26/09/2026
At your service since 2024 until? π€·ββοΈ
Kahapon, Setyembre 25, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr ang Republic Act No. 12232, dahilan para i-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong taon.
Ano ang aming say?
Hindi sumusuporta ang konseho sa karagdagang taon na panukala ng batas sapagkat humuhadlang ito sa karapatan ng kabataan na pumili ng kanilang bagong lider, at nakakahinayang ang sana'y mabibigyan ng pagkakataon na maglingkod sa barangay.
Ayon sa pahayag ni Usec. Claire Castro, pagkakataon daw ito ng mga kasalukuyang Barangay Officials na ipagpatuloy ang mga nasimulang programa.
Subalit kung kami ang tatanungin, sapat na ang tatlong (3) taon para patunayan ang aming mga sarili. Mayroon kaming nagawa para sa kabataan. SANA BINIGYAN NG PAGKAKATAON ANG IBA.
9 out of 10 members ng konseho ay ganap nang professionals, ibig sabihin, gusto na rin nilang maghanap ng mas magandang oportunidad para sa kanilang personal at professional growth. Nawa'y maunawaan natin na kung dahil sa ikalawang election postponement ay tuluyan ng mag resign sa kanilang kanya kanyang posisyon ang ilan.
Ganito man ang mangyari, ipagpapatuloy ng Sangguniang Kabataan ang kanilang nasimulan bilang pagtupad sa ipinangakong serbisyo sa kabataan.
Hindi naman sana umabot sa Sangguniang Katandaan ang organisasyong para sa KABATAAN.