Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP

Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP

Share

Ang RSAP ay binuo para itaguyod ang kaligtasan at proteksyon ng mga rider at iba pang motorista laban sa pang-aabuso.

Official
RIDERS' SAFETY ADVOCATES OF THE PHILIPPINES RSAP

01/06/2026

Attn: Atty. RAFAEL VICENTE CALINISAN
Commissioner
Vice Chairperson and Executive
Officer of the National Police
Commission (NAPOLCOM)

Mali at nasa peligro ang position ng Patrol Car at ng Pulis na pumara sa motorcycle Rider!

Magalang po naming iminumungkahi na mas mainam kung uunahin muna ninyong turuan ng tamang pagpapatupad ng Batas sa mga motorista ang mga pulis kabilang ang “tamang position sa paninita, parada ng patrol car, at patas na pagpapatupad sa PNP Checkpoints” na hindi mga motorcycle riders lamang ang sinisita at hinuhuli.

Hindi dapat nalalagay sa peligro ang buhay ng motorista at ng Pulis na nagpapatupad ng Batas, at hindi rin dapat nalilimutan ng mga kawani ng PNP na may mga kriminal na gumagamit ng kotse at iba pang mga sasakyan katulad ng mga kidnappers at mga nagpupuslit ng tone-toneladang ilegal na druga at iba pang mga kontrabando.

Hindi dapat nasasanay ang mga Pulis na ginagawang “for compliance” lamang ang PNP Checkpoints para sa pang-araw araw na report nila na nagdudulot naman ng paulit-ulit na perwisyo sa hanay ng mga motorcycle riders.

Hindi po namin ipinagtatanggol ang sinumang motorista na lumalabag sa Batas, ang hinihiling lamang namin- ipatupad ng PNP ng patas, tama, at maayos ang mga Batas at mga Ordinansa.

Sa pamamagitan niyan- aangat ang tiwala at respeto ng mamamayan sa mga kawani ng PNP, at magkakaroon ng takot ang motorista na takbuhan ang Pulis na katulad ng inyong binabanggit na insidente.

Sama-sama po nating suportahan at iangat ang tiwala at respeto ng mamamayan sa mga kawani ng ating PNP- punahin at iparating natin sa kanila ang mali nilang ginagawa!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Real Service Advocates of the Philippines/ Road Safety Advocates of the Philippines

Video: CTTO

01/06/2026

Release ng OR/CR ng mga motorsiklo at sasakyan — bakit inaabot ng ilang buwan? Sino ba talaga ang may pananagutan? Casa/Dealership ba o LTO?

Hihimayin ni Col. Bosita ang ugat ng matagal na paglabas ng OR/CR, mga reklamo ng mga motorista, at kung ano ang dapat gawin kapag sobra na ang delay!

Alamin ang katotohanan. Panoorin ang buong episode ng BOSKITA Podcast sa aming YouTube Channel - https://youtu.be/FzY1gPw3EOw?si=zedbVhXj4MzGqCDp

31/05/2026

NCAP: Solusyon sa Trapik o Pahirap sa mga Motorista?

Makatarungan ba ang NCAP o dagdag-pasanin ito sa mga motorista?

Pakinggan ang pananaw ni Col. Bosita sa isyung pinag-uusapan ng maraming Pilipino.

🎙️ Panoorin ang buong episode ng BOSKITA Podcast sa aming YouTube Channel - https://youtu.be/FzY1gPw3EOw?si=G09JLL8XPaytq9bR

30/05/2026

Attention: ASec MARKUS V. LACANILAO
LTO Chief

Hindi gawain ‘yan ng tao na may disiplina at nasa maayos na pag-iisip!

May impormasyon na Senior Citizen ang minaltrato at sinaktan niya. Wala itong kalaban-laban sa kanya, lalo pa na bata pa lamang siya at matipuno ang katawan.

Magalang po naming iminumungkahi ang agarang imbestigasyon at pagpapataw ng mataas na parusa sa kanya para huwag na siyang manakit pa ng ibang motorista.

Suportahan natin ang liderato ng LTO, ireport natin sa kanila ang mga insidente na katulad nito!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines

Video: CTTO

30/05/2026

Release ng OR/CR sa mga Casa at Car Dealerships: Bakit Umaabot ng Buwan?

Panoorin ang buong episode ng BOSKITA Podcast Episode 2!

Youtube Channel - https://youtu.be/FzY1gPw3EOw

Marami ang nagtatanong kung bakit napakatagal ng paglabas ng OR/CR ng bagong sasakyan at motorsiklo. Sino ba talaga ang dapat managot kapag naaantala ito - - ang Casa ba o ang LTO?

Alamin ang malinaw na paliwanag at opinyon ni Col. Bosita tungkol sa isyung ito na matagal nang hinaing ng maraming motorista!

30/05/2026

May 30, 2026 | Clarin, Misamis Occidental

Sa ngalan po ng pamilya ng kapatid nating namayapa na dating Public School teacher, Late Laarni Basmayor- maraming salamat po kay Hon. Congressman HENRY OAMINAL, JR. ng Asenso Pinoy Party-list, DOH, DSWD, mga co-teachers ni Mam Laarni, mga parents at mga kababayan nating nagpadala ng pakikiramay at suporta financial.

Ang pag-ibig sa kapwa ay nakikita sa gawa- hindi lang sa salita!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Real Service Advocates of the Philippines

30/05/2026

Ang BOSKITA Podcast ay hatid sa inyo ng aming ka-partner at katuwang sa programa, Sailun Tire Philippines!

Maraming salamat sa patuloy na suporta ng Sailun Tire sa paghahatid ng makabuluhang talakayan tungkol sa road safety, transportasyon, at mga isyung mahalaga sa bawat motorista at commuter.

Panoorin ang Episode 2 ng BOSKITA Podcast mamayang 6:30 PM sa aming YouTube Channel - https://youtube.com/?si=Ss__eJuudsgujv85

Tatalakayin natin ang mga maiinit na usapin sa kalsada, mga karapatan ng mga motorista, at mga napapanahong isyu sa transportasyon na dapat malaman ng bawat Pilipino.

Abangan at makiisa sa usapan! 🎙️

Photos from Riders Safety Advocates of the Philippines RSAP's post 29/05/2026

Ganyan pala ang ugali ni Governor DAREL DEXTER T. UY ng Zamboanga Del Norte. Akala ko OK na ang usapan namin pero iba ang ginawa niya- hindi natin inasahan ‘yan!

Nagkape at nagkwentuhan kami ni Governor UY, at napag-usapan namin ang maling panghuhuli ng mga Pulis at mga Enforcers sa mga riders ng Dipolog City na “after-market” ang muffler ng motorisiklo. Nangako siya na kanya itong aaksyunan.

Makalipas ang ilang araw mula nang mag-usap kami, nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi lang problema ng mga kapatid nating riders sa Dipolog City ang binigyan niya ng solusyon laban sa maling panghuhuli ng mga Pulis at mga Enforcers- ginawa niyang protektado lahat ang motorista sa buong Lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Naglabas si Gov. UY ng 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗢. 𝟯𝟵: 𝗙𝗔𝗜𝗥, 𝗘𝗩𝗜𝗗𝗘𝗡𝗖𝗘-𝗕𝗔𝗦𝗘𝗗, 𝗔𝗡𝗗 𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗔𝗟𝗟 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗦- prescribing the mandatory use of Sound Level Meters (Decibel Meters) in the apprehension of motor vehicles with modified or improvised exhaust systems within the Province of Zamboanga del Norte.

Base sa nasabing Executive Order Nr. 39, series of 2026: hindi na maa-abuso ang mga riders, hindi lamang sa Dipolog City kundi sa buong Lalawigan ng Zamboanga Del Norte:

1. Hindi pinapayagan ng Executive Order ng 39, ang panghuhuli sa mga motorista na base sa duda lamang o visual inspection;

2. Maaring sitahin at hulihin ang mga riders na may paglabag sa muffler gamit ng Pulis o ng Enforcer ang “Calibrated Decibel Meter;”

3. Kailangan alinsunod sa pagpapatupad ng LTO, at may paglabag lamang kung lampas sa 99 decibels ang sound level ng muffler na may 1/2-meter distance at 45 degree-angle;

4. Hindi automatic na may paglabag ang mga riders o mga drivers na “improvised” o “modified” ang muffler ng minamanehong sasakyan- kailangan sukatin ng tama ang sound level nito; at

5. Bawal kumpiskahin ang muffler o mag-impound ng motorsiklo o sasakyan kung base lamang sa visual inspection at hindi nasunod ang mga nabanggit na proseso.

Sa ngalan ng mga riders at mga drivers sa Lalawigan ng Zamboanga Del Norte, Honorable Governor DAREL DEXTER T. UY- MARAMING SALAMAT PO.

SALUDO po kami sa kabutihan mo at pagiging tunay na Public Servant- motorcycle rider ka talaga at kakampi ng mga motorista!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Real Service Advocates of the Philippines

Want your business to be the top-listed Government Service in Silang?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Silang
4118