PNP 504th Maneuver Company, RMFB5

Call Directions Contact the organization

PNP 504th Maneuver Company, RMFB5 Camp Police Captain Max Jim Ramirez Tria

12/11/2026

PRO 5 ATTAINS 81.4% COMPLIANCE IN THE ACCOUNTING AND DISPOSITION OF FI****MS WITH EXPIRED REGISTRATION

The Police Regional Office 5 (PRO 5), under the leadership of PBGEN RANDY GLENN G. SILVIO, Regional Director, has attained 81.4% compliance in the implementation of the Accounting and Disposition of Fi****ms with Expired Registration (ADFER) Program as of November 11, 2026.

During the period, a total of 401 activities were conducted region-wide, resulting in the deposit of 46 fi****ms and the voluntary surrender of one (1) fi***rm, along with other accomplishments as reflected in the corresponding report.

To date, PRO 5 has recorded a cumulative accomplishment of 12,073 fi****ms, equivalent to 81.4% of its overall target, with 2,750 fi****ms remaining to attain full compliance.

Among the provinces, Catanduanes PPO has attained 100% compliance, followed by Sorsogon PPO with 96.4% and Camarines Norte PPO with 91%.

Under the directive and leadership of PBGEN SILVIO, PRO 5, in close coordination with the Regional Civil Security Unit 5 (RCSU 5), continues to intensify and double its efforts through sustained monitoring, intensified field activities, and strengthened coordination with concerned units and stakeholders.

These concerted efforts underscore PRO 5's commitment to ensuring the proper accounting and disposition of fi****ms with expired registrations, promoting responsible fi***rm ownership, strengthening regulatory compliance, and contributing to a safer and more secure Bicol Region.

PRO 5 remains steadfast in its pursuit of 100% compliance, leaving no stone unturned in ensuring that every unaccounted fi***rm is properly addressed and the program's ultimate target is fully attained.

12/11/2026
12/11/2026

“PADABA KO, PADABAON MO”: PRO 5 LAUNCHES INITIATIVE TO PROMOTE GENEROSITY AND SUPPORT PERSONNEL AND YOUTH WELFARE

In a meaningful expression of compassion, generosity, and shared responsibility, Police Regional Office 5 (PRO 5), under the leadership of PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, launched Project KASUROG “PADABA KO, PADABAON MO” on November 10, 2026, at the PRO 5 Grandstand, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City.

Launched in celebration of National Children's Month, “PADABA KO, PADABAON MO” aims to transform simple acts of giving into meaningful assistance for police personnel, their dependents, and the youth through Project YABHA and the KASUROG Damayan Program.

More than a fundraising initiative, the project promotes a culture of sharing by encouraging Police Commissioned Officers to donate quality pre-loved items, including clothing, footwear, bags, accessories, books, and household essentials. These items will be curated and made available during a fundraising activity at the PRO 5 Grandstand, providing police personnel an opportunity to support worthy causes while fostering fellowship and camaraderie.

All proceeds generated from the activity will go toward strengthening Project YABHA and the KASUROG Damayan Program, extending meaningful assistance to police personnel and their families while creating opportunities and support for the youth.

Emphasizing the importance of standing together in caring for the PRO 5 family, PBGEN SILVIO assured personnel of the organization's continued support, saying, “We are united in our commitment to look after our fellow police officers and their dependents. Through this initiative, rest assured that PRO 5 will continue to stand by you, extend help when needed, and ensure that no member of our police family is left behind.”

The initiative showcases PRO 5's continuing commitment to personnel welfare, organizational solidarity, and community partnership. It reinforces the principle that public service extends beyond law enforcement operations—it is equally demonstrated through compassion, generosity, and genuine concern for the welfare of others.

Anchored on the PNP Focused Agenda, particularly in enhancing personnel morale and welfare and strengthening community support, Project KASUROG “PADABA KO, PADABAON MO” embodies the spirit of KASUROG—standing together and extending a helping hand to those in need.

Through this initiative, Team KASUROG Cops affirms that even the simplest act of generosity can create a lasting impact. By sharing what we have, we give others not only material assistance but also hope, encouragement, and the assurance that no one is left behind.

12/11/2026

SERBISYONG NARARAMDAMAN: TULONG MEDIKAL IPINAABOT NG KAOGMA COPS SA ISANG RESIDENTE SA CAMSUR

CAMARINES SUR — Muling ipinamalas ng mga tauhan ng Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company (CS 1st PMFC), partikular ng R-PSB Team Lugsad, ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod matapos magbigay ng agarang transportasyon at tulong sa isang 33-anyos na residente ng Zone 3, Barangay Lugsad, Calabanga, Camarines Sur na nangangailangan ng mahahalagang gamot kaugnay ng kaniyang kondisyon sa kalusugang pangkaisipan.

Noong Nobyembre 10, 2026, pinangunahan ni PSSg Richard B. Cortez, Assistant Team Leader ng R-PSB Team Lugsad, ang nasabing pagtulong sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay Local Government Unit (BLGU) at mga kaanak ng residente upang matiyak ang maayos at ligtas na transportasyon nito patungo sa Cadlan, Pili, Camarines Sur, kung saan makukuha ang kaniyang mga kinakailangang gamot.

Matapos matiyak ang kahandaan ng pasyente para sa biyahe, ligtas siyang inihatid kasama ang kaniyang kapamilya sa itinalagang pagamutan at botika. Bukod sa transportasyon, ginabayan din siya ng mga kapulisan sa pagkuha ng mga kinakailangang gamot upang matugunan ang kaniyang agarang pangangailangan.

Ang makataong pagkilos na ito ay sumasalamin sa PNP Focused Agenda partikular sa Community Support, na naglalayong palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng maagap, makabuluhan, at tumutugong serbisyo, lalo na sa mga mamamayang nangangailangan ng karagdagang pag-aaruga at suporta.

Lalong pinagtitibay ng inisyatibong ito ang diwa ng Project Alagang KA-SU-ROG — na ang pagiging kapamilya ng komunidad ay nangangahulugan ng pag-unawa sa pinagdaraanan ng bawat isa, pag-alalay sa kanilang pangangailangan, at pagtiyak na walang maiiwan sa oras ng kagipitan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, Police Regional Office 5, patuloy na isinusulong ang isang kapulisan na hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi aktibong nakikibahagi rin sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa laki ng tulong na naibibigay, kundi sa kahandaang umalalay at magbigay-pag-asa sa sinumang nangangailangan.

12/11/2026

TATAK ALAGANG KASUROG COPS: JOVELLAR POLICE, NAGBIGAY NG TULONG SA RESIDENTENG INATAKE SA PUSO SA ALBAY

JOVELLAR, ALBAY—Agad na tinulungan ng mga tauhan ng Jovellar MPS ang isang residenteng inatake sa puso sa Barangay Quitinday, Jovellar, Albay, noong Nobyembre 10, 2026, upang mabilis na naihatid sa pinakamalapit na pagamutan gamit ang police mobile upang mabigyan ng kinakailangang atensiyong medikal.

Ang mabilis na pagkilos ng kapulisan, katuwang ang mga residente, ay nagpapakita ng kahalagahan ng maagap na pagtugon at pagtutulungan sa panahon ng emergency. Sa ganitong mga pagkakataon, ang police mobile ay hindi lamang nagsisilbing kagamitan sa pagpapatupad ng batas, kundi nagiging instrumento rin ng agarang serbisyong maaaring makatulong sa pagsagip ng buhay.

Ang naturang insidente ay konkretong pagsasabuhay ng PNP Focused Agenda partikular sa pagpapalakas ng serbisyong nakasentro sa mamamayan, pagpapahusay ng operational responsiveness, at pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Kaakibat nito ang Project Alagang KA-SU-ROG—kung saan ipinakikita ng pagtugong ito na ang malasakit ng kapulisan ay hindi lamang ipinahahayag sa salita, kundi higit na pinatutunayan sa pamamagitan ng mabilis, tapat, at makataong paglilingkod.

Sa pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, Police Regional Office 5, patuloy na hinihikayat ng Albay PPO ang bawat mamamayan na agad makipag-ugnayan sa kapulisan at iba pang emergency responders sa oras ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng maagap na paghingi ng tulong at sama-samang pagkilos, mas napapalakas ang kakayahan ng komunidad na mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat isa.

Sa bawat buhay na nangangailangan ng tulong, naroroon ang kapulisan—hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas, kundi bilang kapamilyang handang umalalay, maglingkod, at magmalasakit.

Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!

12/11/2026

ALAGANG KASUROG: PRO 5 HATID AY MATATAG NA KINABUKASAN NG KABATAAN SA SORSOGON

SORSOGON — Sa bawat batang nangangarap at nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral, nararapat lamang na may komunidad na handang umalalay at magbigay-inspirasyon. Sa paniniwalang ang edukasyon ay susi sa mas maliwanag na kinabukasan, muling pinatunayan ng Police Regional Office 5 na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa malasakit at konkretong pagtulong sa kapwa.

Noong Nobyembre 10, 2026, nagsagawa ang mga tauhan ng Sorsogon 2nd Provincial Mobile Force Company, ng pamamahagi ng food packs at school supplies sa mga iskolar ng Tanglaw Lahi ng kanilang yunit.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng Outreach Program ng PNP Officers' Ladies Club Foundation, Inc. (PNP OLCFI), Sorsogon Chapter, na naglalayong maghatid ng tulong sa mga iskolar, palakasin ang pagpapahalaga sa edukasyon, at hikayatin silang patuloy na magsikap upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Higit pa sa mga pagkaing ipinamahagi at kagamitang pampaaralan na ipinagkaloob, ang inisyatibong ito ay naghatid ng mensahe na hindi nag-iisa ang mga kabataang nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipadarama sa kanila na may mga lingkod-bayan at katuwang sa pamayanan na naniniwala sa kanilang kakayahan at potensiyal.

Kaakibat nito ang PNP Focused Agenda partikular sa Community Support, na nagbibigay-diin sa pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan, partikular ng mga kabataang nangangailangan ng suporta at gabay.

Lalong pinatitibay ng aktibidad ang diwa ng Project Alagang KA-SU-ROG — na sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga iskolar, ipinakikita ng kapulisan na ang pagiging kapamilya ng komunidad ay nangangahulugan din ng pagsuporta sa edukasyon, paglinang sa kakayahan ng kabataan, at pagbibigay-pag-asa sa susunod na henerasyon.

Sa patuloy na paggabay at pagsuporta sa mga kabataang iskolar, isinusulong ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, ang kapulisan na hindi lamang maaasahan sa oras ng pangangailangan kundi nararamdaman din ang malasakit sa bawat pamayanan.

Ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nakikita sa mga tungkuling ginagampanan, kundi higit na nararamdaman sa mga buhay na naaabot at mga pangarap na natutulungang maisakatuparan. Magtulungan po tayo sa paghubog ng kabataang may pangarap at kinabukasang puno ng pag-asa.

Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!

11/11/2026

CYBERCRIME PREVENTION AND ONLINE SAFETY: PAALALA PARA SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG INTERNET
Mga mamamayan, maging mapanuri, maingat, at responsable sa paggamit ng internet at social media. Huwag basta mag-click ng mga kahina-hinalang link, magbigay ng personal na impormasyon, o magtiwala sa mga hindi kilalang account upang maiwasan ang online scams, phishing, at iba pang uri ng cybercrime. Ugaliing gumamit ng malalakas na password at tiyaking ligtas ang mga website at online platforms na inyong ginagamit. Tandaan, ang bawat impormasyong ibinabahagi natin online ay dapat pag-isipang mabuti upang hindi ito magamit ng masasamang loob. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, pag-iingat, at pagiging mapanuri, mapoprotektahan natin ang ating sarili, pamilya, at komunidad laban sa mga banta sa digital na mundo. Maging matalino sa paggamit ng internet, dahil ang kaligtasan online ay responsibilidad ng bawat isa.


11/11/2026

PROJECT SAGIP: SAMAHAN, ALAGAAN, GABAYAN, AT ILIGTAS ANG MGA PAMILYA*

Isang makabuluhang programa na sumasalamin sa tunay na diwa ng paglilingkod, malasakit, at pagkakaisa ng kapulisan at komunidad.

Sa pamamagitan ng Project SAGIP (Samahan, Alagaan, Gabayan, at Iligtas ang mga Pamilya), ang 504th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5, sa pakikipagtulungan sa 504th MC Advisory Group at iba pang katuwang na sektor, ay nagsasagawa ng mga gawaing naglalayong magbigay ng suporta, gabay, kaalaman, at pag-asa sa mga pamilyang nangangailangan.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang pagbibigay ng mga punla ng gulay upang makatulong sa kabuhayan at seguridad sa pagkain ng mga pamilya, mga gawaing pang-edukasyon, spiritual upliftment, at talakayan tungkol sa pagpigil sa online extremism. Nagsagawa rin ng mga programang nagbibigay-pagkilala at pagpapahalaga sa mga indibidwal na naging bahagi at katuwang sa pagpapatupad ng proyekto.

Higit pa sa materyal na tulong at mga gawaing isinagawa, ang Project SAGIP ay nagsisilbing patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa tungkuling ginagampanan, kundi higit sa lahat sa malasakit na ipinapakita, pag-asang ibinabahagi, at buhay na nagiging mas makabuluhan dahil sa pagtutulungan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng kapulisan, mga katuwang na organisasyon, at mamamayan, patuloy nating pinatitibay ang isang komunidad na may malasakit, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat pamilya.

*PROJECT SAGIP — Dahil bawat pamilya ay mahalaga, bawat buhay ay may pag-asa, at bawat munting pagtulong ay maaaring maging simula ng mas magandang kinabukasan.*


11/11/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗥𝗢𝗡𝗔𝗟𝗗 "𝗕𝗔𝗧𝗢" 𝗗𝗘𝗟𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔

"The PNP will exhaust all lawful means to implement the warrant of arrest against Senator Ronald "Bato" Dela Rosa. His hiding, should he continue doing so, would constitute a refusal to submit to the lawful process.

We trust that as a former Chief of the PNP, Senator Dela Rosa understands the importance of upholding the law and will voluntarily submit himself to the proper authorities. "Kung sa puso niya ay nandoon pa ang pagiging Tatay ng Philippine National Police, alam namin na hindi niya hahayaan na merong miyembro ng PNP na masasaktan. Patuloy po kaming nagsusumamo sa kanya na sumuko na po siya upang maiwasan na po natin ang problema na maaaring mangyari."



Address

Esperanza
Sorsogon
4714

Telephone

+639634785283

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP 504th Maneuver Company, RMFB5 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP 504th Maneuver Company, RMFB5:

Shortcuts

Share