayo ng agarang aksyon sa Kaong-Bulihan Road kung saan tinanggal natin ang mga kasalukuyang speed humps na nangangailangan ng pagsasaayos upang matiyak na ito ay ligtas, maayos, at naaayon sa tamang pamantayan para sa lahat ng motorista at residente.
Kasama natin sa isinagawang operasyon ang PNP Silang sa pamumuno ni PLTCOL Joseph Macatangay, ang Municipal Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Teng Falgui, at ang STMO Silang sa pangunguna ni Mr. Mark Joseph Espiritu.
Sa direktiba ni Mayor Gen. Ted Carranza, agad nating inaaksyunan ang mga isyung may kinalaman sa kaligtasan sa kalsada. Matapos alisin ang mga kasalukuyang speed humps ay isasaayos at pag-aaralang mabuti ang tamang disenyo at lokasyon nito upang maging ligtas para sa lahat ng gumagamit ng kalsada.
31/05/2026
Need help registering? Hereโs your quick guide. ๐โโ๏ธโจ
Registration for ๐๐จ๐ ๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ: ๐๐ก๐๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ง 2026 is now officially open.
How to Register:
1. Open the official registration link.
2. Fill out the Google Form.
3. Pay the correct registration fee.
4. Upload your proof of payment and wait for confirmation.
Register here:
https://forms.gle/3v19Lg9CzBnyN6T47
Race Categories:
3KM | โฑ350
5KM | โฑ350
10KM | โฑ450
Student/Youth Promo: โฑ150 only
Valid only when accompanied by one regular-paying participant.
Inclusions:
Official event singlet, race bib, and certificate.
10KM finishers will also receive a finisher medal.
Reminder: No walk-ins will be accepted. Registration is only valid through the official Google Form and is subject to payment verification.
Together, We Run. Together, We Heal.
29/05/2026
Kahapon ay bumista sa ating tanggapan si Kap. Dennis Amoroso ng Brgy. Maguyam. Nagkaroon tayo ng masayang kwentuhan at binati natin siya at ang buong Brgy. Maguyam sa kanilang pagiging Champion sa NBL Silang Season 3 Inter-Barangay Basketball League 40A Category. Nagbahaginan din tayo ng mga pananaw at mungkahi para sa mas mahusay na paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.
Nagpasalamat din sa ating tanggapan ang Angat Bayaning Kabataan (ABAKA) para sa suportang ibinigay natin at ni Mayor Gen. Ted Carranza sa kanilang mga programa, lalo na sa matagumpay nilang Youth Camp na nakatulong sa paghubog ng ating mga kabataan.
Makakaasa ang lahat ng organisasyon at samahan na patuloy nating susuportahan ang mga programang nagdudulot ng positibong pagbabago at kapakinabangan sa ating komunidad.