23/07/2026
‼️
𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
24 July 2026
Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalalakas ng Tropical Cyclone (TC) KIYAPO, na nagdudulot ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng Lalawigan ng Maguindanao del Norte, pansamantalang isinususpinde ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan, ngayong 24 July 2026, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte, DepEd, DOST-PAGASA, PDRRMO, at iba pang kinauukulang ahensya.
Maging handa sa posibleng pagbaha, pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog, at iba pang panganib na dulot ng patuloy na masamang panahon. Iwasan ang pagtawid sa mga bahaing lugar at sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan.
Patuloy na nakaantabay ang PDRRMO Maguindanao del Norte sa pagmamanman sa lagay ng panahon at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente.
Stay Alert. Stay Prepared. Stay Safe.
☎️ PDRRMO Hotline: 0993-550-0736