Public Information Office- Sorsogon City

Directions Website Contact the organization

Public Information Office- Sorsogon City The premier bridge to information between the government and the public.

𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐋𝐀𝐔𝐆𝐇𝐓𝐄𝐑𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄, 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐂𝐎𝐋 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍Kinilala ang Sorsogon City Slaughterhouse bilang 2...
19/10/2026

𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐋𝐀𝐔𝐆𝐇𝐓𝐄𝐑𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄, 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐂𝐎𝐋 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍

Kinilala ang Sorsogon City Slaughterhouse bilang 2nd Best Slaughterhouse sa Bicol Region ng National Meat Inspection Service- Regional Technical Operations Center V (NMIS-RTOC V) dahil sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa kalinisan at sanitasyon.

Iginawad ang parangal noong Oktubre 19, 2026, sa Pili, Camarines Sur, kasabay ng pagdiriwang ng 33rd Meat Safety Consciousness Week at ika-54 na anibersaryo ng NMIS.

Ayon sa City Veterinary Office, patunay ang pagkilalang ito sa dedikasyon ng mga kawani at suporta ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng ligtas at de-kalidad na karne para sa mga Sorsoganon.

📸 Sorsogon City Veterinary Office

15/10/2026

𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 5000 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍!

Iniaabot na sa mahigit 5,000 senior citizens sa Sorsogon City ang kanilang social pension para sa ikatlo at ikaapat na quarter ng taon.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), isinagawa kanina sa Balay na Daku ang payout para sa mga benepisyaryo mula sa Distrito ng Bacon.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng social pension hanggang Sabado, Oktubre 17, para sa mga natitirang distrito ng lungsod.

Bukas, Oktubre 16, nakatakdang ipagpatuloy ang payout para sa mga natitirang barangay sa Bacon District, kasabay ng mga barangay sa West District.

Sa Sabado naman, Oktubre 17, isasagawa ang pamamahagi sa mga natitirang barangay sa West District, kasabay ng mga barangay sa East District.

Layunin ng programa na makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong senior citizens bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

15/10/2026
𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐇𝐁 𝐀𝐓 𝐂𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀!Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue at paghahanda sa p...
15/10/2026

𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐇𝐁 𝐀𝐓 𝐂𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀!

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue at paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño, isinagawa ang isang emergency joint meeting ng Local Health Board (LHB) at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng lungsod kaugnay ng mga nabanggit na suliranin, gayundin ang mga plano at kinakailangang hakbang upang mapaghandaan at mabawasan ang posibleng epekto ng mga ito sa komunidad.

Patuloy ang pagtutulungan at koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod upang mapalakas ang mga hakbang sa pag-iwas, paghahanda, at pagtugon sa mga hamong pangkalusugan at pangsakuna, para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

14/10/2026

𝐇𝐚𝐥𝐨𝐬 700 na 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐝𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐖𝐞𝐞𝐤!

Sa ngiti, saya, at pusong puno ng pasasalamat, halos 700 senior citizens ng lungsod ang sama-samang nagdiwang ng 2026 Elderly Filipino Week bilang pagpupugay sa mga minamahal na lolo at lola na nagsilbing haligi ng mga pamilya at pundasyon ng komunidad.

Sa pangunguna ni Mayor Ester Hamor at ni Councilor Thess Hamor-Gonzalez, kasama ang iba pang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, naging makabuluhan ang pagdiriwang na nagbigay ng pagkakataon sa mga nakatatanda na magsaya, makisalamuha, at muling ipamalas ang kanilang mga natatanging talento.

Isa sa mga naging tampok ng aktibidad ang pagpapamalas ng kakayahan at talento ng mga senior citizens, na nagpatunay na ang edad ay hindi hadlang upang patuloy na mangarap, lumikha, at magbigay-inspirasyon sa kapwa. Sa bawat ngiti at palakpak, dama ang pagkilala at pagmamahal para sa mga lolo at lolang patuloy na nagbibigay-kulay at saysay sa buhay ng kanilang mga pamilya at ng buong lungsod.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Councilor Thess ang malaking paggalang at pagpapahalaga nila sa mga senior citizens, sapagkat sila ang mga haliging naghubog sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng lungsod. Ang kanilang mga sakripisyo, karanasan, at mga aral sa buhay ay mananatiling mahalagang pamana sa susunod na mga henerasyon.

Dagdag pa niya, patuloy na isinusulong ang mga programa at serbisyong naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga nakatatanda, upang matiyak na hindi sila napapabayaan at patuloy nilang mararamdaman na sila ay mahalaga, pinahahalagahan, at inaalagaan.

Kabilang sa mga programang ito ang Balay na Daku, isang tahanang nagsisilbing kapaki-pakinabang na espasyo para sa mga senior citizens at kabataan, kung saan kapwa nila maaaring maranasan ang mga benepisyo ng pag-aaruga, pakikisalamuha, at pagkakaroon ng isang komunidad na maituturing na pamilya.

Higit pa sa isang selebrasyon, ang pagdiriwang ng 2026 Elderly Filipino Week ay isang makabuluhang paalala na ang ating mga lolo at lola ay hindi lamang bahagi ng ating nakaraan, sila ay mahalagang bahagi ng ating kasalukuyan at inspirasyon sa ating kinabukasan.

Sapagkat sa bawat kwento ng kanilang buhay, naroon ang kasaysayan; sa bawat sakripisyo, naroon ang pagmamahal; at sa bawat ngiti ng ating mga senior citizens, naroon ang paalala na ang tunay na pag-unlad ng isang lungsod ay nasusukat din sa kung paano nito minamahal at inaalagaan ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa susunod na henerasyon.

🅚🅐🅢🅐🅝🅖🅖🅐🅨🅐🅗🅐🅝 ➋⓿➋➏Captured Moments During the Grand Parade
13/10/2026

🅚🅐🅢🅐🅝🅖🅖🅐🅨🅐🅗🅐🅝 ➋⓿➋➏
Captured Moments During the Grand Parade

13/10/2026

𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 2026 𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐋 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐍𝐔𝐊𝐒𝐀𝐍!

Masayang selebrasyon at sari-saring aktibidad ang naghihintay sa mga Sorsoganon sa pormal na pagbubukas ng Kasanggayahan 2026!

Nakiisa ang Lungsod ng Sorsogon sa pagbubukas ng taunang pagdiriwang na pinangunahan ng Provincial Government of Sorsogon.

Sinimulan ang grand opening sa pamamagitan ng isang makulay na parada na sinundan naman ng isang konsiyerto na tampok ang ilang malalaking pangalan sa industriya ng showbiz.

Inaasahan pa ang mas marami at kapana-panabik na aktibidad sa mga susunod na araw bilang bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito.

Kaya naman, inaanyayahan ang lahat ng mga Sorsoganon na makiisa, makisaya, at makibahagi sa iba't ibang aktibidad ng Kasanggayahan 2026.

Kasanggayahan 2026, sama-samang pagdiriwang ng kultura, pagkakaisa, at pagmamalaki bilang mga Sorsoganon!

𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐑𝐮𝐥𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥Nagsagawa ng commi...
12/10/2026

𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐑𝐮𝐥𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥

Nagsagawa ng committee hearing ang Committee of the Whole ng Sangguniang Panlungsod upang talakayin at isaayos ang panukalang ordinansa na magtatakda ng mga patakaran at regulasyon sa paggamit at pangangalaga ng bagong gusali ng Sorsogon City Government.

Isinagawa ang pagdinig bilang tugon sa kahilingan ng alkalde ng lungsod, na naglalayong makabuo ng malinaw, konkreto at matibay na mga alituntunin para sa maayos na paggamit at pagpapanatili ng bagong gusali ng pamahalaang lungsod.

Inaasahang magbubukas sa publiko sa darating na Disyembre ang bagong City Hall na magsisilbing pangunahing tanggapan ng pamahalaang lungsod at simbolo ng patuloy na pag-unlad ng Sorsogon.

Kaakibat ng paglipat sa bagong gusali, na nagtatampok ng dekalidad at makabagong disenyo, ang responsibilidad ng pamahalaan at ng publiko na pangalagaan ang pasilidad upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kagandahan nito.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pangangalaga sa gusali dahil itinayo ito gamit ang pondo ng taumbayan. Bilang isang pampublikong pasilidad, ang bagong City Hall ay itinuturing na pag-aari ng lahat ng mamamayan ng lungsod at sumasagisag sa dignidad at pagkakakilanlan ng bawat Sorsoganon.

Sa pamamagitan ng panukalang ordinansa, layuning maitaguyod ang disiplina at responsableng paggamit ng pasilidad upang mapanatili ang kaayusan at maipakita ang mga pagpapahalagang kinakatawan ng mga mamamayan ng Sorsogon, 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔𝒂𝒏, 𝒌𝒂𝒂𝒚𝒖𝒔𝒂𝒏, 𝒌𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒉𝒂𝒏, 𝒌𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒓𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂.

09/10/2026

𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐀𝐍𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐓 𝐔𝐍𝐈𝐅𝐎𝐑𝐌 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄!

Aabot sa 1,000 iskolar ng Lungsod ng Sorsogon ang nakatanggap ngayong araw ng kanilang buwanang allowance at uniform assistance sa ilalim ng programang Sulay sa Futuro ng Pamahalaang Lungsod.

Kabilang sa mga benepisyaryong iskolar ng Sulay sa Futuro ang mga mag-aaral na Sorsoganon mula sa pampubliko at pribadong paaralan kahit pa ang mga ito ay nag-aaral sa ibang lungsod tulad ng Naga City at Legazpi City.

Bawat iskolar ay nakatanggap ng ₱ 1,700.00 para sa buwan ng Agosto at tulong para sa uniporme, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Sorsoganon.

𝐏𝐀𝐂𝐅𝐌𝐂 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀!Matagumpay na nagtapos ang apat na araw na validation para sa Presidential A...
08/10/2026

𝐏𝐀𝐂𝐅𝐌𝐂 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐑𝐒𝐎𝐆𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀!

Matagumpay na nagtapos ang apat na araw na validation para sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) sa Sorsogon City matapos isagawa kahapon ang Exit Conference ng mga National Validators.

Sa loob ng apat na araw, masusing nilibot at sinuri ng mga validators ang iba’t ibang programa at inisyatibo ng lungsod para sa mga kabataan, mula sa mga tanggapan ng City Government hanggang sa mga barangay.

Sa Exit Conference, nagkaroon ng produktibong diskusyon at pag-uulat, kung saan ibinahagi ng mga validators ang kanilang mga naging obserbasyon at mga programang kanilang nakita at hinangaan sa isinagawang validation.

Ngayong araw, balik na sa kani-kanilang mga ahensya ang mga National Validators upang iulat ang kanilang mga naobserbahan hinggil sa kanilang pagbisita sa Sorsogon City.

Sa kanilang pag-alis, hangad ng Pamahalaang Lungsod na naging makabuluhan ang kanilang apat na araw na pagbisita, at naway tumatak sa kanila ang mga natatanging programa at serbisyong patuloy na isinusulong ng Sorsogon City para sa mga bata at buong komunidad.

Address

Sorsogon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office- Sorsogon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Information Office- Sorsogon City:

Shortcuts

Share