29/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ ๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ก๐จ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐ฅ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก
Isang mahalaga at makasaysayang tagumpay para sa buong komunidad ang pag-apruba ng UP Board of Regents sa pag-angat ng estado ng UP Tacloban bilang ika-siyam na Constituent University ng UP System. Ang tagumpay na ito ay pagkilala sa deka-dekadang kahusayan, katatagan, at ambag ng pamantasan hindi lamang sa Silangan Kabisayaan kundi sa buong Pilipinas. Subalit, sa gitna ng pagdiriwang na ito para sa higit na awtonomiya ng pamantasan, kaakibat pa rin ang mga problemang matagal nang nakabinbin, ang kakulangan sa espasyo, kagamitan, at pati na ng mga g**o. Higit pa rito, may isang malaking bahagi ng unibersidad ang nananatiling nakakulong sa kadilimanโang ating demokratikong representasyon.
Sa pagpasok ng UP Tacloban sa bagong yugto bilang isang ganap na CU, isang malaking kabalintunaan na ang kasalukuyang College Student Council ay nananatiling bakante, bungi-bungi, at paralisado. Ang paglawak ng mandato ng unibersidad ay dapat na kaakibat ng pagpapalawak ng demokratikong espasyo sa mga mag-aaral.
Sa naganap na konsultasyon sa konseho ng magaaral sa UP Tacloban, inihayag ang kawalan ng konsultasyon ng OSA sa mga estudyante at Student Electoral Board sa inilabas nitong Election Calendar. Isa pa ay ang hindi pagtanggal sa probisyong nagbabawal sa mga estudyanteng may gradong 4 at 5 na tumakbo sa eleksyon. Sa kasalukuyan, may 7 miyembro lamang ang UP Tac SC, kasama ang 5 ex-officio members. Ito ay malayo sa 21 na posisyon na nakasaad sa kanilang konstitusyon.
Iilan lamang ang mga nabanggit sa mga suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng mga estudyante ng UP Tacloban. Paano natin matatawag na ganap ang pag-unlad ng pamantasan kung ang boses ng pinakamahalagang sektor nitoโang mga estudyanteโay walang opisyal at lehitimong kinatawan?
Sa ilalim ng pagbabagong ito, mas higit na kinakailangan ang isang matapang at malayang Konseho. Kung walang eleksyon, hinahayaan nating ang administrasyon lamang ang magtakda ng direksyon ng bagong CU nang walang pagkilala sa tinig ng bawat Iskolar ng Bayan.
Ang KASAMA sa UP ay nananawagan na ilunsad agad ang isang malaya at bukas na eleksyon upang ihalal ang kauna-unahang University Student Council, tiyakin ang demokratikong partisipasyon sa bagong CU, at pagalawin ang kolektibong aksyon ng mag-aaral. Tayo ay magbabantay sa mga kaganapan at patuloy na magoorganisa upang masig**o ang isang student-centered na eleksyon. Ang KASAMA sa UP ay naniniwalang hindi tayo pumapasok sa Unibersidad ng Pilipinas upang maging pasibong tagamasid lamang sa mga pagbabago. Ang kasaysayan ng UP Tacloban ay kasaysayan ng pagtindig, paggigiit, at paglaban. Kung kayaโt sa panahong ito ng transisyon, hindi natin hahayaang maiwan sa laylayan ang batayang karapatan ng bawat mag-aaral.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ง๐ฎ๐ฐ๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ป!
๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐, ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ด๐ฎ๐!
27/05/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ!
Matapos ang 53 taon, opisyal nang kinilala ang UP Tacloban bilang isang ganap na Constituent University sa isinagawang ika-1409th Meeting ng Board of Regents ngayong May 27, 2026. Ang pagkilalang ito ay kasunod ng pagiging autonomous unit nito noong Abril 2023 at nagsisilbing mahalagang yugto para sa buong komunidad ng pamantasan. Isa itong patunay sa patuloy na pagsusulong ng academic excellence at public service sa rehiyon ng Silangang Visayas.
Ngunit sa kabila nito, nawaโy magsilbing daan ito tungo sa mas inklusibo, demokratiko, at maka-estudyanteng pamantasan. Sa mga nagdaang taon, patuloy na kinaharap ng mga estudyante ang kakulangan sa espasyo at pasilidad, mabagal at komplikadong mga proseso, mahihigpit na polisiyang akademiko, at kakulangan ng suporta at pondo para sa konseho at publikasyon. Umaasa ang sangkaestudyantehan na higit na pakinggan at tugunan ng administrasyon ang mga hinaing at pangangailangan ng komunidad.
Nakikiisa ang UP Tacloban Student Council sa panibagong yugto ng pamantasan bilang bagong Constituent University ng UP System. Gayunpaman, hindi rito nagtatapos ang laban. Higit pa itong nagsisilbing panibagong simula upang mas mapalakas ang pagsusulong ng ating mga panawagan para sa isang mas makatarungan, makatao, at tunay na pro-student na UP Tacloban. Patuloy tayong lalaban hanggang makamit natin ang pamantasang nararapat para sa lahat.
14/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Nagsagawa ang UP Tacloban Student Council, kasama ang ibaโt ibang estudyante sa UP Tacloban ng Pose to Oppose ngayong Mayo 14. Sa gitna ng tumitinding kaguluhan at patuloy na pag-iral ng kultura ng impunidad sa bansa, ipinapanawagan ng sangkaestudyantehan ang pananagutan, katotohanan, at paninindigan laban sa pang-aabuso at katiwalian.
Kagabi lang, Mayo 13, nabalot ng tensyon at kaguluhan ang Senado matapos ang naiulat na insidente ng barilan sa loob ng gusali kasabay ng umiigting na usapin hinggil sa impeachment ni Sara Duterte at pananagutan ng mga sangkot sa war on drugs. Kasabay nito, muling umugong ang panawagan para sa pag-aresto kay Senator Bato Dela Rosa matapos ang mga ulat hinggil sa posibilidad na maisama siya sa iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaniyang naging papel bilang dating hepe ng Philippine National Police sa panahon ng malawakang extrajudicial killings. Sa gitna ng kaguluhan, lalong luminaw ang desperasyon ng mga nasa kapangyarihan upang takasan ang pananagutan habang patuloy na sinisikil ang katotohanan at hustisya.
Panahon na para singilin ang rehimeng Marcos Jr. sa pagpapabaya at pakikipagsabwatan sa mga imperyalistang bansa. Panahon na rin upang panagutin ang diktador na si Rodrigo Duterte sa libo-libong buhay na inagaw mula sa mga biktima ng war on drugs. Kasabay nito ang mariing panawagan para sa agarang pag-aresto kay Bato Dela Rosa bilang pangunahing kasabwat sa mga extrajudicial killings na naganap sa ilalim ng madugong kampanya kontra droga. Higit kailanman, kinakailangan ding panagutin si Sara Duterte sa korapsyon, pang-aabuso sa pondo ng bayan, at paggamit ng kapangyarihan para sa pansariling interes.
Sa panahong sinusubok ang integridad ng mga institusyon at patuloy na iniiwasan ng mga may kapangyarihan ang pananagutan, naninindigan ang mga Iskolar ng Bayan para sa isang gobyernong tunay na nagsisilbi para sa masa.
14/05/2026
The UP Tacloban Student Council extends its sincerest gratitude to UP Triskelions Tacloban Unit for their generous support and invaluable donation to Kapehan Ha MPB.
This initiative, led by the Student Council, will be held from May 4-14 at the Multi-Purpose Building (MPB) during the following hours:
๐ข Weekdays:
May 4-5; 5:00 PM - 11:00 PM
May 6-8, 11-14; 8:00 AM - 11:00 PM
๐ข Weekends:
May 9; 9:00 AM โ 6:00 PM
Enjoy free coffee available at the front desk to keep you energized as you prepare for your finals!
For individuals or organizations who wish to contribute, cash donations or any in-kind donation, you may contact any Student Council member or drop them off at the MPB front desk or the Student Council Office.
If you have further inquiries you may send them via email at [email protected].
Once again, thank you to everyone for your generosity and support for our fellow iskolars.
Anoโฆ tara? โ๏ธ
14/05/2026
The UP Tacloban Student Council extends its sincerest gratitude to UP Halcyon for their generous support and invaluable donation to Kapehan Ha MPB.
This initiative, led by the Student Council, will be held from May 4-14 at the Multi-Purpose Building (MPB) during the following hours:
๐ข Weekdays:
May 4-5; 5:00 PM - 11:00 PM
May 6-8, 11-14; 8:00 AM - 11:00 PM
๐ข Weekends:
May 9; 9:00 AM โ 6:00 PM
Enjoy free coffee available at the front desk to keep you energized as you prepare for your finals!
For individuals or organizations who wish to contribute, cash donations or any in-kind donation, you may contact any Student Council member or drop them off at the MPB front desk or the Student Council Office.
If you have further inquiries you may send them via email at [email protected].
Once again, thank you to everyone for your generosity and support for our fellow iskolars.
Anoโฆ tara? โ๏ธ
13/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ang Balikatan ay isang malaking annual bilateral exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na naglalayong patatagin ang militar na depensa ng bansa sa lupa, himpapawid, karagatan, at maging sa cyber spaces. Sa katatapos lamang na Balikatan 2026, ika-41st sa kasaysayan ng pag oorganisa nito, na ginanap noong Abril 20 hanggang Mayo 8 ay itinala ang pinakamalaking partisipasyon ng mga bansa kabilang na ang Australia, Canada, France, Japan, at New Zealand na binuo ng mahigit 17,000 personnel. Ito ay nagmarka rin ng mas malawak na paggamit ng mga kagamitang pang-giyera at pagsagawa ng live-fire tests na higit ding nakaapekto sa mga komunidad at sa kanilang kabuhayan.
Sa Zambales, nagpatupad ang gobyerno ng 18-day fishing ban na nagdulot ng kawalan ng trabaho at kita ng mga mangingisda sa loob ng halos tatlong linggo. Sa kabila ng hindi makatarungan na pagpapatupad nito, walang suporta na nakuha ang mga mangingisda ng Zambales upang mapunan ang kanilang pangangailangan sa gitna ng pagsasagawa ng Balikatan. Sa Eastern Visayas, maging ang mga mangingisda ng San Jose, Tacloban ay napilitang maghanap ng ibang mapagkakakitaan sapagkat hindi sila pinayagang pumalaot. Iginiit din ng mga mangingisda na hindi sila kinunsulta ng gobyerno tungkol sa Balikatan at kagaya sa Zambales ay wala silang tulong na nakuha sa kabila ng perwisyo nito sa kanilang kabuhayan.
Maliban sa epekto nito sa mga manggagawa, ang presensya ng militar na dayuhan sa Pilipinas ay patunay ng mas malalim pang isyu sa soberanya ng bansa. Ang kasalukuyang koneksyon ng Estados Unidos sa agresyong nangyayari sa Gitnang Silangan, at ang panunupil nito sa iba pang mga bansa ay nakakabahala. Ang maritime exercises na ginawa sa Ilocos Norte, Tacloban, Palawan, Zambales, at Nueva Ecija ay makikita bilang unti-unting pag-kontrol ng mga karagatan ng bansa na ating ipinapaubaya muli sa isa sa ating mga mananakop. Ang mga missile launch at fire strikes ay higit pa sa paghahanda ngunit tungkol din sa pagpukaw ng mas malaki pang suliranin sa pagitan ng Estados Unidos, Pilipinas, at Tsina. Ang mga lokasyon kung saan ginanap ang Balikatan ay mabigat na patunay ng panunukso ng dayuhan na maaari pang magpasiklab ng mas malawak na suliranin.
Mariing kinokondena ng UP Tacloban Student Council ang presensya ng mga dayuhan sa ating bansa na naglalayon lamang itulak ang Pilipinas na sumali sa mas malawak na problemang pandaigdig. Walang lugar ang mga pasistang bansa kagaya ng Estados Unidos sa ating teritoryo at hindi sila karapat-dapat na kinaluluguran ng pagkakataong pamunuan ang ating bansa. Patuloy tayong titindig na palayasin ang mga dayuhang pwersang militar sa ating bansa at patuloy nating ipaglalaban ang kabuhayan ng ating mga manggagawa na may karapatang mamuhay at mag-trabaho ng may dignidad at katarungan.
11/05/2026
Sip, study, and survive this finals season!โ Here are the highlights from Days 2โ7 of Kapehan Ha MPB.
This initiative, led by the Student Council, will be held from May 4-14 at the Multi-Purpose Building (MPB) during the following hours:
๐ข Weekdays:
May 4-5; 5:00 PM - 11:00 PM
May 6-8, 11-14; 8:00 AM - 11:00 PM
๐ข Weekends:
May 9; 9:00 AM โ 6:00 PM
Stay awake and stay focused โ grab your free drinks and snacks at the front desk!โ
11/05/2026
The UP Tacloban Student Council extends its sincerest gratitude to Alpha Phi Omega - Theta Zeta Chapter and UPTC Batch Bahandi for their generous support and invaluable donation to Kapehan Ha MPB.
This initiative, led by the Student Council, will be held from May 4-14 at the Multi-Purpose Building (MPB) during the following hours:
๐ข Weekdays:
May 4-5; 5:00 PM - 11:00 PM
May 6-8, 11-14; 8:00 AM - 11:00 PM
๐ข Weekends:
May 9; 9:00 AM โ 6:00 PM
Enjoy free coffee available at the front desk to keep you energized as you prepare for your finals!
For individuals or organizations who wish to contribute, cash donations or any in-kind donation, you may contact any Student Council member or drop them off at the MPB front desk or the Student Council Office.
If you have further inquiries you may send them via email at [email protected].
Once again, thank you to everyone for your generosity and support for our fellow iskolars.
Anoโฆ tara? โ๏ธ
06/05/2026
The UP Tacloban Student Council extends its sincerest gratitude to UP Runggiyan for their generous support and invaluable donation to Kapehan Ha MPB.
This initiative, led by the Student Council, will be held from May 4-14 at the Multi-Purpose Building (MPB) during the following hours:
๐ข Weekdays:
May 4-5; 5:00 PM - 11:00 PM
May 6-8, 11-14; 8:00 AM - 11:00 PM
๐ข Weekends:
May 9; 9:00 AM โ 6:00 PM
Enjoy free coffee available at the front desk to keep you energized as you prepare for your finals!
For individuals or organizations who wish to contribute, cash donations or any in-kind donation, you may contact any Student Council member or drop them off at the MPB front desk or the Student Council Office.
If you have further inquiries you may send them via email at [email protected].
Once again, thank you to everyone for your generosity and support for our fellow iskolars.
Anoโฆ tara? โ๏ธ
05/05/2026
The UP Tacloban Student Council extends its sincerest gratitude to UPTC Psych Circle, ORSICUP, and UPTC Batch Mayari for their generous support and invaluable donation to Kapehan Ha MPB.