Siniloan Traffic Management Office

Directions

Siniloan Traffic Management Office Para sa inyong mga reklamo at suwestyon

Maligayang Kaarawan po Mayor Patrick Ellis Z. Go πŸŽ‰πŸŽ‚πŸŽŠ God Bless poπŸ™ Pagbati po mula sa Siniloan Traffic Management Office
12/09/2026

Maligayang Kaarawan po Mayor Patrick Ellis Z. Go πŸŽ‰πŸŽ‚πŸŽŠ God Bless poπŸ™
Pagbati po mula sa Siniloan Traffic Management Office

🚦 PAALALA SA LAHAT NG MOTORISTA AT MAMAMAYAN NG SINILOAN!TRAFFIC FLOW | MGA ITINAKDANG DARAANANDahil sa TOTAL CLOSURE ng...
12/09/2026

🚦 PAALALA SA LAHAT NG MOTORISTA AT MAMAMAYAN NG SINILOAN!
TRAFFIC FLOW | MGA ITINAKDANG DARAANAN

Dahil sa TOTAL CLOSURE ng NANGUMA BRIDGE at Upang mapanatili ang maayos, ligtas at tuloy-tuloy na daloy ng trapiko sa ating bayan, narito ang mga itinakdang daanan para sa bawat uri ng sasakyan at destinasyon:

🟧 ORANGE ROUTE – M. PANDEΓ‘O
Para sa light vehicles, E-Bike, motorsiklo, tricycle, kotse, van at pick-up na patungo sa:
➑️ Pangil
➑️ Paete
➑️ Sta. Cruz
➑️ Southern Part / mga karatig-lugar sa timog

πŸŸ₯ RED ROUTE – P. BURGOS / TO REAL-INFANTA
Para sa 10 Wheeler not exceeding 20 tons,Bus, light vehicles, kotse, pick-up at van na patungo sa:
➑️ Famy
➑️ Real
➑️ Infanta
➑️ iba pang hilagang destinasyon

🟨 YELLOW ROUTE – I. MENDIOLA
Para sa E-Bike, MOTORCYCLES at TRICYCLES na patungo sa:
➑️ Famy
➑️ Saudi
➑️ Buhay
➑️ Manila East Road

πŸ“ Mahalagang Paalala:
Ang mga rutang ito ay itinakda upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko, mapabuti ang daloy ng mga sasakyan, at higit na mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng road users.

πŸ™ Hinihiling ng Siniloan Traffic Management Office (STMO) ang pakikiisa ng bawat motorista at mamamayan. Sundin ang tamang ruta, obserbahan ang mga traffic signs at makipagtulungan sa ating mga traffic enforcers.

Disiplina sa Daan, Ligtas na Biyahe, Mas Maunlad na Siniloan! πŸ‡΅πŸ‡­πŸš¦

Siniloan Traffic Management Office II

πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’
11/09/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’

πŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ’š
07/09/2026

πŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ’šπŸ’š

SEPTEMBER 1, 2026 | 126th PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARYπŸŽ‰ Isang Pagkilala para sa Serbisyong Publiko!Isang pagkila...
01/09/2026

SEPTEMBER 1, 2026 | 126th PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY

πŸŽ‰ Isang Pagkilala para sa Serbisyong Publiko!

Isang pagkilala ang natanggap ng Siniloan Traffic Management Office (STMO) bilang pagpapahalaga sa aming patuloy na pagsisikap na mapanatili ang maayos at maluwag na daloy ng trapiko sa ating bayan.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat miyembro ng STMO upang lalo pang pagbutihin ang aming tungkulin at serbisyo para sa ating mga kababayan.

Makakaasa po kayo na patuloy naming pagsisikapang paghusayin ang aming mga gawain, paigtingin ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa trapiko, at panatilihing maayos at maluwag ang mga kalsada ng Siniloan.

πŸ’™ Serbisyong Tapat, Disiplinadong Trapiko, Ligtas na Siniloan!


Siniloan Traffic Management Office II

29/08/2026

PASASALAMAT AT PAUMANHIN

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at naging bahagi ng matagumpay at ligtas na Motorshow bilang bahagi ng Guilingan Festival.

Lubos din po kaming nagpapasalamat dahil naging maayos ang buong programa at walang naitalang untoward incident sa isinagawang Motorshow.

Gayunpaman, muli po kaming humihingi ng paumanhin sa mga motorista at sa lahat ng naabala o naantala dahil sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa. Malaking bagay po ang inyong suporta upang maging maayos at ligtas ang ating pagdiriwang.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! πŸ™

God Bless Siniloan!

Siniloan Traffic Management Office II

28/08/2026

πŸ“’ TRAFFIC ADVISORY | PAGBABAGO NG RUTA 🚦
🏍️ MOTORSHOW | GUILINGAN FESTIVAL 2026 πŸŽ‰

Magandang araw po sa ating mga kababayan at motorista!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Guilingan Festival 2026 sa ating bayan, isasagawa po ang MOTORSHOW na nangangailangan ng pansamantalang pagbabago at pagsasara ng ilang bahagi ng ating kalsada upang mabigyang-daan ang nasabing programa.

🚧 SIMULA PO NGAYONG 1:00 PM, isasara ang bahagi ng E. Javier St., partikular ang kahabaan ng Tulay Bayan.

Dahil dito, magkakaroon po ng pagbabago sa ruta ng mga sasakyan at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala sa daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

πŸ™ Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya, lalo na't ito po ay isang SHORT NOTICE. Naiintindihan po namin na maaari itong makaapekto sa inyong biyahe, ngunit kinakailangan po ang pansamantalang traffic arrangement upang matiyak ang kaligtasan at maayos na pagsasagawa ng MOTORSHOW.

🀝 Nakikiusap po kami sa lahat ng motorista na sumunod sa itinakdang alternate route at sa mga instruction ng ating Traffic Enforcers na nakatalaga sa lugar.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya at pakikipagtulungan.

πŸŽ‰ Mabuhay ang Guilingan Festival!
🚦 Para sa ligtas at organisadong Siniloan!

β€” SINILOAN TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE (STMO)


Siniloan Traffic Management Office II

Send a message to learn more

πŸ“’ TRAFFIC ADVISORY | GUILINGAN FESTIVAL OPENING SALVOKaugnay ng gaganaping Opening Salvo ng Guilingan Festival, inaasaha...
24/08/2026

πŸ“’ TRAFFIC ADVISORY | GUILINGAN FESTIVAL OPENING SALVO

Kaugnay ng gaganaping Opening Salvo ng Guilingan Festival, inaasahan po ang mabigat na daloy ng trapiko, lalo na sa mga kalsadang madaraanan ng parada.

Humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng maaaring maabala o maipit sa trapiko. Hinihiling din po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang ating pagdiriwang.

Mahahalagang PaalalaπŸ“’πŸ“’πŸ“’

- Asahan po natin ang pagkaantala ng daloy ng trapiko mula ika-2 ng hapon hanggang matapos ang parada

- Hanggat maaari, hinihikayat ang lahat ng makikilahok na huwag nang magdala ng sasakyan o motorsiklo.

- Kung hindi maiiwasang magdala ng sasakyan, iparada lamang ito sa tama at itinalagang paradahan.

- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada sa mga kalye at iba pang bawal na lugar.

- Patuloy ang pagbibigay ng citation ticket sa sinumang lalabag sa mga batas-trapiko.

- Inaasahan ang kooperasyon ng lahat, kabilang ang mga opisyal ng bawat barangay, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong pagdiriwang.

Mga kababayan, sama-sama nating ipagdiwang ang GUILINGAN FESTIVAL! Ipakita natin ang tunay na pagkakaisa, disiplina, at pagmamalaki bilang SiniloeΓ±o.

Makiisa. Makisaya. Sumunod sa batas-trapiko.

God bless, Siniloan! πŸŽ‰πŸ™





πŸ“’ ROAD CLEARING OPERATION | SINILOAN, LAGUNA 🚦Patuloy ang Road Clearing Operation ng Siniloan Traffic Management Office ...
21/08/2026

πŸ“’ ROAD CLEARING OPERATION | SINILOAN, LAGUNA 🚦

Patuloy ang Road Clearing Operation ng Siniloan Traffic Management Office (STMO) bilang bahagi ng aming programa upang mapanatiling malinis, maayos, maluwag at ligtas ang ating mga lansangan.

πŸ“ KAHAPON, isinagawa ang Road Clearing Operation sa:
βœ… Brgy. Salubungan
βœ… Brgy. Halayhayin

πŸ“ NGAYONG ARAW, isinagawa naman ang Road Clearing Operation sa:
βœ… Brgy. I. Mendiola
βœ… Brgy. P. Burgos
βœ… Brgy. M. PandeΓ±o
βœ… Brgy. Gen. Luna

🚫 PAALALA SA LAHAT NG MOTORISTA:
Asahan po ninyo na araw-araw na iikot at magsasagawa ng monitoring ang aming tanggapan upang mabigyan ng kaukulang Citation Ticket ang mga patuloy na pumaparada o humaharang sa kalsada, alinsunod sa umiiral na mga batas at ordinansa.

πŸ’™ Maraming salamat po sa mga mamamayan ng Siniloan na patuloy na nakikiisa sa ating programa. Napakaganda pong tingnan ng ating mga lansangan kapag malinis, maayos at walang mga sasakyang nakaparada sa kalsada.

Hinihiling po namin ang inyong patuloy na pakikiisa at disiplina. Ang kaayusan ng ating bayan ay responsibilidad nating lahat.

πŸ‡΅πŸ‡­ BAYAN NG SINILOAN, SAMA-SAMA NATING LINISIN AT AYUSIN ANG ATING MGA LANSANGAN! πŸ‡΅πŸ‡­

🚦 Disiplina sa Kalsada, Kaayusan para sa Lahat.

Siniloan Traffic Management Office II

Address

Brgy. G. Redor Siniloan, Laguna
Siniloan
4019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Siniloan Traffic Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share