07/03/2026
With Silang Update – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alyansa ng Bagong Silang - Bulihan Chapter, Political organisation, blk.3 lot 9 zone 1 afp housing bulihan, Silang.
07/03/2026
With Silang Update – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
07/03/2026
OUR CONDOLENCES MONZON FAMILY:
Nakiramay ang atin mahal na Mayor Atty. Kevin Amutan Anarna Konsehal Ivan Amutan Konsehal Romeo “Ohmie” Toledo
sa pamilyang Jay Monzon ng Zone-1, AFP Housing, Brgy Bulihan, Silang, Cavite.
Walang hanggang pasasalamat, sa inyong malasakit at pagmamahal sa aming ka Barangay. "Mabuhay ang atin Mayor.
11/02/2026
May Available pa po bang Calendar? Baka pwede po makahingi😊😊
09/02/2026
09/02/2026
Mga Residente Nagreklamo sa Kakulangan ng Gamot at Serbisyong Medikal sa Silang RHU
Naglabas ng hinaing ang ilang residente kaugnay ng umano’y kakulangan ng serbisyong pangkalusugan sa Silang Rural Health Unit (RHU). Ayon sa reklamo, ilang pangunahing gamot umano ay walang available, kabilang na ang anti-tetanus toxoid na sinasabing hindi libreng naibibigay at may presyong humigit-kumulang ₱200.
Binanggit din ng mga residente na hindi umano lubos na napapakinabangan ang YAKAP program ng PhilHealth, dahil sa kakulangan ng gamot at kawalan ng malinaw na impormasyon kung kailan muling magkakaroon ng suplay.
Dahil dito, nanawagan ang ilan sa lokal na pamahalaan, partikular kay Mayor Carranza, na bigyang pansin ang sitwasyon at agarang aksyunan ang mga isyung kinahaharap ng RHU upang matiyak ang maayos at sapat na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Silang.
Sa ngayon, umaasa ang publiko sa pahayag at konkretong hakbang mula sa pamahalaang bayan upang linawin ang isyu at maresolba ang kakulangan sa serbisyong medikal.
09/02/2026
LGUs BINIGYAN NG 2 BUWAN PARA ALISIN ANG MGA ‘EPAL’ SA PROYEKTO NG GOBYERNO
May palugit na dalawang buwan ang lahat ng local government units (LGU) upang alisin ang mga pangalan, litrato, at iba pang promotional materials ng mga politiko sa mga proyekto at programa ng pamahalaan, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Ipinaliwanag ni Remulla na naglabas na ang DILG ng memorandum noong Enero 31 na nag-uutos sa mahigpit na pagpapatupad ng tinatawag na “anti-epal” policy sa mga LGU.
Ang kautusan ay alinsunod sa 2026 General Appropriations Act, na tahasang nagbabawal sa paglalagay o pagpapakita ng pangalan at larawan ng mga politiko sa mga government projects at assistance programs na pinopondohan ng pondo ng bayan.
Babala ng DILG, ang sinumang LGU na hindi susunod sa nasabing patakaran ay maaaring maharap sa kasong administratibo o masuspinde sa tungkulin. | via Philippine Star
09/02/2026
SILANG LGU PINANANAGOT SA SERBISYO NG RHU: Konsehal Allan Tolentino, Ibinulgar ang Reklamo sa Death Certificate, Libreng Gamot at Animal Bite Vaccine
Mariing binigyang-diin ni Konsehal Allan Tolentino, Chairman ng Committee on Health, ang seryosong mga reklamo ng ilang Silangueño laban sa serbisyo ng Rural Health Unit (RHU) sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Bayan.
Sa kanyang talumpati, inilahad ni Tolentino ang reklamo hinggil sa umano’y hindi agarang pagpirma sa death certificate ng isang pumanaw na residente, kahit na dumulog ang pamilya sa RHU bandang alas-kuwatro ng hapon—oras na saklaw pa ng opisyal na oras ng trabaho. Ayon sa konsehal, ang ganitong pangyayari ay dagdag pasakit sa mga pamilyang nagluluksa at malinaw na paglabag sa karapatan ng mamamayan sa maayos na serbisyo.
Ibinunyag din niya ang mga ulat ukol sa kakulangan ng libreng gamot, partikular ang tetanus toxoid, na sa halip na maibigay nang libre ay ipinabibili pa umano sa labas sa halagang umaabot sa ₱200. Giit ni Tolentino, maraming residente ang umaasa sa libreng serbisyong pangkalusugan ng LGU, kaya nararapat lamang na linawin ang suplay ng gamot at ang wastong paggamit ng pondo.
Isa rin sa mga binigyang-pansin ang isyu sa pagbabakuna para sa animal bite, kung saan may mga residente ang nagtatanong kung bakit may takdang araw lamang ang pagbibigay ng bakuna at kung bakit hindi ito agad naibibigay sa mismong araw ng insidente—isang sitwasyong maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan.
“Handa ba ang ating sistema sa oras ng biglaang pangangailangan?” tanong ni Tolentino sa konseho, kasabay ng panawagan na ang serbisyo ng pamahalaan ay dapat nagbibigay-lunas at hindi nagdaragdag ng pasanin sa mamamayan.
Bilang tugon, hiniling ng konsehal na bigyan ng pagkakataon ang pamunuan ng RHU na magpaliwanag sa harap ng Sangguniang Bayan upang makahanap ng agarang at konkretong solusyon sa mga isyu. Kasabay nito, pinaalalahanan din niya ang publiko na panatilihing nakatali at nasa loob ng bakuran ang kanilang mga alagang hayop upang maiwasan ang mga insidente ng pagkakagat.
Tinapos ni Tolentino ang kanyang pahayag sa paninindigang iisa ang layunin ng Silang LGU: ang maayos, makatao, at episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Silangueño.