30/09/2026
BASAHIN!
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
UPLIFT 2nd Tranche Payout – Palimbang, Sultan Kudarat
1. ANONG IDs ANG PINAPAYAGAN NGAYONG 2ND TRANCHE?
A. National ID lamang po ang pinapayagan. Hindi na po tatanggapin ang Senior Citizens ID, Certificate of Voters, at iba pang IDs.
2. PWEDE BA MAG-CLAIM ANG HINDI NAKA-CLAIM NOONG 1ST TRANCHE?
A. Sa ngayon hindi na po pwede dahil sakto lang ang bugdet para sa 2nd Tranche.
3. PWEDE BANG IBANG TAO ANG MAG-CLAIM, TULAD NG ASAWA O ANAK NA NASA ROSTER LIST?
A. Hindi na po pwede. Kung sino po ang nag-claim noong 1st tranche, siya rin lamang po ang maaaring mag-claim ngayong 2nd tranche.
4. PWEDE BA ANG AUTHORIZED PERSON ANG MAG-CLAIM? (Halimbawa, may sakit o nasa malayong lugar ang claimant.)
A. Hindi rin po pwede. Ang mismong claimant lamang po ang maaaring mag-claim.
5. KUNG NAMATAY ANG BENEFICIARY NA NAKA-CLAIM NOONG 1ST TRANCHE, PWede pa bang ma-claim ng nasa roster list o family member?
A. Opo, pwede po, basta may Death Certificate mula sa Local Civil Registry (LCR) at makumpleto ang kinakailangang verification.
6. PAANO KAMI MAKAKAKUHA NG NATIONAL ID?
A. During payout, may naka-standby po na mga taga-PSA na tutulong para sa National ID concerns.
7. ANO-ANO ANG REQUIREMENTS SA PSA?
A. Transaction Slip po. Para sa mga may transaction slip, pumunta lamang po sa PSA para makakuha ng black and white copy.
8. NAWALA PO ANG TRANSACTION SLIP NAMIN. PAANO NA?
A. Kung nawala po ang transaction slip, kailangan ang mga sumusunod:
1. Birth Certificate
- Kung walang Birth Certificate, maaaring Barangay Certificate na nakalagay ang:
- Complete Name
- Birthday
- Birthplace
- Pangalan ng Father
- Pangalan ng Mother
2. Isang valid ID tulad ng PhilHealth ID, Driver’s License, Voter’s Certificate, UMID, at iba pa.
- Original + 2 photocopies
9. HINDI NA PO COINCIDE ANG NAME KO SA NATIONAL ID AT SA UPLIFT SYSTEM. KAILANGAN PA BA NG CERTIFICATE OF ONENESS?
A. Okay lang po iyon. Sila na po ang mag-e-edit o magco-correct ng pangalan sa system para maitama ang record. Hindi na po kailangan ng Certificate of Oneness.
10. HINDI PA AKO NAKAPAG-REGISTER PARA SA NATIONAL ID. PWede ba akong mag-register SA ARAW NG PAYOUT?
A. Opo, pwede po. Para sa mga hindi pa talaga nakapag-register sa National ID, maaari pong magpa-register during payout. Pagkatapos, ipa-photocopy po ang transaction slip kasama ang isang valid ID.
11. PWede ba ang Transaction Slip kasama ang ibang ID?
A. Opo, pwede po.
12. HINDI PO KAMI BENEFICIARIES NG UPLIFT PERO GUSTO NAMIN MAGPA-REGISTER O MAGPA-GENERATE NG NATIONAL ID. PWede bang MAKISINGIT?
A. Hindi po. Priority po ang mga beneficiaries ng UPLIFT. Huwag na po nating dagdagan ang haba ng pila para mas mabilis at maayos ang proseso para sa mga beneficiaries.
13. PWede ko bang IPA-CANCEL ANG UPLIFT FUND NG DATI KONG ASAWA? SIYA KASI ANG NAG-APPEAR NOONG 1ST TRANCHE AT NAUNAHAN AKO.
A. Hindi po pwede. Maaari po kayong mag-usap at magkasundo kung paano ito hahatiin.
14. MAY UPDATE BA KAMI SA PAYOUT SA IBANG MUNICIPALITY O PROVINCE?
A. Wala pa po kaming impormasyon kung kailan ang payout schedule sa ibang municipality o province. Sa ngayon, nakatuon lamang po kami sa UPLIFT payout sa Palimbang, Sultan Kudarat.
15. PAANO KUNG MAGPAGAWA NA LANG AKO NG PEKENG NATIONAL ID PARA MAS MAPABILIS ANG TRANSACTION KO?
A. Huwag na po kayong mag-abala o gumastos para sa pekeng National ID. Nade-detect po ang fake National ID at maaari lamang itong magdulot ng problema sa inyong transaction. Gumamit lamang po ng valid at tunay na dokumento.
16. Ano pala ang requirements sa 2nd Tranche? Same din ba sa nung una?
A. Yes po, 2 copies ng national ID.
17. Pwede ko bang gamitin ang digital ID ko? Yung sa e-gov?
A. Hindi po pwede.
📌 PAALALA SA QUESTION #2
Para sa mga hindi naka-claim noong 1st tranche, hinihintay pa rin po natin ang final decision/instruction mula sa Central Office. Magbibigay po kami agad ng official update kapag may malinaw nang desisyon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.