Municipality of TAAL

Directions

Municipality of TAAL Municipality of Taal, Province of Batangas ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Municipal Mayor Atty. Nene Bainto

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ...
24/09/2026

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป.๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธโ€

-Mayor Nene Bainto

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro at mga nais mag-avail ng serbisyo ng Pag-IBIG na dumalo sa Lingkod Pag-IBIG on Wheels...
24/09/2026

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro at mga nais mag-avail ng serbisyo ng Pag-IBIG na dumalo sa Lingkod Pag-IBIG on Wheels.

๐Ÿ—“ Petsa: Septyember 24, 2026 (Huwebes)
๐Ÿ•˜ Oras: 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
๐Ÿ“ Lugar: Escuela Pia

Ito ay isang magandang pagkakataon upang maisagawa ang mga sumusunod na serbisyo:
โœ”๏ธ Pag-update at beripikasyon ng Pag-IBIG membership
โœ”๏ธ Pagtanggap ng aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL)
โœ”๏ธ Offsite enrollment

Hinihikayat ang lahat na i-avail ang mga serbisyong inilapit ng Pag-IBIG Fund sa Bayan ng Taal upang makapag-transaksyon nang mas mabilis at mas maginhawa.

๐Ÿ’๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐€๐’๐“๐€๐‹ ๐‚๐‹๐„๐€๐๐”๐ ๐ƒ๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐“๐€๐€๐‹.Nakiisa ang Bayan ng Taal sa International Coastal Cleanup Day n...
23/09/2026

๐Ÿ’๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐€๐’๐“๐€๐‹ ๐‚๐‹๐„๐€๐๐”๐ ๐ƒ๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐“๐€๐€๐‹.

Nakiisa ang Bayan ng Taal sa International Coastal Cleanup Day na isinagawa ngayong araw sa Brgy. Butong, Taal, Batangas.

Sa sama-samang pagkilos, umabot sa 744 sako ng basura ang nakolekta, na tinatayang mahigit 10,000 kilo o higit 10 tonelada. Malaking halaga ito ng basurang naalis sa ating kapaligiran at hindi na mapupunta sa ating mga daluyan ng tubig.

Pero higit sa dami ng nakolekta, mas mahalaga ang pagkakaisa ng mga taong naglaan ng oras, lakas, at malasakit para sa ating kalikasan. Ang cleanup na ito ay simpleng paalala na hindi kailangang maghintay ng malaking bagay para makatulong. Minsan, nagsisimula ito sa pagpulot ng isang basura, tamang pagtatapon, at pakikiisa sa mga ganitong gawain.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa ating kalikasan!

Kaisa sa aktibidad ang:

๐ŸŒŠ Mga kawani ng LGU Taal
๐ŸŒŠBrgy. Butong Officials & Functionaries
๐ŸŒŠMga Mandaragat ng Brgy. Butong
๐ŸŒŠTUPAD Beneficiaries mula sa mga Barangay ng Butong, Poblacion 5, Poblacion 4, Tatlong Maria, Seiran, Caysasay at Cawit
๐ŸŒŠ 4Ps Members
๐ŸŒŠTaal National High School
๐ŸŒŠTaal Senior High School
๐ŸŒŠLemery Colleges
๐ŸŒŠOur Lady of Caysasay Academy
๐ŸŒŠTaal Youth for Good Governance
๐ŸŒŠRotary Club of Batangas Midwest
๐ŸŒŠPGENRO

๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ, ๐Œ๐ž๐ซ๐จ๐ง ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š! โ€” ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ž๐ž...
23/09/2026

๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ, ๐Œ๐ž๐ซ๐จ๐ง ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š! โ€” ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ž๐ž๐๐ฌ โค๏ธ

Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Taal sa pagbibigay ng Cash Assistance para sa ating mga Learners with Special Educational Needs (LSEN) bilang suporta sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon. Layunin nitong makatulong sa mga pamilya at masuportahan ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng ating mga kabataan.

Naniniwala tayo na bawat mag-aaral ay mahalaga at bawat isa ay may kakayahang umunlad at makamit ang kanilang mga pangarap. Kaya sinisikap nating maibigay ang mga oportunidad at suportang kailangan upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, isinusulong natin ang isang mas inklusibo at may malasakit na pamahalaan - isang pamahalaang nakikinig, umaalalay, at nagbibigay halaga sa kapakanan at kinabukasan ng bawat Taaleรฑo.

Taal, Mapagkalinga, Maunlad, Matatag!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐’๐”๐๐Ž๐‘๐“๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€๐๐† ๐“๐€๐€๐‹๐„ร‘๐Ž!Masayang tinanggap ng DepEd Taal Sub-Office ang mga sports ...
23/09/2026

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐’๐”๐๐Ž๐‘๐“๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐€๐“๐‹๐„๐“๐€๐๐† ๐“๐€๐€๐‹๐„ร‘๐Ž!

Masayang tinanggap ng DepEd Taal Sub-Office ang mga sports equipment mula sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Taal, bilang bahagi ng patuloy nating pagsuporta sa sports development at sa mga kabataang atleta ng ating bayan.

Ang mga kagamitang ito ay gagamitin para sa nalalapit na Sports and Athletic Meet 2026 at sa patuloy na pagsasanay sa ibaโ€™t ibang sports activities ng ating mga mag-aaral. Layunin nating matiyak na mayroon silang sapat at maayos na kagamitan upang mahasa nang husto ang kanilang mga talento, at maabot ang kanilang mga pangarap sa larangan ng palakasan.

Patuloy tayong magiging katuwang ng DepEd, mga g**o, coaches, magulang, at higit sa lahat, ng ating mga kabataan sa paghubog ng isang mas malusog at mahusay na henerasyon.

๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐๐€ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐’๐“๐„๐‘ ๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐’๐„!Ang pagiging handa sa anumang sakuna ay pundasyon ng isang mas...
23/09/2026

๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐๐€ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐’๐“๐„๐‘ ๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐’๐„!

Ang pagiging handa sa anumang sakuna ay pundasyon ng isang mas matatag at maunlad na bayan. Kaya naman, patuloy na pinapalakas ng LGU Taal ang ating disaster preparedness and response capabilities sa pamamagitan ng pagbili ng bagong 2-in-1 Backhoe/Loader equipment na magsisilbing mahalagang katuwang sa ibaโ€™t ibang pangangailangan ng ating bayan.

Ang kagamitang ito ay maaaring gamitin sa clearing operations, pagtanggal ng debris, paglilinis at pagsasaayos ng mga kalsada, at mabilis na pagtugon sa mga emergency situation bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad.

Kasabay nito, sinisig**o ng LGU Taal na ang bawat pondo ay ginagamit nang wais, at may malinaw na pakinabang sa komunidad. Dahil ang wastong paggamit ng pondo ng bayan ay isang responsibilidad, at ang bawat pamumuhunan ay dapat nakatuon sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

BLOOD DONATION DRIVE 2026โ€œSerbisyo sa Bayan, Dugo Para sa Buhay.โ€Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Blood Donation ...
19/09/2026

BLOOD DONATION DRIVE 2026

โ€œSerbisyo sa Bayan, Dugo Para sa Buhay.โ€

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Blood Donation Drive 2026 bilang bahagi ng Civil Service Month Celebration.

๐Ÿ“… September 21, 2026 (Monday)
โฐ 9:00 AM โ€“ 12:00 NN
๐Ÿ“ Sesion Hall, Municipality of Taal

๐Ÿฉธ PAALALA SA MGA NAGNANAIS MAG-DONATE:
โ€ข Huwag uminom ng alak sa loob ng 24 oras bago ang blood donation.
โ€ข Matulog nang sapat.
โ€ข Kumain bago mag-donate.

Isang donasyon, maaaring makatulong sa higit pang buhay. Tara, magbigay ng dugo at pag-asa!

NO FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS ON TUESDAY, 8 September 2026 In view of the wea...
07/09/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS ON TUESDAY, 8 September 2026

In view of the weather conditions brought about by the Southwest Monsoon, all face-to-face classes in public and private schools, at all levels, in the Municipality of Taal are hereby suspended on Tuesday, 8 September 2026.

The conduct of classes through asynchronous, modular, or other appropriate learning modalities, if any, shall be at the discretion of the respective schools, in accordance with existing DepEd guidelines.

Ingat po, mga Taaleรฑo!

NO FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS ON MONDAY, 7 September 2026 In view of the weat...
06/09/2026

NO FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS IN BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS ON MONDAY, 7 September 2026

In view of the weather conditions brought about by the Southwest Monsoon, all face-to-face classes in public and private schools, at all levels, in the Municipality of Taal are hereby suspended on Monday, 7 September 2026.

The conduct of classes through asynchronous, modular, or other appropriate learning modalities, if any, shall be at the discretion of the respective schools, in accordance with existing DepEd guidelines.

Ingat po, mga Taaleรฑo!

Address

Taal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of TAAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share