22/10/2025
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐ฅ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐บ ๐๐๐ฏ, ๐๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐
๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Arestado ang isang Pilipinong illegal recruiter at human trafficker na si Jarwin De Leon Santinitigan matapos siyang marepatriate kasama ang tatlo niyang nabiktima mula sa scam hub sa Vientiane, Laos noong Oktubre 17, 2025.
Batay sa salaysay ng mga biktima, sila ay pinangakuan ni Santinitigan, na umanoโy isang human resource manager sa Laos, ng trabaho bilang customer service representative. Pagdating nila sa Maynila upang magproseso ng mga kinakailangang dokumento, ipinakilala sila ni Santinitigan sa isang taong nagngangalang โAyie,โ na konektado umano sa isang recruitment agency. Si โAyieโ rin ang nag-ayos ng kanilang mga papeles para maiproseso bilang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Gayunman, nang umalis sila ng bansa, ang kanilang mga dokumento na mula sa Rapid Manpower Consultants Inc. ay para sa trabaho bilang electrician sa Brunei, ngunit ang kanilang airline ticket ay patungong Thailand. Pagdating sa Thailand, dinala sila sa Laos at doon pinagtatrabaho bilang online scammers gamit ang platform na TikTok.
Ayon sa mga biktima, hindi nila kinaya ang trabahong panloloko sa kapwa, kaya sila ay humingi ng tulong at sumuko sa Embahada ng Pilipinas sa Laos, na agad namang nagpatupad ng kanilang repatriation.
Nadakip si Santinitigan matapos makumpirmang siya ang nagrecruit at nagpadala sa tatlong biktima. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, at Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na may kaukulang parusa sa mga sangkot sa illegal recruitment at human trafficking. Iniimbestigahan din ng DMW ang pagkakasangkot ng Rapid sa nangyari sa mga biktima.
22/10/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
Ang direct hiring ay isinasagawa direkta ng aplikante online sa pamamagitan ng DMW e-registration account. Walang sinumang fixer, ahente, o indibidwal na konektado sa foreign employer o principal ang pinahihintulutang mamagitan o maningil ng bayad para sa pagproseso ng Overseas Employment Certificate (OEC) o work permit.
24/09/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
Check muna bago mag-loan online!
Nagbababala ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa mga pages na nag-aalok ng pautang tulad ng:
Tiwala Lending Prime
Pautang OFW sa Norway
PinoyPay Prime
CredXpress Lending
Siguraduhin munang rehistrado sa SEC at awtorisado ng BSP ang kumpanya.
Para sa listahan ng mga legit na lending company, i-download ang SEC Check App!
10/09/2025
News Release
Department of Migrant Workers
Setyembre 08, 2025
๐๐๐บ๐๐๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
๐๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฒ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ช๐
Direkta at mas mabilis na ang pangungumusta sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Kumusta Kabayan Appโ isang digital welfare monitoring system na nanglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs saan mang panig ng mundo.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na seguraduhin ang maayos na kondisyon at kapakanan ng mga OFWs, inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Kumusta Kabayan App na maaaring mai-download ng mga OFWs sa kanilang mga mobile phones para sa mas mabilis at agarang tulong sa kanilang pangangailangan o anumang emergency.
"Ang Kumusta Kabayan App ay magkatuwang na binuo ng DMW at OWWA para sa direktang pagsubaybay sa kalagayan ng ating mga OFWs. Higit sa lahat, gusto nating maipadama sa bawat OFW ang kanilang kahalagahan bilang Bagong Bayani ng ating bansa dahil tayo mismo ang direktang tatawag sa kanila upang mangamusta, at seguraduhin ang agarang tulong sa kanilang pangangailanagan,โ pahayag ni Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Ang Kumusta Kabayan App ay konektado sa DMW-OWWA electronic system at database ng OFW registration at membership, case management, at welfare reporting.
Ilan sa mga features ng app ay ang โKumusta Kabayanโ Survey kung saan maaaring sagutin ng OFW ang kanyang kalagayan sa kanyang employer, ang kalidad ng kanyang working at living condition, at kung tama at nasa takdang panahon ang kanyang sahod.
Kasama din sa app ang kumpletong hotline numbers ng DMW-OWWA, and 1348 na maaaring tawagan ng mga OFWs 24/7 para sa anumang emergency. Makikita din ang hotline numbers ng mga Migrant Workers Offices at DMW Regional Offices.
Sa pamamagitan ng app, ang mga OFW ay mabilis na ring makakatawag sa DMW para sa anumang tulong mula sa DMW AKSYON Fund, gaya ng repatriation, legal, pinansyal, at reintegration assistance. # # #
19/08/2025
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฒ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐๐ ๐ช ๐ฎ๐ป๐ด ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
๐๐ฆ๐ฃ๐ถ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Sa bisa ng Closure Order Nos. 28 at 29, Series of 2025 ay ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dalawang Japanese language centers na parehong matatagpuan sa Cebu matapos mapatunayang sangkot ang mga ito sa illegal recruitment dahil ng pag-aalok ng trabaho sa Japan nang walang lisensya o awtoridad mula sa DMW.
Unang isinagawa ang operasyon sa Basalo Japanese Language School, Inc. (Basalo) sa Minglanilla, Cebu. Ayon sa imbestigasyon, modus ng Basalo ang pag-aalok ng anim na buwang Japanese language training kapalit ng halagang โฑ72,000 bilang training fee. Pagkatapos umano ng training, ire-refer ang mga aplikante sa umanoโy partner employers sa Japan para magtrabaho bilang caregiver, housekeeper, butcher, o food processor sa ilalim ng Specified Skilled Worker Program.
Sumunod na ipinasara ang Nalacebu Language Training Center (Nalacebu) sa Cebu City. Nag-aalok ito ng N4 at N5 level Japanese language training na nagkakahalaga ng โฑ22,500. Matapos ang training, kailangang pumasa ang mga aplikante sa pagsusulit upang sila ay umanoโy maipadala sa Japan bilang housekeeper, caregiver, o factory worker sa pamamagitan ng umanoโy partner agency na may lisensya ng DMW. Ayon sa Nalacebu, walang babayarang placement fee ang mga aplikante dahil dadaan din ito sa Specified Skilled Worker Program ng Japan.
Kasunod ng pagsasara, isasama sa DMW List of Persons with Derogatory Record ang mga opisyal ng Basalo at Nalacebu. Inirekomenda rin ng DMW sa Pamahalaang Bayan ng Minglanilla at Pamahalaang Panlungsod ng Cebu ang kanselasyon ng kanilang business permits. Nadiskubre kalaunan na ang Basalo ay walang business permit sa Minglanilla, Cebu. Bukod dito, inirekomenda rin ang pagkansela ng rehistrasyon ng Basalo sa Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Nalacebu sa Department of Trade and Industry (DTI).
Nanawagan ang DMW sa mga naging biktima ng Basalo at Nalacebu na makipag-ugnayan sa DMW Regional Office VII sa Ground Floor, DOLE Building, Gorordo Avenue, Cebu City o sa pamamagitan ng kanilang page: https://www.facebook.com/dmwrovii.
31/07/2025
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
09 July 2025
๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ ๐๐ฎ๐น๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ ๐ช ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐
๐๐ข๐ท๐ช๐ต๐ฆ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Isinagawa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sabayang pagsasara ng VMJ Beauty Salon and Spa (VMJ) at JEF & EDS Learning Center (JEF & EDS) sa Imus, Cavite matapos matukoy na ginagamit ang mga ito sa operasyon ng illegal recruitment.
Batay sa imbestigasyon ng DMW, nag-aalok ang VMJ ng mga trabahong hairdresser, manikurista, at nail technician patungong Saudi Arabia kapalit ng inaasahang buwanang sahod na humigit-kumulang Php 35,000. Gayunman, kinakailangan umanong sumailalim muna sa training ang mga aplikante at magbayad ng Php 15,000 bilang training fee, na maaaring bayaran ng hulugan.
Samantala, ang JEF & EDS ay nagsisilbing pansamantalang tinutuluyan ng mga aplikante ng VMJ. Dati rin umano itong ginagamit bilang training center ng salon.
Ang pagpapasara ng DMW ay isinagawa alinsunod sa Closure Order Nos. 17 at 18, Series of 2025. Napatunayang walang kaukulang lisensya o akreditasyon mula sa DMW ang nasabing salon at learning center, paglabag sa itinakda ng Republic Act No. 8042, as amended by RA 10022.
Dahil dito, mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga may-ari at opisyal ng VMJ at JEF & EDS. Isasama rin sila sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Record. Irerekomenda rin ng DMW ang pagkansela ng kanilang business permits sa Pamahalaang Lungsod ng Imus.
Nanawagan ang DMW sa lahat ng posibleng biktima ng VMJ at JEF & EDS na makipag-ugnayan sa Migrant Workers Protection Bureau sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip para sa libreng tulong legal.
31/07/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
Government-to-Government placement? Kung wala sa DMW website, hindi totoo!
Mag-ingat sa mga nangangako ng trabaho sa abroad sa ilalim ng Government-to-Government(G2G) na proseso kapalit ng bayad.
โ Ang tunay na G2G placement ay tanging sa DMW Pre-employment and Government Placement Bureau (PEGPB) lamang pinoproseso ang mga dokumento at binabayaran ang mga nararapat na fees.
โ Bisitahin ang DMW Website para sa lehitimong anunsyo ng G2G VACANCIES.
โ Bisitahin ang DMW Pre Employment and Government Placement Bureau In Action, ang legitimate Facebook account ng G2G Activities.
Maging matalino, huwag magpaloko! Kung may kahina-hinalang transaksyon, i-report agad sa DMW!