San Sebastian Sta. Magdalena Sorsogon

Directions

San Sebastian Sta. Magdalena Sorsogon More Beautiful Beaches Sebastian Sta Magdalena Sorsogon

06/10/2026
πŸ‡΅πŸ‡­ BAWAT BARANGAY, MAKIKINABANG!πŸ‡΅πŸ‡­PRESIDENTIAL ASSISTANCE TO BARANGAY PROJECTSocio-Civic Projects Fund (SCPF)Lubos po an...
05/10/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ BAWAT BARANGAY, MAKIKINABANG!πŸ‡΅πŸ‡­

PRESIDENTIAL ASSISTANCE TO BARANGAY PROJECT
Socio-Civic Projects Fund (SCPF)

Lubos po ang aming pasasalamat kay Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. at sa lahat ng naging bahagi ng Socio-civic Project Fund na naglalayong maghatid ng makabuluhang kagamitan at oportunidad sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagdadala ng mga proyektong makatutulong sa bawat pamilyang Pilipino.

πŸ“Œ MGA KAGAMITANG NAPILI AT NABILI:

1. PRINTER
2. DESKTOP AT COMPUTER
3.PROJECTOR

Ang mga kagamitang ito ay makatutulong sa mas mabilis, maayos, at episyenteng paghahatid ng serbisyo publikoat sa pagpapatupad ng mga programa at aktibidad ng Barangay.

πŸ‡΅πŸ‡­ Para sa mas mahusay na serbisyo. Para sa bawat Barangay. Para sa bawat Pilipino!






ππ€π†πŽππ† ππˆπ‹πˆππˆππ€π’ ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ "Bawa't Barangay Makikinabang"Taos-puso ang ating pasasalamat sa Pamah...
05/10/2026

ππ€π†πŽππ† ππˆπ‹πˆππˆππ€π’ ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ "Bawa't Barangay Makikinabang"

Taos-puso ang ating pasasalamat sa Pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) sa patuloy na suporta sa edukasyon at sa ating mga kabataan. Ang tulong na ito ay malaking ginhawa sa mga pamilya at dagdag na inspirasyon para sa ating mga iskolar na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

Ang limang (5) benepisyaryo ng programa ay ang mga sumusunod:

1. Angelu Bonuel- Bicol Merchant Marine College Inc.
2. Ariane C. Genavia- The Lewis College
3. Clarisse G. Garrote- R. G. De Castro Colleges
4. Amel G. Garados -Veritas College of Irosin
5. Shikaina Axel G. Garais - Ago Medical and Educational Center

Malugod na pagbati sa ating limang scholars! Nawa’y maging mahalagang bahagi ang scholarship assistance na ito sa inyong pagtatapos at magsilbing hakbang tungo sa katuparan ng inyong mga pangarap.




02/10/2026
KASO NG DENGUE SA SORSOGON, UMABOT NA SA HIGIT 2-KUmakyat sa 2,302 kaso na ng dengue ang naitala sa Sorsogon, kung saan ...
01/10/2026

KASO NG DENGUE SA SORSOGON, UMABOT NA SA HIGIT 2-K

Umakyat sa 2,302 kaso na ng dengue ang naitala sa Sorsogon, kung saan may 368 bagong kaso sa loob lamang ng isang linggo, ayon sa huling ulat ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO) ngayong Huwebes, Oktubre 1, 2026.

Ang nasabing kaso ay mula noong Enero hanggang nitong Setyembre 12, 2026, kung saan ang Sorsogon City ay nananatiling may mataas na kaso dahil sa kaso nitong 631.

Sumunod ang Bulan – 322; Irosin – 258; Castilla – 216; Matnog – 167; Donsol – 160; Pilar – 146; Gubat – 98; Sta. Magdalena – 65; Bulusan – 52; Casiguran – 52; Pto. Diaz – 49; Barcelona – 41; Juban – 29; at Magallanes na may 16 kaso.

Muli namang nanawagan sa publiko na panatilihing gawin ang mga sumusunod upang malabanan ang dengue:

- SEARCH AND DESTROY
Suyurin araw-araw ang loob at paligid ng bahay. Hanapin at sirain ang mga posibleng pamugaran ng lamok.
-SELF-PROTECTION
Magsuot ng damit na nakatakip sa balat at gumamit ng mosquito repellent, lalo na sa mga lugar at oras na maraming lamok.
- SEEK EARLY CONSULTATION
Kapag may mataas o pabalik-balik na lagnat at iba pang sintomas, huwag maghintayβ€”magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o pagamutan.
-SUPPORT FOGGING/SPRAYING
Makipagtulungan sa mga health authorities sa fogging o spraying activities sa mga itinalagang hotspot areas, kung kinakailangan.

Bukod dito ay isabuhay din ang 4T’s:
TAOB – Itapon o itaob ang mga lalagyan na maaaring maipunan ng tubig.
TAKTAK – Taktakin at alisin ang naipong tubig.
TUYO – Panatilihing tuyo ang mga lalagyan at lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
TAKIP – Takpan nang maigi ang mga lalagyan ng tubig.

SOURCE: SOR PHO

__________________
For more updates:
www.facebook.com/sansebastianstamagdalenasorsogon

πŸ“’ ADVISORY: POWER SERVICE INTERRUPTION CANCELLATION  ​Please be informed that the scheduled power service interruption a...
30/09/2026

πŸ“’ ADVISORY: POWER SERVICE INTERRUPTION CANCELLATION
​Please be informed that the scheduled power service interruption along the Daraga-Sorsogon 69 kV Line on October 4, 2026, has been CANCELLED.
​This cancellation comes in response to the request of LGU Casiguran for their upcoming town fiesta celebration. A separate notice will be issued once the new schedule for the planned activities is finalized.
​Thank you for your understanding and cooperation!
​

__________________
For more updates:
www.facebook.com/sansebastianstamagdalenasorsogon

20/09/2026

πŸ“’ ππ”ππ‹πˆπ‚ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“

𝐋𝐆𝐔 𝐂𝐀𝐑𝐄𝐒 πŸ’•

‼️ π—Ÿπ—’π—¦π—§ π—¦π—›π—œπ—› 𝗧𝗭𝗨 ‼️

Nakikiusap po ang may-ari na matulungan nating mahanap ang kanyang nawawalang Shih Tzu.

Name: Mon
Age: 2 years old
Breed: Shih Tzu
Color/Markings: White with black/brown markings
Last seen: Balading Beach Resort, San Sebastian, Santa Magdalena, Sorsogon.

Ayon sa may-ari, taga-Castilla sila at naligo sa Balading Beach, San Sebastian, Santa Magdalena, Sorsogon. Kaya posibleng sa lugar din na iyon nawala o nakalabas si Mon. Patuloy po ang kanilang paghahanap at umaasa silang may nakakita sa kanilang alagang aso. 🐢

Ayon sa impormasyon, habang nasa CR ang may-ari, nakalabas si Mon mula sa Balading Beach. May nakakita umano sa kanya na tumatakbo sa may kalsada at maaaring nasa paligid lang ito.
Kung sakaling nakita ninyo si Mon, makipag-ugnayan agad sa may-ari; kontakin ang numerong 09632151681.

Maaari rin kayong mag-message sa page na ito para maiparating agad ang anumang impormasyon.

Baka sakaling nakita ninyo si Mon sa inyong lugar. Kahit simpleng impormasyon lamang ay malaking tulong na upang mahanap siya at makauwi sa kanyang mga amo.

Maraming salamat po sa inyong tulong at sa bawat magbabahagi ng post na ito. Dios Mabalos! πŸ™



Address

San Sebastian Sta. Magdalena Sorsogon
Sorsogon
4709

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Sebastian Sta. Magdalena Sorsogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category