Sangguniang Kabataan Federation ng Silang

Directions

Sangguniang Kabataan Federation ng Silang Official page of the Sangguniang Kabataan Pederasyon of Silang, Cavite.

Committed to empowering every SilangueΓ±o youth through leadership, service, and meaningful opportunities.

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, HON. ARA KATHLEEN LOYOLA! πŸŽ‚β€οΈTaos-puso po ang pagbati ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Si...
24/10/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, HON. ARA KATHLEEN LOYOLA! πŸŽ‚β€οΈ

Taos-puso po ang pagbati ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Silang, Cavite kay Hon. Ara Kathleen Loyola, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Silang, sa pagdiriwang ng inyong kaarawan!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at panibagong sigla upang patuloy na makapaglingkod sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan ng Silang.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit sa paglilingkod sa ating bayan. Hangad namin ang mas marami pang tagumpay, biyaya, at makabuluhang taon ng paglilingkod para sa ating minamahal na Silang.

Muli, Happy Birthday po, Konsehala Ara Loyola! πŸŽ‚βœ¨

πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, HON. JUSTINE GRACE AGUILAR! πŸŽ‚β€οΈIsang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan kay Hon. Justine Grace A...
16/10/2026

πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, HON. JUSTINE GRACE AGUILAR! πŸŽ‚β€οΈ

Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan kay Hon. Justine Grace Aguilar, bagong talagang SK Chairperson ng Barangay San Miguel 2!

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at walang hanggang biyaya sa iyong buhay at paglilingkod. Hangad namin ang higit pang tagumpay sa iyong mga adhikain at sa pagsusulong ng mga programang makatutulong at magbibigay-inspirasyon sa ating mga kabataan🫢

Patuloy na maging inspirasyon at instrumento ng positibong pagbabago sa komunidad. Nawa’y manatili ang iyong dedikasyon at malasakit sa paglilingkod sa kabataan at sa buong Barangay San Miguel 2.

Muli, maligayang kaarawan, SKC Justine Grace! πŸ₯³πŸŽ‚

COURTESY CALL WITH CONGRESSMAN ROY LOYOLA🫢Nagsagawa ng courtesy call ang Sangguniang Kabataan Federation ng Bayan ng Sil...
14/10/2026

COURTESY CALL WITH CONGRESSMAN ROY LOYOLA🫢

Nagsagawa ng courtesy call ang Sangguniang Kabataan Federation ng Bayan ng Silang kay Hon. Roy M. Loyola, Congressman ng 5th District of Cavite, upang magpaabot ng pagbati at makipag-ugnayan para sa pagsusulong ng mga programa at proyektong naglalayong paunlarin ang kakayahan at kapakanan ng kabataang SilangueΓ±o.

Lubos ang aming pasasalamat kay Cong. Roy M. Loyola sa kanyang oras at mainit na pagtanggap. Nawa’y patuloy na mapagtibay ang ugnayan at pagtutulungan tungo sa mas makabuluhang serbisyo para sa kabataan ng Silang.

Sama-sama para sa kabataang may kakayahan, oportunidad, at kinabukasan! ❀️

12/10/2026

| πŒπ”π‹πˆππ† ππ€π†ππ€ππ€π“πˆππ€π˜ 𝐍𝐆 π“πˆπ–π€π‹π€ 𝐒𝐀 π’πŠ π…π„πƒπ„π‘π€π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 π’πˆπ‹π€ππ†

Sa flag raising ceremony ngayong umaga, inanunsyo ni SKF President Hon. Neil Buso na unti-unti nang natutupad ang hamon ni Mayor Ted Carranza na maibalik ang tiwala ng mga Sangguniang Kabataan sa kanilang Federation.

Sa isinagawang session ng Sangguniang Kabataan Federation (SKF) noong October 11, napunan na ang lahat ng posisyon sa SK Federation, kasabay ng pagdalo ng mas maraming SK Presidents mula sa iba't ibang barangay.

Sa suporta ng lokal na pamahalaan at sangguniang bayan, patuloy ang pagsisikap na palakasin ang samahan at pagtutulungan ng mga Sangguniang Kabataan presidents para sa mas makabuluhan at magandang proyekto para sa mga kabataang SilangueΓ±o.

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG SK FEDERATION NG SILANGPormal na nanumpa sa kanilang tungkuli...
12/10/2026

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG SK FEDERATION NG SILANG

Pormal na nanumpa sa kanilang tungkulin sina Hon. Carl David Andaya bilang Pangalawang Pangulo, Hon. Mark Scott Amarante bilang Auditor, at Hon. Zandrei Belardo bilang Sergeant-at-Arms ng Sangguniang Kabataan Federation ng Bayan ng Silang.

Ang panunumpa ay sumisimbolo sa kanilang kahandaang gampanan ang mga responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga posisyon nang may integridad, pananagutan, at dedikasyon sa paglilingkod.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong panunumpa upang higit pang mapatatag ang pagkakaisa ng pederasyon at maisulong ang mga programang makatutugon sa pangangailangan at kapakanan ng kabataang SilangueΓ±o.

Sama-sama sa tapat na paglilingkod, tungo sa mas matatag na SK Federation at mas maunlad na kabataan ng Silang.

PANUNUMPA SA KATUNGKAN NG BAGONG SK CHAIRPERSON NG BARANGAY SAN MIGUEL 2 πŸ‡΅πŸ‡­Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Hon. Just...
12/10/2026

PANUNUMPA SA KATUNGKAN NG BAGONG SK CHAIRPERSON NG BARANGAY SAN MIGUEL 2 πŸ‡΅πŸ‡­

Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Hon. Justine Grace Aguilar, ang bagong SK Chairperson ng Barangay San Miguel 2, sa pangunguna ni Mayor Gen Ted Carranza at suporta ni SKF President Neil Buso.

Ang panunumpang ito ay hindi lamang simbolo ng pagtanggap sa isang posisyon, kundi isang pangako ng tapat na paglilingkod, matatag na pamumuno, at patuloy na pagtataguyod sa kapakanan ng kabataan.

Sa pamumuno ni Mayor Gen Ted Carranza at sa patuloy na suporta ng SK Federation sa pangunguna ni SKF President Neil Buso, patuloy nating isinusulong ang isang pamayanang nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na mangarap, makilahok, at maging katuwang sa pag-unlad ng ating bayan.

Muli, pagbati, SKC Justine Grace!

12/10/2026

PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG MGA BAGONG OPISYAL NG SK FEDERATION

Isang bagong yugto ng pamumuno, pananagutan, at tapat na paglilingkod para sa kabataan ng Silang!

Malugod nating binabati ang mga opisyal ng SK Federation na nanumpa sa kanilang mga tungkulin:

HON. CARL DAVID ANDAYA
Pangalawang Pangulo ng SK Federation

HON. MARK SCOTT AMARANTE
Auditor ng SK Federation

HON. ZANDREI BELARDO
Sergeant-at-Arms ng SK Federation

Nawa’y gampanan ninyo ang inyong mga tungkulin nang may integridad, pananagutan, at buong pusong dedikasyon sa paglilingkod. Patuloy nating palakasin ang samahan, pagtutulungan, at pagkakaisa ng bawat Sangguniang Kabataan tungo sa mas maunlad at makabuluhang paglilingkod para sa kabataan ng Bayan ng Silang.

Iisang layunin, iisang adhikain, sama-samang paglilingkod para sa kabataan ng Silang!

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, HON. YONNA! πŸŽ‚Masayang bumabati ang Sangguniang Kabataan Federation ng Silang ng isang maligayang ...
11/10/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, HON. YONNA! πŸŽ‚

Masayang bumabati ang Sangguniang Kabataan Federation ng Silang ng isang maligayang kaarawan kay Hon. Yonna Grace Atillo, SK Chairperson ng Barangay Pasong Langka!

Nawa’y mapuno ng saya, pagmamahal, at walang hanggang biyaya ang iyong espesyal na araw. Hangad namin ang patuloy mong tagumpay, mabuting kalusugan, at higit pang lakas at karunungan sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang isang lingkod-kabataan.

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa ating mga kabataan at maging instrumento ng makabuluhang pagbabago sa inyong barangay. Dalangin namin na sa bawat hakbang ng iyong paglilingkod ay mas marami ka pang kabataang maabot, matulungan, at mabigyan ng pag-asa.

Muli, maligayang kaarawan, SK Yonna Grace! πŸ₯³πŸŽ‚

πŸŽ€πŸŽ‰ MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY BAYANI! 🎊❀️Ipagdiwang natin ang pagkakaisa, pagkamalikhain, at kahanga-hangang talent...
10/10/2026

πŸŽ€πŸŽ‰ MALIGAYANG KAPISTAHAN, BARANGAY BAYANI! 🎊❀️

Ipagdiwang natin ang pagkakaisa, pagkamalikhain, at kahanga-hangang talento sa BAYANIHAN GOT TALENT bilang bahagi ng BAYANIHAN FESTIVAL 2026, sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora Dela Leche y Buen Parto! ✨

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga magpapamalas ng kanilang angking galing at talento. Sama-sama nating ipakita na sa diwa ng bayanihan, bawat talento ay may puwang at bawat kabataan ay may kakayahang magbigay-inspirasyon! 🌟

Muli, isang masaya at mapagpalang kapistahan sa buong Barangay Bayani! πŸ’–



BAYANIHAN GOT TALENT 2026 🎀

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Nuestra SeΓ±ora de la Leche y Buen Parto, ihanda na ang inyong talento para sa isang gabing punong-puno ng saya, galing, at entertainment sa Bayanihan Got Talent 2026, ngayong October 10 sa Narra 3!

OPEN TO ALL! Singing, dancing, comedy, instrumental performances, group acts, at iba pang talento β€” ipakita ang galing at makipagtagisan para sa ating cash prizes:
πŸ† Champion β€” β‚±15,000
πŸ₯ˆ 1st Runner-Up β€” β‚±10,000
πŸ₯‰ 2nd Runner-Up β€” β‚±5,000

Registration Fee
β‚±1,000 β€” Regular
β‚±500 β€” Metro Bayani Residents

MECHANICS
- Bukas para sa solo, duo, o group performances
- Kahit anong uri ng talento ay welcome
- Bawat performance ay 5 to 7 minutes only
- Participants must provide their own music/audio file, costume, props, at iba pang kailangan sa performance
- Bawal ang dangerous acts o anumang maaaring makapahamak sa participants, judges, o audience
- Kailangang present ang participants bago magsimula ang program para sa confirmation at performance order
- Confirmed lamang ang registration kapag settled na ang payment
- Ang decision ng Board of Judges ay final and irrevocable
πŸŽ† At syempre, abangan din ang ating Grand Fireworks Display para mas lalong maging espesyal ang gabi!

Presented by Team Ted Carranza
In partnership with GTCAG Sports & Wellness, SKF Silang Cavite, and BUGA

For registration and inquiries:
SKF Neil Buso β€” 0945 146 5072

Isang gabi. Iba’t ibang talento. Isang masayang pagdiriwang para sa Metro BAYANI.

Address

New Silang Municipal Hall
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Federation ng Silang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share