Sangguniang Kabataan- Barangay Yakal, Silang, Cavite

Sangguniang Kabataan- Barangay Yakal, Silang, Cavite

Share

Official page of Sangguniang Kabataan-Barangay Yakal, Silang Cavite

14/04/2026

ANNOUNCEMENT πŸ“£

-Sa lahat ng nagregister online na di pa nakakakuha ng STUBS para sa Libreng Sakay, paki-claim na lang bukas sa SK Office 11:00 AM. Hanapin lamang si SK Rica Mae Sarino.

-Bukas na muli ang link para magregister sa Libreng Sakay Program.

13/04/2026

Maligayang Kaarawan, Kapitan Jolly Boy! πŸŽ‰

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Yakal, kami po ay taos-pusong bumabati sa inyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan.

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, mahusay na pamumuno, at walang sawang suporta sa ating komunidad, lalo na sa kabataan. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa paggabay sa ating barangay tungo sa mas maunlad at nagkakaisang pamayanan.

Hangad po namin ang marami pang taon ng inspirasyon at serbisyo. Enjoy po sa inyong espesyal na araw, Kap! πŸŽ‚

β€” Sangguniang Kabataan ng Barangay Yakal

12/04/2026

Sa lahat po ng nag-register para sa Libreng Sakay, maaari na pong kunin ang inyong stub dito sa barangay. Maraming salamat po!

12/04/2026

ANNOUNCEMENT:

HATID KABATAAN: LIBRENG SAKAY PROGRAM

Lubos naming naiintindihan ang mga concern ng ating mga drayber. Bilang pagtugon, narito ang mga bagong updates sa sistema ng Libreng Sakay kaugnay ng aming pakikipag-partner sa inyo:

MGA BAGONG ANUNSYO:

β€’ Paano kung puro benepisyaryo ng libreng sakay ang inyong pasahero sa buong araw?

Maaaring i-remit ang mga stubs sa mismong araw, 6:00–7:00 PM sa SK Office.
β€’ Magkano na ang final na fare na katumbas ng stub?

β‚±20 bawat stub.
β€’ Kailangan pa ba ng logbook na pipirmahan ng mga benepisyaryo?

Aalisin na ang logbook system. Ang mga kinakailangang dokumento ay sa drayber na lamang pipirmahan tuwing magre-remit ng stubs.
Layunin ng mga pagbabagong ito na gawing mas madali, maayos, at patas ang sistema para sa ating mga drayber.

PAALALA:

β€’ Hanggang 1:00 PM na lamang ang pagtanggap ng registration.
β€’ Ipasa ang requirements at I-claim ang stub at ID ngayong araw, 3:00 PM.

PARA SA MGA DRIVER:
β€’ Mag-register at i-claim ang poster mamayang 5:00 PM.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pakikiisa sa programang para sa kabataan at komunidad.

Photos from Sangguniang Kabataan- Barangay Yakal, Silang, Cavite's post 11/04/2026

Bukas na ang link. Register na!

Photos from Sangguniang Kabataan- Barangay Yakal, Silang, Cavite's post 07/04/2026

π‡π€π“πˆπƒ πŠπ€ππ€π“π€π€π: π‹πˆππ‘π„ππ† π’π€πŠπ€π˜ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Ramdam mo rin ba ang patuloy na pagtaas ng pamasahe? Sa gitna ng pagmahal ng gasolina dulot ng mga kaganapan sa buong mundo, mas lalong bumibigat ang araw-araw na biyahe ng ating mga kabataanβ€”lalo na para sa mga estudyante at nagtatrabahong patuloy na nagsusumikap.

Ngunit hindi lamang ang mga pasahero ang apektadoβ€”kasama rin ang ating mga tricycle drivers na patuloy na bumabyahe upang maghanapbuhay sa kabila ng mataas na presyo ng gasolina.

Bilang tugon, inilulunsad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Yakal ang programang Hatid Kabataan: Libreng Sakay Programβ€”isang inisyatibo na naglalayong mapagaan ang gastusin sa pamasahe ng kabataan habang sinusuportahan ang kabuhayan ng ating mga lokal na drayber.

π€ππŽ πˆπ“πŽ?
Isang programang nagbibigay ng libreng sakay para sa mga kabataang edad 15–30 years old, lalo na sa:

-Mga mag-aaral (College)
-Mga nagtatrabahong kabataan (15–30 years old)

PAALALA: Sa kasalukuyan, dahil walang pasok ang mga High School students, ang mga slots ay pansamantalang ilalaan muna para sa mga college students at working youth.

LIMITED SLOTS ONLY

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π— π—”π—š-π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯?

1. Mag-register online. I-save ang link na ito:
https://forms.gle/TPX276zGhdhnB5sb6
-Magbubukas ang link sa: April 11, 2026 | 6:00 PM

2. Magpakita at magpasa alin sa mga sumusunod na requirements:
-School ID / Proof of Enrollment
-Proof of Employment
-Schedule ng pasahan: April 12, 2026 | 3:00 PM

3. Hintayin ang verification at claim ng:
-Libreng Sakay ID
-Stubs (rides)
College Students: 15 rides
Working Youth: 10 rides

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π—šπ—¨π— π—”π—‘π—” π—”π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π—¦π—”π—žπ—”π—¬?

1. Sumakay sa mga tricycle na may β€œLIBRENG SAKAY”
2. Ipakita ang inyong ID
3. Magbigay ng 1 stub bawat sakay
4. Pumirma sa logbook

Start ng Libreng Sakay: April 15, 2026

𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯:

1. Ang mga kalahok na drayber ay dapat kabilang sa TODA ng Barangay Yakal.
2. Kinakailangang pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang SK
3. Magbibigay ng sakay sa mga rehistradong benepisyaryo sa itinakdang ruta.
4. Kokolektahin ang stub sa bawat sakay at magpapapirma sa logbook
5. Magsusumite ng trip logs at mga nakolektang stub tuwing ika-15 days.
6. Makakatanggap ng bayad na β‚±15 (o maaaring magbago depende sa pagtaas ng taripa sa Metro Bulihan) kada stub base sa kanilang naisumiteng dokumento.

π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”:

1. Bawal ipagamit sa iba ang ID at stub
2. Limitado lamang sa rutang sakop ng Metro Bulihan
3. Igalang ang driver at kapwa pasahero
4. Mag-ingat sa biyahe

Kung may mga katanungan, klaripikasyon, at suhestiyon, maaari lamang magmessage sa FB Page ng Sangguniang Kabataan ng Yakal.

Huwag palampasin. Mag-register na at maging isa sa mga mapipiling benepisyaryo.

Photos from Sangguniang Kabataan- Barangay Yakal, Silang, Cavite's post 21/03/2026

LAKAMBINI NG YAKAL 2026

Malugod na pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Yakal! 🌸

Ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagbati sa ating Lakambini ng Yakal 2026, Ms. Gemma Flores, kinatawan ng Solo Parent Organization. Tunay na kahanga-hanga ang inyong ipinakitang talino, ganda, at husay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month sa ating barangay.

Pagbati rin sa ating First Runner-Up, Ms. Cristina Solo, at sa Second Runner-Up, Ms. MaryJoy Perido. Kayo ay inspirasyon sa ating komunidad at patunay ng lakas at kakayahan ng kababaihan ng Yakal.

Pagbati rin sa lahat ng kandidatang lumahokβ€”kayo ang tunay na simbolo ng tapang, galing, at kagandahan ng kababaihan ng Yakal. Ipinagmamalaki namin kayo! πŸ’œ

Isang taos-pusong pasasalamat kay Konsehal Benita Secretario sa kanyang pamumuno at matagumpay na pag-oorganisa ng selebrasyon ng Women’s Month, sa suporta ng ating butihing Kapitan Jolly Boy Taguan.

Mabuhay ang kababaihan ng Yakal! 🌷

13/03/2026

πŸ“£ KABATAAN, MAHALAGA ANG IYONG PARTISIPASYON!

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Yakal na dumalo sa Barangay Assembly Day sa March 14, 2026, 10:30 AM. Ito ay pagkakataon para malaman ng ating komunidad ang mga nagawa ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan sa huling quarter ng taong 2025, pati na rin ang mga plano at programang nakalaan para sa taong 2026.

Ang inyong presensya ay mahalaga upang sama-sama nating mapalakas ang boses ng komunidad at patuloy na mapaunlad ang ating barangay.

Makilahok. Makialam. Makibahagi.
Para sa isang mas nagkakaisa at mas progresibong Barangay Yakal! πŸ’›

12/03/2026

Players po ng Volleyball Girls, saan na po ang mga magtatryout?

10/03/2026

MAYOR’S CUP TRYOUTS NA! πŸπŸ€

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong kabataan ng Barangay Yakal na makiisa at ipakita ang kanilang galing sa Basketball at Volleyball Tryouts para sa Mayor’s Cup!

Thursday
4:00 PM – Volleyball
5:00 PM – Basketball

Bring white and black shirt/jersey

Qualifications:
β€’ Volleyball: 18 years old and above
β€’ Basketball: 18–30 years old
β€’ At least 1 year voter at residente ng Barangay Yakal

PAALALA:
Ang lahat ng sasali ay inaasahang disiplinado, committed, at handang makipagtulungan sa team. Hindi lamang galing sa laro ang mahalaga, kundi pati respeto, sportsmanship, at dedikasyon sa koponan.


Want your business to be the top-listed Government Service in Silang?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Yakal
Silang
4118