Bagong Sabutan

Directions

Bagong Sabutan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Sabutan, Government Organization, Silang.

MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD ANTONIO V. OLIVA JR.! Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag at ...
08/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD ANTONIO V. OLIVA JR.!

Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag at dedikadong Kagawad Antonio V. Oliva Jr.!

Ang inyong patuloy na paglilingkod, malasakit sa kapaligiran, at pagsisikap na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating barangay ay tunay na inspirasyon sa ating mga kapwa Sabuteño.

Higit sa inyong tungkulin bilang isang lingkod-bayan, ang inyong kababaang-loob, sipag, at pusong handang tumulong ay patunay na ang tunay na serbisyo ay nagmumula sa malasakit sa kapwa.

Dalangin namin ang mabuting kalusugan, mahabang buhay, kaligayahan, at higit pang pagpapala upang patuloy kayong maging instrumento ng mabuting pagbabago sa ating komunidad.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng Sabutan, sa pangunguna ni Punong Barangay Jaime N. Sangria, maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo!

Muli, Happy Birthday, Kuya Konsi Jun! Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw!

Serbisyong Malapit sa Mamamayan.


PAHAYAG NG PAKIKIRAMAYLubos na nakikiramay ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Sabutan sa pagpanaw ng aming minamahal n...
04/10/2026

PAHAYAG NG PAKIKIRAMAY

Lubos na nakikiramay ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Sabutan sa pagpanaw ng aming minamahal na kawani ng barangay,

EDMUNDO ESPINELI BAYALAN

Mananatili sa aming alaala ang kanyang tapat na paglilingkod, kasipagan, at kabutihang loob sa ating barangay. Siya ay naging mahalagang bahagi hindi lamang ng aming tanggapan kundi ng buong pamilyang Barangay Sabutan.

Ang aming taos-pusong pakikiramay at panalangin ay iniaalay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa panahong ito ng pagluluksa. Nawa’y bigyan sila ng lakas at kapanatagan ng Poong Maykapal.

“Ang mabubuting alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat taong kanyang napaglingkuran at napasaya.”

Mula sa inyong pamilya sa Bagong Sabutan,
aming pagpupugay at panalangin. 🤍

Warmest congratulations to the Kiwanis Club of Silang, Inc. on the celebration of its 50th Club Founding Anniversary. "G...
02/10/2026

Warmest congratulations to the Kiwanis Club of Silang, Inc. on the celebration of its 50th Club Founding Anniversary.

"Golden Legacy, 50 Years of Kiwanis Service."

A special tribute goes to two proud Sabuteño leaders who have had the honor of leading the club in two consecutive administrations:

🏆Kwn. Gerry N. Belardo
Club President, AY 2025–2026

🏆Kwn. Ferdinand A. Belamide
Club President, AY 2026–2027

Their leadership represents not only the spirit of Kiwanis service, but also the excellence, talent, intelligence, and heart of a true Sabuteño!

Dalawang Sabuteño. Isang legacy of service and excellence.

Mabuhay ang Kiwanis Club of Silang, Inc.!

Mabuhay ang mga tunay na Sabuteño!

“Ang Husay, Galing at Talino ng Totoong Sabuteño!”

📢 PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAMAng UPLIFT PAYOUT – 2ND TRANCHE ay gaganapin sa:📅 October 2, 2026 | Frida...
01/10/2026

📢 PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAM

Ang UPLIFT PAYOUT – 2ND TRANCHE ay gaganapin sa:

📅 October 2, 2026 | Friday
📍 Patio Medina, Silang, Cavite

Para sa maayos at mabilis na proseso ng payout, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na REQUIREMENTS:

✅ 1. Personal GCASH Number
Maaaring gamitin ang GCASH number ng asawa, anak, o pinagkakatiwalaang tao kung walang sariling GCASH account.

✅ 2. Photocopy ng NATIONAL ID
• Dapat malinaw ang kopya
• May 3 specimen signatures

✅ 3. Kung walang National ID:
Magdala ng PSA Transaction Slip o PSA Certification kasama ang alinman sa sumusunod na Philippine Government-issued ID:

• Passport
• HDMF / Pag-IBIG Loyalty Plus Card
• Driver’s License
• Philippine Postal ID
• PRC ID
• UMID
• SSS ID
• PhilHealth ID
• Senior Citizen ID
• Voter’s ID
• TIN ID
• PWD ID

📌 Paalala: Siguraduhing kumpleto at malinaw ang inyong mga dokumento bago pumunta upang maiwasan ang abala o pagkaantala sa payout.

🚨 IMPORTANTENG PAGLILINAW 🚨

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay mula sa National Office. Ang Pamahalaang Barangay ng Sabutan ay walang kinalaman sa pagpili, pag-screen, o pagtukoy kung sino ang mapapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo.

Ang Barangay Sabutan ay tumutulong lamang sa information dissemination upang maiparating sa mga nakalistang benepisyaryo ang iskedyul, lugar, at mga kinakailangang dokumento para sa payout.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa.

📣 Pakipasa at i-share ang impormasyong ito sa iba pang UPLIFT beneficiaries na inyong kakilala.



🕊️ SAN GABRIEL ARKANGHEL — PATRON NG BARANGAY SABUTANSa bawat henerasyon ng mga Sabuteño, may mga tradisyong patuloy na ...
28/09/2026

🕊️ SAN GABRIEL ARKANGHEL — PATRON NG BARANGAY SABUTAN

Sa bawat henerasyon ng mga Sabuteño, may mga tradisyong patuloy na nagdurugtong sa atin sa ating mga ninuno—at isa sa pinakamahalaga rito ang ating debosyon kay San Gabriel Arkanghel, ang ating mahal na patron.

Si San Gabriel ay kilala bilang tagapagdala ng mensahe ng Diyos—ang anghel na naghahatid ng Mabuting Balita, sagisag ng pananampalataya, pag-asa, at bagong simula.

Bahagi na rin siya ng mahabang kasaysayan at pananampalataya ng ating pamayanan. May tala na ang Sabutan ay isa nang kinikilalang barrio ng Silang noon pang 1884, at sa paglipas ng panahon ay nanatiling buhay ang debosyon ng mga Sabuteño kay San Gabriel Arkanghel.

Tradisyunal na ipinagdiriwang noon ang pista ng Sabutan tuwing Marso 18, ngunit kalaunan ay inilipat ito sa Setyembre 29, bilang pakikiisa sa opisyal na kapistahan ng Simbahan para kina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael Arkanghel.

Maaaring nagbago ang panahon, lumawak ang ating komunidad, at maraming henerasyon na ang lumipas—ngunit nananatili ang isang bagay:

ang pananampalataya at tradisyong ipinasa sa atin ng mga naunang Sabuteño.

Ngayong kapistahan, nawa’y tularan natin si San Gabriel—maging tagapagdala rin tayo ng mabuting balita, pag-asa, kabutihan, at pagkakaisa sa ating barangay.

Sa gitna ng mga pagbabago, nawa’y manatiling buhay sa ating puso ang diwa ng pananampalataya, bayanihan, at pagmamahal sa ating pamayanan.

San Gabriel Arkanghel, patuloy mo pong gabayan at ipanalangin ang buong Barangay Sabutan. 🕊️

Viva San Gabriel!
Mabuhay ang bawat Sabuteño!






✨BUKAS NA ANG PISTA NI SAN GABRIEL!✨Mga Sabuteño, sama-sama nating ipagdiwang ang Kapistahan ni San Gabriel, ang ating m...
28/09/2026

✨BUKAS NA ANG PISTA NI SAN GABRIEL!✨

Mga Sabuteño, sama-sama nating ipagdiwang ang Kapistahan ni San Gabriel, ang ating mahal na Patron, ngayong Setyembre 29, 2026.

Narito ang ating Fiesta Program of Activities:
• 8:00 AM — Fiesta Mass ⛪
• 9:00 AM — Motorcade 🚙
• 7:00 PM — Fireworks Display 🎆
• 7:00 PM onwards — Sayawan sa Sabutan 💃🕺

Isang araw ng pananampalataya, tradisyon, saya at pagkakaisa para sa buong komunidad. Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa ating taunang pagdiriwang bilang isang pamilyang Sabuteño.

Viva San Gabriel! 🎉
Maligayang Fiesta, Barangay Sabutan!





🎸🔥 SABUTEÑO, HANDA NA BA KAYONG SUMAYAW?! 🔥🎶Bilang bahagi ng ating Fiesta San Gabriel 2026, balikan natin ang masasayang...
28/09/2026

🎸🔥 SABUTEÑO, HANDA NA BA KAYONG SUMAYAW?! 🔥🎶

Bilang bahagi ng ating Fiesta San Gabriel 2026, balikan natin ang masasayang tugtugan at sayawan ng 80’s, 90’s, 2000’s at Baktian sa isang gabing punong-puno ng music, saya at nostalgia! 🕺💃🎶✨

👑 SAYAWAN SA SABUTAN 2026
📅 Setyembre 29, 2026 | Martes
⏰ Alas-7 ng gabi
📍 Sikap Ville Covered Court

🎧 Makakasama natin sina Batang Silang at Batang Marinas, powered by JML Mobile, at hosted by Haring Domeng!

At syempre, hindi lang basta sayaw—BEST ROCK takes home:
🥇 1st — ₱3,000
🥈 2nd — ₱2,000
🥉 3rd — ₱1,000

Kaya ilabas na ang paborito ninyong 80’s, 90’s at 2000’s outfit, ihanda ang dancing shoes, at sama-sama nating buhayin ang gabi ng pista! 🎶✨

Kita-kits, mga Sabuteño sa SAYAWAN SA SABUTAN! 🕺💃🔥

Viva San Gabriel Arkanghel! 🙏💙





Viva San Lorenzo Ruiz! Viva Pinoy Village! 🇵🇭Ngayong Setyembre 28, nakikiisa ang Bagong Sabutan sa pagdiriwang ng kapist...
28/09/2026

Viva San Lorenzo Ruiz! Viva Pinoy Village! 🇵🇭

Ngayong Setyembre 28, nakikiisa ang Bagong Sabutan sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, patron saint ng Pinoy Village.

Nawa’y maging pagkakataon ang kapistahang ito upang higit nating mapatatag ang ating pananampalataya, pagkakaisa, at bayanihan bilang isang komunidad. Sa gitna ng saya at selebrasyon, dalhin natin ang tunay na diwa ng pista—pasasalamat, pakikipagkapwa, at sama-samang pagdarasal.

Maligayang Kapistahan, Pinoy Village! 🎉🙏
Viva San Lorenzo Ruiz!





ANOTHER PROUD MOMENT FOR SABUTAN! Isang taos-pusong CONGRATULATIONS kay JHURELA MYLES B. TOLEDO, RPm, CHRA sa matagumpay...
25/09/2026

ANOTHER PROUD MOMENT FOR SABUTAN!

Isang taos-pusong CONGRATULATIONS kay JHURELA MYLES B. TOLEDO, RPm, CHRA sa matagumpay na pagpasa sa 2026 Psychometrician Licensure Examination!

Mula sa National College of Science and Technology, isa na namang ang nagpatunay na kapag sinabayan ng sipag, tiyaga, at determinasyon ang pangarap—may magandang tagumpay na naghihintay sa dulo.

At may RPm na sa pangalan! Isang napakagandang milestone na hindi lamang ipinagmamalaki ng iyong pamilya, kundi ng buong Barangay Sabutan.

Nawa’y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay, oportunidad, at makabuluhang paglilingkod sa kapwa gamit ang iyong kaalaman at propesyon.

Congratulations, Jhurela! We are so proud of you! ❤️🤍💙






PARA KAY NANAY, PARA KAY BABY! | BUNTIS CONGRESS 2026Masayang naisagawa ngayong araw ang Buntis Congress 2026 ng Baranga...
22/09/2026

PARA KAY NANAY, PARA KAY BABY! | BUNTIS CONGRESS 2026

Masayang naisagawa ngayong araw ang Buntis Congress 2026 ng Barangay Sabutan—isang programa para sa ating mga expectant moms na nakatuon sa tamang kaalaman, pag-aalaga sa sarili, at paghahanda para sa ligtas at malusog na panganganak.

Sa pamamagitan ng talakayan tungkol sa prenatal care, maternal health, nutrisyon, newborn care, at iba pang mahahalagang gabay sa pagbubuntis, hangad nating mas maging handa, kampante, at suportado ang bawat inang Sabuteña sa kanilang journey tungo sa motherhood.

Maraming salamat sa ating mga Buntis Moms, health workers, resource persons, at lahat ng katuwang na naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Ang bawat malusog na ina at sanggol ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na komunidad.

Sa Bagong Sabutan, hindi lang serbisyo ang inilalapit natin—pag-aaruga at malasakit para sa bawat pamilya.

Serbisyong Malapit sa Mamamayan.





Address

Silang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Sabutan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share