17/03/2026
ANG BABAENG LUMALABAN: Women's Month Mobilization
Sa gitna ng lumalalang krisis dala ng pagtaas ng buwis, langis, at mga bilihin, mas lalong nalulugmok sa kahirapan ang ating mga maralita lalo na ang kababaihan na, kasama ng mga nabanggit, ay patuloy pa ring humaharap ng mga pangaabuso at diskriminasyon sa mga lansangan, sa bahay, sa trabaho, sa usaping legal, at sa iba pang aspetong kinabibilangan. Kaya hamon sa atin bilang mga Iskolar ng Bayan na samahan ang mga marhinalisadong sektor sa kanilang laban para sa tunay na kalayaang nakatuon sa kanilang karapatan na mamuhay nang may sapat na proteksyon, sweldo, pondo sa edukaksyon at pangkalusugan, at iba pang mga oportunidad na pilit pinagkakait sa kanila ng kasalukuyang sistema.
Ngayong Huwebes, 19 ng Marso, 11:00 ng umaga, sama-sama nating ipagtambol ang kanilang mga panawagan at taas-kamaong ipagsigawan na ang lugar ng kababaihan ay sa pakikibaka para sa isang lipunang malaya at tunay na mapagpalaya. ✊💜
📍19 Marso 2026
11:00 AM
AS Gate, UP Tacloban College
Photos from Philippine Collegian
14/03/2026
ANG BABAENG NAGSASALITA: Women's Month Educational Discussion Series
Ngayong linggo, mas kilalanin at palawakin pa natin ang mga diskursong pumapalibot sa pakikibakang pangkasarian lalo na ng ating mga kababaihan. Dumalo at magpadalo sa magaganap na mga Educational Discussion sa AS Conference Room, 10:30 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon ngayong lunes at martes, 16-17 ng Marso, para sa talakayang nakasentro sa mga isyung kinakaharap ng hanay ng kababaihan. Kita kits, mga iskolar ng bayan! ✊💜
📍16 Marso 2026
10:30 AM-12:00 PM
AS Conference Room
Topic: History of Women's Struggle for National Democracy
📍17 Marso 2026
10:30 AM-12:00 PM
AS Conference Room
Topic: Is "S*x Work" Work?: A Discussion on the Patriarchal Commodification of Women
Photo Credits to Philippine Collegian
08/03/2026
Each day, misogyny continues to manifest in different forms. Sometimes in small, casual remarks that are brushed off as jokes, and other times in large, systemic injustices that shape our laws, workplaces, and institutions. From unequal pay and limited opportunities to violence and harassment. These lived realities remind us that gender inequality is not an abstract nor hidden issue. It is something women experience in their daily lives.
Today, as we celebrate International Working Women’s Day, we refuse to reduce the struggle for women’s liberation to flowers, greetings, or empty slogans. The fight for women’s rights is far from over, and this day must serve as a reminder and call to action to fight against a system that entrenches patriarchal order.
But beyond daily threats, the violence experienced by women often takes deeply political forms. Political repression has significant implications for Filipino women by constraining their opportunities to express dissent, organize collectively, and influence political decision-making. Laws such as the Anti-Terror Law, Memorandum Order 32, and Executive Order 70 have been used to silence dissent and intimidate those who challenge the status quo. Activists, journalists, and community leaders who do nothing but advocate for genuine land reform, better social services, and the defense of human rights have become targets of state intimidation, harassment, and legal persecution aimed at discrediting their work and deterring their activism.
The state similarly exerts control over women’s bodies through restrictions on reproductive health. Abortion remains criminalized under the Revised Penal Code of the Philippines, punishing women who undergo the procedure and those who assist them. This criminalization denies them control over their own reproductive choices and forces many to resort to unsafe and clandestine procedures—consequences that fall hardest on poor women.
Honoring women today demands confronting these realities directly. Every right women hold has been won through struggle, sacrifice, and collective resistance. None of these rights were freely given. Celebrating women’s achievements requires that we continue to demand reproductive autonomy. To demand accountability from leaders who fail to uphold women’s rights. To fight for justice for the women unjustly detained by the fascist state. To demand protection from gender-based violence, fair wages, recognition of the labor that sustains households and economies, and all the rights that should have been guaranteed right from the beginning.
When women resist, the people advance.
23/02/2026
MAMAMAYAN NG SINIRANGAN BISAYAS, ISABUHAY ANG DIWA NG EDSA! WAKASAN ANG BULOK NA SISTEMA!
40 taon ang nakaraan, matagumpay na winakasan ng mamamayang Pilipino ang diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. at binawi ang demokrasya!
40 taon pagkatapos ng EDSA People Power, hinaharap naman natin ang administrasyon ng anak ng diktador na si Marcos Jr. Tulad ng kanyang ama, pahirap, korap, tuta, at pasista si Marcos Jr.
Malawakan ang kahirapan at kawalan ng trabaho. Hindi na makahabol sa ang sahod sa pagtaas ng bilihin.
Nagdurusa ang mamamayan sa pangungurakot ng gubyerno ng pondo na dapat gamitin sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Kinokompromiso ni Marcos Jr ang pambansang soberanya at seguridad sa pagpapadali ng panghihimasok ng US sa bansa. Noong Agosto 2025, pinirmahan ang "8-star memo" na nagpalawak ng presensya ng militar ng US sa Pilipinas. Nangangahulugan itong 500+ pinagsanib na ehersisyong militar at pagpasok ng 10,000+ tropa ng US. Pinahintulutan din ang pagpuwesto ng Typhon missile system sa bansa.
Sa rehiyon naman ng Silangang Bisayas, tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga mapanirang proyekto gaya ng black sand mining sa McArthur, Leyte na konektado kay Martin Romualdez. Winawasak ang kabuhayan ng mga komunidad habang umiigting ang militarisasyon. Sa ilang dekada nang pamumuno ng mga Romualdez, gutom at salat sa batayang serbisyo ang mga taga-Silangang Bisayas. Pinapasista naman ang mamamayan na nagpapahayag ng kanilang hinaing at pagtutol sa kanilang bulok na pamumuno.
Sa nakaraang taon, nasaksihan natin ang kahalagahan ng nagkakaisang pagkilos para maipamalas ang ating pagtutol sa korapsyon, panawagan para sa pagpapanagot sa mga sangkot, at pagsasauli sa ninakaw sa kaban ng bayan. Ang kolektibong pagkilos ang ating sandigan.
Kailangan ipagpatuloy ang pagpapatalsik sa hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte. Bilang pangunahing nagtataguyod sa kasalukuyang sistema, sa kanila dapat magsimula sa pagpapapanagot sa lahat ng sangkot. Walang pagpipilian ang taumbayan sa dalawang dinastiya na parehong kurakot at pahirap sa mga Pilipino!
Isabuhay ang tunay na diwa ng EDSA People Power! Ipagpatuloy ang pakikibaka para sa demokrasya at kalayaan!
Magkita-kita tayo sa lansangan ng Tacloban!
Dumalo at magpadalo ngayong ika-25 ng Pebrero!
19/02/2026
Ngayong araw ay nakipagtalakayan ang mga miyembro ng Pulso Han Mag-aaram at Anakbayan - Metro Tacloban sa mga Iskolar ng Bayan hinggil sa kalagayan ng ating bansa dulot ng nagpapatuloy na korapsyon at paglawak ng mga political dynasty.
Kaya bukas ay magkita-kita tayo upang tutulan ang patuloy na korapsyon at pandarambong ng mga lokal na politikal na dinastiya sa rehiyon ng Sinirangan Bisayas.
Kabataan, Dumaluyong!
Patuloy na pag-aalabin ang diwa ng EDSA!
February 20, 2026
5:00 PM
18/02/2026
KABATAAN, DUMALUYONG!
LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
MARCOS-DUTERTE, PATALSIKIN!
Nitong mga nakaraang linggo pumutok ang isyu ng walang habas na pagmimina ng black sand sa Brgy. Maya, bayan ng MacArthur. Ito ay matapos mag-viral ang mga bidyong kinuha ng mga residente sa gitna ng kanilang matinding pagtutol lalo na ng mga magsasaka sa lugar dahil sa malubhang epekto nito sa kanilang mga lupang sakahan na kalaunan ay nagpapalubha sa kanilang produksiyon at pamumuhay. Ang masaklap pa rito ay kahit na ang mga residente na mismo ang tumututol sa nasabing operasyon, noong nakaraang linggo lamang ay naglahad si Mayor Rudin Babante ng posisyon ng kanilang administrasyon na nagpapatibay sa nasabing operasyon dahil daw sa pagiging approved nito ng DENR. Ngunit ipinakita ng taumbayan ng MacArthur ang lakas ng nagkakaisang pamayanan.
Ito ang kasalukuyang lagay ng estado—may lisensya ang mga malalaking kompanya gaya ng Strong Built Development Corporation na pagmamay-ari ng mga Romualdez na maminsala at tanggalan ng kabuhayan ang ating mga maralitang sektor na maging ang kanilang lokal na pamahalaan ay hindi nila nagiging kakampi sa harap ng mga dambuhala at abusadong korporasyon dahil ang gobyerno ang nagiging haligi nila para panatilihin ang kanilang mga taktika. Patunay ito ng ating kasalukuyang estado—na ang gobyernong hindi dapat nagsisilbi sa mamamayan.
Kaya ngayong darating na Pebrero 20, ay dadaluyong ang lakas ng kabataan upang singilin ang lahat na lokal na naghaharing uri at ilantad ang mga kalapastangan na ginawa ng mga naghahari-harian lalo na dito sa Silangang Kabisayaan.
Pebrero 20, 2025
5:00 PM
18/02/2026
H𝐞𝐥𝐥𝐨 𝐦𝐚𝐲𝐨𝐫, 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐩𝐦. P𝐢𝐧𝐚𝐠𝐦𝐮𝐦𝐮𝐫𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧!
Sa nagdaang mga buwan ay naranasan ng mamamayan ng Tacloban ang nagpapatuloy na kahirapan lalo na't sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Mas lumala ang pagbaha sa iba’t ibang parte ng lungsod kahit matapos itong makatanggap ng mahigit ₱479 million na pondo para sa mga flood control projects sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2025.
Kasabay nito ay hirap pa rin ang mga mangingisda sa Cancabato Bay dahil sa epekto ng mapanirang Causeway Project na pinangunahan ng pamilyang Romualdez at kasosyo nitong si Zaldy Co na contractor sa nasabing proyekto.
Kaya ano Mayor, ipopost mo rin ba ’to?
15/02/2026
PADAYON AN PAKIGBISOG!
Ilang ulit mang naudlot, hindi kailanman makakansela ang ating patuloy na pakikibaka. Ngayong buwan ng pag-ibig, higit sa matatamis na salita at selebrasyon, nararapat nating ipamalas ang pagmamahal sa bayan sa paraan ng pagtindig at pagkilos para sa mga inaapi, gaya ng matagal nang ipinapakita ng Tacloban 5 at ng maraming Iskolar ng Bayan.
Bukas, Pebrero 16, sama-sama tayong tumugtog, umawit, at magsaya bilang pagpupugay sa patuloy na militanteng pakikibaka ng masa at pagpapakita ng nagkakaisang lakas ng mga Iskolar ng Bayan sa panawagang palayain ang Tacloban 5 at ang lahat ng bilanggong pulitikal. Dahil walang lakas ng panunupil o tanikala ang makakapigil sa pagmamahal sa masa.
Love means fighting back. Love is the essence of activism.
Palayain ang Tacloban 5!
Palayain ang lahat ng Bilanggong Pulitikal!
Date: February 16, 2025
Time: 4:00 - 7:00 PM
Venue: Multi Purpose Building
07/02/2026
Anim na taon na ang nakalipas mula nang ilegal na arestuhin at ikulong ang Tacloban 5. Anim na taong kasinungalingan. Anim na taong tahasang paggamit ng batas at iba't ibang legal na balangkas upang gawing krimen ang paglubog sa masa, pag-oorganisa, at paglaban para sa isang lipunang makatarungan at mapagpalaya.
Pebrero taong 2020 nang ilegal na arestuhin at sampahan ng mga gawa-gawang kaso sina Cumpio, isang community journalist ng Eastern Vista; Marielle “Maye” Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP); Alexander “Chakoy” Abinguna ng Katungod-Sinirangan Bisayas; Marissa Cabaljao, ng People Surge Network; at Mira Legion ng Bagong Alyansang Makabayan-Eastern Visayas o mas kilala bilang Tacloban 5.
Ngunit, sa magkakasunod na paghatol ng pagkakawalang-sala kina Frenchie Mae Cumpio at Marielle ‘Maye’ Domequil—lalo na ang pagbabasura ng murder charges ng Laoang RTC at ang kanilang pagkakawalang-sala sa kasong illegal possession of fi****ms and explosives ng Tacloban RTC—ay malinaw na nagpapatunay na ang mga alegasyon laban sa kanila ay gawa-gawa at kasinungalingan ng pulis at militar. Ipinapakita lamang nito kung gaano kalalim ang takot ng pamahalaan sa aktibismo, at kung bakit ang patuloy na pakikibaka ng mamamayan ang tanging mekanismo upang manatiling may pananagutan ang mga nasa kapangyarihan.
Sa panahong lantaran ang pandarambong sa kaban ng bayan, talamak ang pag-abuso sa kapangyarihan, at sistematiko ang pagyurak sa karapatang pantao, hindi ang pakikibaka ng mga kabataang lumalaban ang dapat ituring banta sa lipunan. Dahil ang tunay na banta sa lipunan ay ang mismong sistemang prinoprotektahan ang mga tiwali at pinapatay ang tinig ng mga matapang na tumuturo sa mukha ng panunupil.
Ang mahabang pagkakakulong sa kabila ng kawalan ng matibay na ebidensya ay nagpapakita ng krisis sa hustisya at ng paglayo ng hudikatura sa tungkulin nitong magsilbi sa taumbayan. Kaya’t ang PULSO HAN MAG-AARAM, kasama ang mas malawak na hanay ng masa, ay mariing nananawagan sa agarang pagpapalaya sa Tacloban 5, pagbabasura sa gawa-gawang kaso laban sa kanila, at hustisya para sa lahat ng bilanggong pulitikal. Iginigiit rin namin na dapat nang buwagin ang NTF-ELCAC na walang ibang ginawa kundi magpatuloy ng kultura ng impunity at pananakot sa mga boses ng militansya.
Sa lipunang laganap ang panunupil at pagpapatahimik, ang paglaban ng Tacloban 5 ay simbolo ng pagbalikwas sa bulok na sistema na siyang kumikitil ng mga inosenteng buhay at lumilikha ng mga biktima sa kamay ng matinding inhustisya—pulang dugo sa kamay ng gobyernong pasista.
04/02/2026
ANIM NA TAON NG PATULOY NA PAKIKIBAKA!
Sa ika-anim na anibersaryo ng pagkakakulong ng Tacloban 5, sama-sama tayo para paigtingin pa lalo ang panawagang palayain na ang mga bilanggong politikal sa gitna ng mas lumalalang pasismo. Sa isang bansang may demokrasya, dapat walang lugar ang panunupil sa ating mga aktibista at mamahayag at sa pamamagitan ng musika, ipakita natin ang nagkakaisang lakas ng mga Iskolar ng Bayan na tutol sa sistemang pinapanatili ang kawalan ng hustisya para sa malawak na masang api.
Magkita-kita tayo ngayong ika-6 ng Pebrero, 4 PM, sa Centennial Garden, AS Grounds para sa isang gabing puno ng kanta, pakikiisa, at militanteng pakikibaka dahil ang laban ng Tacloban 5 ay laban nating lahat.
Palayain ang Tacloban 5! Palayain ang lahat ng Bilanggong Politikal!
Kasama ang mga organisasyon:
UP Tacloban Student Council
Bahaghari - UP Tacloban Chapter
UPTC Batch Bahandii