07/10/2026
October 7, 2026
TUPAD Onboarding at Orientation
Isinagawa ang TUPAD Onboarding at Orientation para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Barangay Sun Valley Hall.
Pinangunahan at sinuportahan ni Punong Barangay Chaqui Cortez, kasama sina Kag. Jeff Iyatot De Asis, Kag. Noel Pablo, at Barangay Secretary Banjo Sedigo Maure, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan upang maihatid ang mga programang pangkabuhayan at oportunidad sa ating mga kabarangay.
Taos-pusong pasasalamat kay Congressman Brian Yamsuan sa patuloy na suporta para sa TUPAD program at sa pagbibigay ng dagdag na oportunidad sa ating mga manggagawa.
Serbisyong may malasakit, oportunidad para sa lahat!